Chapter 4

893 19 4
                                    

Sorry ngayon lang nakapagupdate! xD Busy sa Prelims e. Natutuwa ako kahit papaano may nagbabasa ng story ko. Kahit mga silent readers lang. Thank You na din. Hihihihi. So eto na! xD

--

Skye's POV

Nakarating kami sa charity event at exactly 7pm.

As we make our way inside ang dami na agad na sumasalubong sa amin na wala akong idea kung sino sila. Eto ayoko umaattend sa ganitong kalalaking event e. Puro Hi's and Hello's pero ang nasa isip lang ng naman ng karamihan ng nandito ay ang makipagnegotiate. Business minded people. Psh. Walang ibang alam kung hindi ang magpayaman.

"Smile. Kararating lang natin nakabusangot na agad dyan." Pabulong na sabi sa akin Miguel habang patungo kami sa designated seat para sa amin.

"Gaano ba tayo katagal dito? Alam mo namang ayoko sa ganitong lugar na puro sosyalan." Pasinghal kong sabi sakanya.

"Relax okay? Hahanapin ko nalang muna sila Daddy. Dito ka lang ha? Wag kang aalis. WAG." 

Nawala nalang sa paningin ko si Miguel. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar at ng mga tao. Nagbabakasakaling may makikala akong pamilyar na mukha, pero wala. Kung hindi lang talaga for a cause itong event na ito kahit pagalitan ako ni Daddy hindi talaga ako magaaksaya ng oras pumunta dito.

Napagdesisyunan ko munang lumabas sa garden para magpahangin. Mukhang matatagal pa si Miguel bago ako balikan dahil nakita ko siyang hinarang ng isang business man. Hindi ko rin makita sila Tita Cecile at Tito Carlos dahil sigurado ako kasama rin nila mga amigo at amiga.

As I was in my deep thoughts ng may naramdaman akong isang bulto ang tumabi sa akin.

"Hindi ata nararapat sa isang magandang binibini na nagiisa lalo pa't ganyan suot sa kailaliman ng bilog na buwan."

Napalingon ako at nagulat ng makita ang lalaki sa school kaninang hapon.

"Ikaw yung sa school kanina db? Christian right?"

"Thank God naalala mo pa pangalan ko. Akala ko hindi mo nako makikilala e." Pabiro niyang sabi sa akin showing his perfect set of teeth.

"Sa lakas ng pagkakabunggo mo sa akin makakalimutan ba naman kita?" Pabalik kong biro sakanya.

Napuno ng tawanan ang buong garden sa pagbibiruan namin ni Christian hindi ko alam kung anong meron sa boses niya pero ang sarap lang talagang pakinggang ng baritono niyang boses hanggang sa napalibutan ng matitipunong braso ang bewang ko na siyang kinagulat ko.

"Nandito ka lang pala babe kanina pa kita hinahanap." As he possessively snake his arms around me and stared blankly at the man I'm laughing with.

"Migz! Ginulat mo ko! Ang tagal mo kasi akong balikan e. Ay nga pala, si Christian kaschoolmate natin. Transferee."

Parang hindi niya narinig ang sinabi ko at dali-dali akong niyaya pabalik sa loob.

"Tara na. Hinahanap ka na nila Mommy." Malamig na tono ni Miguel habang nakatitig ng malalim kay Christian.

Anong problema nito? Patanong ko sa aking isipan.

"Ah sige Christian. See you nalang sa school ha?" Pangiti kong sabi sakanya.

"Sure Skye. Sa school nalang."

--

"Hi iha! Kanina pa kita hinahanap. You look stunning." Malambing na sabi sa akin ni Tita Cecile. At sabay beso kay Tito Carlos.

"Nako nagsalita si Tita kayo rin naman po. As always."

"Hindi ka pa rin nagbabago iha. Buti nalang ikaw ang dinala ni Austin dito at hindi kung sino sino lang." Sabay tingin kay Migz na hindi na ako kinausap simula pagbalik namin dito.

Nagstart ang event which is yung auction sa mga historical items and which I really find it boring. Sorry pero hindi lang talaga ako nakakaappreciate ng nga antique na bagay. Nakakakilabot kasi na ang dami ng pinagdaanan ng mga bagay na yun, but still I placed my bet on it.

One hour had passed at kinukulit ko ng umuwi si Miguel yet hindi niya pa rin ako pinapansin na siyang pinagtataka ko pero hinayaan ko nalang.

Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin si Christian at nakita ko siya sa kaliwa at sa tingin ko kasama niya mga magulang niya.

Nagkakatitigan kami pansamantala.

I smiled. He smiled. Then my heart melt.

"Ehem. Ihahatid na kita Skye. Nasabi ko na kila Mommy. Let's go." Pagalit na sabi ni Miguel

"Ha? Ngayon na? Akala ko ba mamaya pa. Sabi mo db?" Kanina kasing inaaya ko siya ayaw niya. Ngayong may moment nako bigla siyang sisingit. Talaga nga naman o.

"I said let's go! Wag ka ng magtanong pa."

Habang nasa byahe hindi ko na matiis hindi magtanong kung ano ba talaga problema nitong si Miguel.

"Hey, is there anything wrong? Kanina ka pa ganyan ha?" I softly asked Miguel.

Ayoko ng sabayan pa kung ano man ang ikinakainit ng ulo niya.

"Wala. Okay?" Malamig pa rin na tono niya habang pabilis ng pabilis ang takbo namin.

"Alam mo. Kung ayaw mong sabihin. Fine. Pero pwede ba bagalan mo pagmamaneho mo." Singhal ko sakanya.

"Sino yung kasama mo kanina?"

"Ha? Sinabi ko na di ba? Schoolmate natin."

"Huuh. Really? Kailan mo nakilala yun ha? Mukha kayong close na close ah."

"Teka nga. I don't know why we're having this conversation right now. Ano ba problema mo kay Christian?"

"So that's his name. Christian." The way he speak his name as if he loathes every inch of it while gripping too hard to the steering wheel.

"Yes. So now tell me what's wrong?"

"Don't talk to him. Don't get close to him. Just don't."

"And why is that? We've become friends right now. So can we drop this conversation okay?" I'm starting to lose my patience to this guy.

"No. Just do what I'm saying Skye. DONT GET CLOSE TO HIM."

"And what if hindi kita sundin? Ha Miguel? Masyado mong pinapalaki ito!"

"You don't want me to be furious right Skye?" He stared at me with his dark blue eyes that sends shiver to my spine.

And I know for that moment I picked the wrong words to answer him.

--

SHORT UPDATE! XD Sabaw na update. Huhuhuhu! Eto na ata yung tinatawag na writer's block ba yun? HAHAHAHAHA! Happy Reading! Hopefully by Tuesday makapagupdate ulit ako. =))))

The Possessive OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon