Skye's POV
Maaga akong nagising kaya naisipan kong pumasok nalang ng maaga kahit mamaya pa namang 12pm ang pasok ko. Nagpapark pa lang ako ng sasakyan habang iniisip ko kung saan na muna ako tatambay, at napagdesisyunan kong sa quadrangle nalang ako magpapalipas oras para makapagadvance study nalang din ako para sa major subject ko. Habang nagbubuklat ako ng notes ay biglang nagvibrate ang aking phone at nakita ko agad ang pangalan niya sa screen na siyang ikinangiti ko.
Fr: Christian
Goodmorning. Paalis pa lang ako. See you later! :)
Hindi ko na siya nireplyan dahil magkikita din naman kami mamaya. Pinagmasdan ko ang paligid at napansin kong konti pa lang ang tao. Gustong gusto ko talaga dito sa quadrangle dahil bukod sa tahimik na ay malilim pa. Perfect para sa mga taong gusto ng katahimikan, tulad ko ngayon.
Isang linggo na ang nagdaan and I must say sa mga araw na lumipas ay lagi kaming magkasama ni Christian. Madalas kasi niya akong inaantay sa labas ng classroom namin o kaya naman sa parking lot and everyday lagi niya akong binibigyan ng flowers. Ayoko naman magassume hangga't wala pa siyang sinasabi. Tsaka isang buwan pa lang ang nakalipas simula ng magkakilala kami, so I don't want to rush things up atleast.
At sa isang linggo din na nagdaan ay hindi ko man lang nakausap si Daddy tungkol sa sinabi niya about kay Christian, the day after that night ay agad siyang umalis papuntang Macau para sa isang business meeting at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Kaya up until now ay iniisip ko pa din ang sinabi niya. Nasa malalim akong pagiisip ng may biglang humalik sa aking pisngi na siyang kinagulat ko.
"Ang aga mo naman ata ngayon?" Nakangisi niyang sabi sa akin.
"Wow. Looks who's talking? Buti naman naisipan mo nanamang magparamdam
Miguel? One week again?!"
Yes. One hell of a week na hindi nanaman siya nagparamdam. Akala ko nga nagkasakit siya, kaya panay ang tawag ko sakanya pero hindi naman siya sumasagot. Pinunantahan ko din siya sa condo niya pero walang tao. Sobra akong nagalala kaya tinawagan ko ang parents niya para hanapin siya, at napagalaman kong nasa Cebu pala siya dahil pinadala siya ni Tito para sa isang conference. Business related naman pero ang ikinagagalit ko ay hindi man lang siya nagpaalam sa akin.
"Eto naman. Don't you miss me?" Sabay lapit ng mukha niya sa akin.
"Miss your face! Ano ba naman na magtext ka ha?!" Sinabi ko na bang galit ako? Galit talaga ako.
"Easy. Naiwan ko phone ko sa condo. Agad agad tumawag si Daddy e. I can't say no. Alam mo yun." Paglalambing niya sa akin.
"Excuses. Akala ko nagkasakit ka nanaman. Nagalala ako no." Pagaalala kong tingin sakanya pero napalitan ng galit. Nagantay ako ng sagot niya pero nakatitig lang siya sa akin na parang may sinabi akong mali.
"Hey Migz-"
"Nagalala ka talaga?" Nakangiti niyang tanong.
"Oo naman no. Ano ka ba naman. Bigla kang nawawala tapos susulpot ka lang agad kung kailan mo gusto." Pagtatampo kong sabi sakanya.
"Dumaan ako sainyo dapat susunduin kita. Kaso sabi ni Nana umalis ka na agad. So good thing I found you here. So tell me, what kept you busy last week?" Mapanuring tanong niya.
"Maaga kasi akong nagising no." Sagot ko habang binubuklat na ang notes ko.
"You're already dating him." Napaangat ako ng tingin sakanyang sinabi. Hindi iyon tanong dahil siguradong sigurado ang tono ng pananalita niya.
"Saan mo naman nalaman yan? E wala ka nga nitong nakaraang linggo."
"Kay Nana. Nabanggit niya na may lalaki daw nagpupunta doon." Sabi niya na umiwas na ng tingin sa akin.
"Yes. I don't know. Date na ba talaga tawag doon kapag araw-araw na kaming lumalabas?" Kasi hindi ko talaga alam. Kapag sinabing 'Date' di ba ibig sabihin nun nanliligaw na ang lalaki sa babae? Pero hindi naman siya nanliligaw e.
"Ofcourse Skye! Nevermind, let's not talk about it for now. Tara kain muna tayo?"
Tinignan ko ang relos ko at nakitang 10am pa lang naman. "Sige na nga. Teka wala ka bang pasalubong man lang sa akin?" Pasinghal ko sakanya habang nililigpit na ang gamit ko at tsaka tumayo.
Tumayo na siya at hinawakan na ang bewang ko habang naglalakad na kami papuntang parking lot."Ikaw pa ba makakalimutan ko? Iniwan ko na kay Nana."
--
Napagdesisyunan naming kumain sa isang coffee shop malapit sa school. Umorder lang ako ng Vanilla frappe tsaka blueberry cheesecake dahil nagbreakfast naman ako sa bahay. Habang siya naman ay nagorder ng carbonara at pineapple juice.
Nagkkwentuhan kami ng may biglang lumapit sakanyang babae at niyakap nalang siya bigla.
"Babe! I knew it's you!" Napaismid nalang ako ng marinig kung gaano kaarte ang boses niya.
"Oh H-hi?" Natawa ako sa reaksyon ni Miguel. I knew him very well, hindi niya naaalala ang babae. Ganyan naman siya lagi, may biglang lalapit sakanya pero hindi niya maaala. Sa dami na naman ng babaeng nakasalamuha niya. I doubt.
"I hate you! Iniwan mo nalang ako after that night. Hind ko alam saan ka hahanapin." Pagpapacute ng babae sakanya.
"Uh yeah. Sorry. You see I'm busy right now." Sabay tingin niya sa akin ng nakangisi na para bang pinapangalandakan niya yung eksena ngayon.
"Oh didn't know you're with your sister. Sorry. Hi Ate! I'm Trina." Plastik na ngiti niya sa akin. Sister? Ate?! Mukha ba kaming magkapatid?!
"Hi I'm Skye. And I'm not his sister. I'm his fiance." Nakangiti kong sabi habang nilalahad ang aking kamay pero para siyang walang balak abutin at para siyang binuhasan ng malamig na tubig
"Oh I-I'm sorry. Excuse me." At nagmadali na siyang lumabas ng shop.
Sinundan ko siya ng tingin. Buti nga sakanya! Hindi naman kami mukhang magAte ni Miguel e! Nakakayamot siya! Sinabayan pa nitong kasama ko ngayon na titig na titig habang nakangisi sa akin.
"So know you're meddling with my girls?" Panunuya niya sa akin.
"No I'm not! Tinawag niya akong Ate! I can't believe it!"
"Really? Dati naman nanahimik ka lang sa tabi kapag may ganyan." Titig na titig pa rin siya sa akin hanggang ngayon.
"Tinawag niya akong Ate mo. Mukha ba akong mas matanda sayo?! And please Miguel, mamili ka naman ng babae mo." Iiling iling na sabi ko sakanya. At tsaka dumating na ang order namin.
"Okay. Next time." Nakangisi niyang sabi na parang nangaasar pa lalo.
--
Nakabalik kami ng school around 12:15. Paano nagpasama pa si Miguel sa mall dahil may pinabili ang Mommy niya sakanya. Maaga na nga nakapasok pero ang ending mas nalate pa ako lalo. Kaya eto ako ngayon nagmamadali na sa paglalakad.
"I'll see you later Skye!" Pasigaw na sabi ni Miguel.
Buti nalang talaga late din ang prof kaya heto ako ngayon nakikinig ng mabuti. Pero hindi rin ako makapagconcentrate dahil panay ang vibrate ng phone ko. Sinilip ko yun at nakitang may 5 text galing kay Miguel.
Nalate ka ba? Sorry.
I'm bored.
Puntahan nalang kaya kita?
Skye. Text me.
I miss you.
Sa huling text niya ako napatitig ng ilang segundo. Paano ba naman kakahiwalay lang namin may ganyan pa siyang text sa akin. Siguro bumabawi lang sa isang linggong hindi nagparamdam sa akin kaya ganyan. Hindi ko nalang siya nireplyan dahil panigurado mas lalo siyang mangungulit.
Ilang minuto din ang lumipas ng matapos ang klase ko. Habang nagliligpit ako ng gamit ay narinig kong sumigaw ang classmate ko.
"Skye! Andito na siya!" Ewan ko kung sino ang sumigaw pero napangiti na ako dahil alam ko na kung agad kung sino yun.
"Hi. For you." Salubong niya agad sa akin sabay abot ng flowers.
"Thanks. As always." Ngiti ko sakanya.
"Mm may practice kami ng basketball ngayon e. Hanggang 5 lang naman. Biglaan e." Nahihiya niyang sabi.
"Oh. Okay lang. Aantayin kita?" Naalala ko ngayon na pala start ng practice para sa sports fest.
"Is that okay-" Bigla naputol ang kanyang sasabihin dahil may biglang humatak ng braso ko.
"Sorry hindi ka na niya maantay. May lakad kami." Sabay ngisi ni Miguel.
Tinignan ko siya na puno ng pagtataka. Wala naman kaming napagusapan na may lakad kami ngayon.
"Wala naman kaming gagawin Christian. So okay lang na antayin kita." Ngiti ko kay Christian.
"Meron Skye. Di ba?" Sabay gapang ng braso niya sa aking bewang at kinabig ako palapit sakanya.
Binigyan ko siya ng *What-the-are-you-talking-about-look* pero hindi niya naman ako pinansin.
"Let's go." Hatak niya sa akin pero pinigilan ko siya.
"Wait." Sabay harap kay Christian pero hindi pa rin ako binibitawan ni Miguel. "I'm sorry. Naalala ko nga. Napagusapan namin kanina. So?" Nahihiya kong sabi sakanya. Humanda sa akin si Miguel mamaya!
"Yeah. Sure. Ayoko din pagantayin ka e. Text nalang tayo?" Nakangiti siyang humarap sa akin. Seriously? Marunong bang magalit 'tong taong 'to?
"Yeah. Bye." Sabay halik niya sa pisngi ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Miguel kaya agad din akong lumayo kay Christian.
Naglakad na kami papuntang parking lot at hanggang ngayon hindi niya pa rin ako binibitawan.
"Miguel saan ba talaga tayo pupunta?" Pangungulit ko sakanya pero panay ngisi lang ang sinasagot niya sa akin. "Tsaka paano yung sasakyan ko?"
"Pinakuha ko na sa driver niyo. Pinagtaxi ko na siya papunta dito."
Saktong dumating ang driver namin at inabot ko na ang susi ng kotse ko at binayaran ni Miguel ang pinangtaxi niya.
Hanggang pagbuksan na niya ako ng pinto ng sasakyan niya ay nakangiti lang siya sa akin. Pumasok na ako sa loob at siya rin ay umikot na para pumasok din.
"You're creeping me out. Are you crazy or something? Kanina ka pa nangiti dyan?" Nayayamot na ako sakanya. Bumalik lang siya, umekstra nanaman siya sa amin ni Christian! Minsan talaga hindi ko alam kung mas gusto kong nandito siya o wala e.
"Paano nga kung baliw ako
.
.
.
.
Baliw sayo? Ano gagawin mo?" I swear tumigil ang paghinga ko sa sinabi niya. Titig na titig siya sa akin at nakangising nakaharap sa akin. Hinampas ko siya sa braso kaya tumawa siya ng malakas.
The nerve of this guy!
"Eto naman hindi mabiro." Unti unti siya lumapit sa akin at nilagay ang kanyang kamay sa aking baba.
Hindi ako makapagsalita dahil sobrang lapit niya sa akin at nadadala ako sa mga titig niya.
"Gusto lang naman kitang makasama. Pinagbigyan na kita ng isang linggo kasama siya. Ngayon ako naman pagbigyan mo." Unti unti na niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit nalang ako habang inaantay ang susunod niyang gagawin pero walang nangyari.
Dahil sunod kong narinig ay ang tawa niya.
"You expect me to kiss you?" Natatawa niyang sabi.
Hinampas ko siya ng hinampas. Grabe ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya. Bwisit siya! Pero panay tawa lang siya sa akin.
"Easy. I will. Later." Sabay kindat sa akin paandar na ng sasakyan.
I swear a million times. Kumabog ng bonggang bongga ang dibdib ko!--
Happy Readings Guys! Comments. Votes. Thank you.
@JAstbeyourself
BINABASA MO ANG
The Possessive One
RomanceI love two men. I screw them both. I am in a relationship with the other. The other one accepted the situation and is aware of everything. Somehow I managed to exist a parallel relationship between them, but not to expect it as a long term situation...