IHBM 27

2.2K 36 1
                                    

"Mommy! Mommy! Bilis!" Magiliw na saad sakin ni Levi at hinila hila ako papunta sa kwarto ni Wella.

"Teka ka lang baby" natatawang sambit ko at tuluyan ng nakapasok sa kwarto ni Wella.

Napatingin sakin si Wella tapos kay Levi. Her eyes glistened as she saw his child.

"Baby!" Masayang sigaw nito. Napangiti naman si Levi at tumakbo payakap dito.

"Mommy! I miss you po!"

"I miss you too baby. Naging good ka ba kina Tita Jascha at Tito Zeb mo?" Tanong ni Wella at pabirong piningot ang ilong ni Levi.

Napangiti naman ako at umupo sa sofa.

"Yes mommy. Naging good po ako kay Mommy Jascha pero si Daddy Zeb palagi akong inaaway" sumbong ni Levi at ngumuso. Napatawa naman ako at napailing.

"Ay aba! Bat inaaway ng lalaking yun ang baby ko! San ba and lalabs mo na yan Jascha ng mapingot ko!" Galit galitan nitong tanong sakin para na rin sakyan ang pagsusumbong ng anak niya.

"He left. Pumunta siya sa NY, kani kanina lang ang alis"

Nabaling ang tingin nito sakin at napakunot ang noo.

"NY?" Tanong nito na parang may gustong sabihin sakin ngunit hindi niya masabi. Napakurap kurap ito at nanlaki bigla ang mga mata niya.

Hinanap nito ang remote at binuksan ang tv.

"What is it We-"

Naputol ang sasabihin ko at nabaling ang tingin ko sa tv.

"It has been revealed that the cause of the recent plane crash was not an act of terrorism but a defect of the aircraft. The airline and the......."

Unti unting kumabog ang dibdib ko dahil sa balita.

Te-teka. Ano ba to?

"There are atleast 40 passengers of the said aircraft. 24 was found dead while only 5 are the survivors. The rest 11 passengers are still missing. Tha aircraft is from the Philippines going to New York but due to some problem, the aircraft crashed"

Tapos nun, pinakita ang mga pangalan ng mga nasawi, survivors at listahan ng mga nawawala.

Napakurap kurap ako ng makita ko ang pangalan ni Adi at litrato sa limang survivors tapos ang pangalan at litrato ng anak niya sa mga nawawala.

"Zeb" bulong ko at unti unti ng namumuo ang mga luha ko dahil sa kaba.

As if on cue, pinakita ang litrato at pangalan ni Zeb sa labing isang pasaherong nawawala.

"Jascha" tawag sakin ni Wella.

Napailing iling ako at natulala sa kawalan. Napaatras ako at tuluyan ng nagsitulo ang mga luha ko.

"Hi-hindi. Hindi totoo yan. Hindi"  sambit ko.

Kung joke man ito, pwes hindi nakakatuwa. D@mn ig!

"Jascha" alalang sambit ni Wella sakin at tumayo mula sa kama niya.

Nilapitan ako nito ang hugged me. My tears escaped from my eyes as I burried my face on her shoulders.

Napatingin ako sa kawalan hanggang sa unti unting mag sink in sa utak ko kung anong mga nangyayari.

Isang impit na hikbi na kumawala sa bibig ko hanggang sa maging isang palahaw ito.

N-no, no. This can't be happening. This is all a nightmare. A fvcking nightmare!

"You have to rest Jascha. I'll call Kuya Yua-"

Hindi na natapos ni Wella ang sasabihin nito ng mabilis akong kumawala at dali daling binuksan ang pinto ng kwarto nito. Pipigilan pa sana ako nito ng nakatakbo ng ako agad.

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon