chapter 3

3.7K 46 2
                                    

Nakabusangot akong bumaba ng hagdan. Nakasuot ako ngayon ng light brown na dress na tenernuhan ko ng converse shoes na kulay grey. Tinirintas ko rin ang hanggang bewang kong buhok at hindi na nag-abalang maglagay pa ng make up.

Aba! Naniniwala ata tong ateng niyo sa sinasabing natural beauty kaya naman hindi ko na kailangan ng pang kolorete sa mukha.

Kirk glanced at me then shifted his gaze sa hawak hawak kong stufftoy.

"This way Miss Sandoval" untag sakin ni Kirk na nakatayo sa main door.

Lumabas uli ako ng nakabusangot parin ang mukha ko. Naabutan ko si Boss na nakasandal sa kotse nito. Nakasuot ito ng jeans na tenernuhan niya ng plain na black shirt na parang medyo hapit sa katawan niya kasi nakikita ko ang muscles nito. Naka red itong sapatos at yun lang. Wala itong suot na sumbrero or sun glasses or kung ano man. Plain lang ang itsura nito but still, ANG GWAPO PARIN NG BOSS KO.

"Hi boss!" Masayang bati ko dito. Aba aba! Mood swings? Kanina nakabusangot ako ngayon nakangiti naman.

Nakakaganda naman kasi ng umaga pag nakakita ka ng mala Adonis na tao. Ang mas maswerte pa kung 24/7 mo itong nakikita.

Napakunot ang noo nito at agad sumama ang timpla ng mukha.

"Why are you bringing that stupid big bird?" Kunot noong tanong nito.

Napatingin naman ako kay ZZ then pabalik kay Zeb.

"Bird? Hindi to bird. Penguin to. Spell ko pa po?" 

"Bird, duck, chicken, penguin. Whatever it is. I don't care. Just throw that fvcking toy and get inside the car" utos nito sakin.

Niyakap ko naman si ZZ. Throw? No way! Never ever! Ayoko ngang itapon ang baby ko.

"Ayoko nga! Eto Kirk oh, paki lagay nalang sa kwarto ko" utos ko kay Kirk na naka tambay lang sa pinto. Tinanggap naman nito ang stufftoy at dinala na sa kwarto ko.

I faced him. Happy? 

"Get in" utos nito sakin at pumasok na sa kotse. Napairap nalang ako.

Wow! Ang gentleman ng boss ko. 

Note the sarcastic tone guys.

Pero sino nga naman ba ako para mag demand na tratuhin ako nitong espesyal? Asawa niya ba ako? Girlfriend? Ni kaibigan nga hindi pa eh.

In short, I am still a nobody. I am just his baby maker. No more no less.

Nalungkot bigla ang awra ko dahil sa mga naisip ko na yun. Oo nga naman. At sino ba ako para mag demang ng kiss kanina? Kasi naman eh! Nakaka tempt halikan tong isang to. 

"Ano? Tatayo ka nalang ba diyan? Walang palayan dito kaya hindi kami nag hihire ng scare crow"

"Ouch ha! Mukha ba akong scare crow boss? Dibale next time, mag pupulbo na ako at mag lilipstick. Sasamahan ko pa ng mascara at eye liner para naman hindi ako magmukhang scare crow" pilosopong sagot ko sito at padabog na umupo sa shot gun seat ng kotse niya 

"So sinasagot mo na ako ngayon?" Mukhang naiinis na nitong tanong sakin.

"Oo naman boss. May bibig kaya ako kaya malamang, makakasagot po ako" sagot ko ulit dito.

"Aba't! Rule number three, ayoko ng maiingay dito sa pamamahay ko, ayoko ng puro reklamo ng reklamo at ayoko ng sumasagot sagot ka ng pabalang-"

"I know po. Wala naman akong amnesia para makalimutan. Hindi rin ako ulyanin. Nag mememo plus rin po ako gabi gabi kaya hindi ko makakalimutan yung mga rules niyo po" putol ko agad.

"Then bakit ka sumasagot sagot sakin?!" Naiinis na talagang tanong nito sakin.

Napatingin ako kay boss. Halos bumakat na ang ugat nito sa leeg dahil sa inis. Namumula na rin ang mukha niya at kunot na kunot ang noo niya.

Weird ba kung sasabihin kong cute parin si boss pag naiinis?

Mas ginagahan tuloy akong inisin ito.

"Trip ko lang po"

"You what?!"

"Hehehe chill boss. Peace po" sagot ko agad dito at nag peace sign. Mas kumunot pa ang noo nito at halos lumaki na ang butas ng ilong niya dahil sa inis sakin.

Waahhh!! An kyut ni Lee Jong Suk Oppa ko! Ops! Walang agawan! Akin lang tong boss ko na kamukha ni Lee Jong Suk.

I heard him growl a bit bago binuhay na ang makina. Pinaharurot niya ito ng napakabilis na halos lumabas na yung puso ko ng dahil sa kaba.

Napahawak ako sa seat belt at nanlaki ang mata ko ng tingnan si Boss. Namumula ang mukha nito sa galit at mahigpit na hawak nito ang manebela ng sasakyan.

"Waaahhh!! Ay!! I kennat! Wuy!!! Ano ba! Itigil mo na!!!" Sigaw ko at todo kapit sa seat belt na suot ko.

"Ayoko pang mamatay ng virgin!!!" Sigaw ko at pumikit.

"Gutom na ako!" Reklamo ko habang nakaupo ako dito sa ibabaw ng kama.

Inis namang bumaling sakin si Zeb habang pinupunasan nito ng tuwalya ang basa niyang buhok.

Nasa kalagitnaan kami ng daan kanina ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan tapos sinabayan pa ng pagkasira ng sasakyan ni Zeb. 

Buti nalang at may malapit na motel dito kaya dito na kami nagpalipas muna ng gabi ang kaso lang, puno na daw kaya ang kinalabasan, nag share kami ng kwarto ngayon.

"Sa tingin mo ba makakalabas ako ng kwartong to sa lakas ng ulan na yan? Kung gusto mo, ikaw ang lumabas doon" inis nitong singhal sakin at pumasok sa banyo para ata maligo.

Padabog akong tumayo sa kama at kinuha ang wallet niya. Kumuha ako ng 100 pesos at lumabas na ng kwarto.

Nag dala na rin ako ng jacket at payong para naman kahit papaano ay may panangga ako sa ulan.

"Excuse me po, may malapit po ba ditong convenience store?" Tanong ko sa grupo ng lalaking nakasalubong ko sa labas ng motel.

Pinasadahan naman nila ako ng tingin mula paa hanggang sa ulo ko at ngumisi.

"Malayo pa dito miss eh. Kung gusto mo ihatid ka nalang namin doon" offer ng isang lalaking may piercing sa bibig nito.

Napatingin naman ako sa kanila. Mukha naman mababait sila. 

"Talaga? Sige po!" Masayang sambit ko. Iginiya nila ako sa gilid ng hotel kung saan ata ang parking lo. Dito rin kasi namin kanina pinark ang sasakyan ni Zeb eh kaso mukhang sa pinakadulo nila pinark ang kotse nila.

Na feel ko namang kumulo ang tiyan ko. Gutom na talaga ako!

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon