Chapter 13

467 8 0
                                    

Skye's POV

Wala na akong nagawa ng hinatak na ako Migz at pinaupo sa front seat. Saktong pagkaupo ko ay agad kong napansin ang pink teddy bear at roses sa likod ng upuan. Kaya ng pagkapasok niya sa drivers seat ay binigyan ko siya ng nagtatakang tingin dahil alam kong iniwan ko ito kay Candice at balak ko sanang kunin sakanya mamayang paguwi ko at para magkwento na din sa naging 'lunch date' namin ni Christian.

"Don't give me that look. Hinarang agad ako ni Candice at niyaya akong pumunta sa parking lot para ibigay sa akin yan." Pagdadahilan niya sa akin. Knowing Migz, he hates that stuffs itatambak lang naman daw yan ng mga babae sa kanilang kwarto. Ganyan ang sinasabi niya sakin all those years, pero ngayong nabigyan na ako ng ganyan. Lagi ko na itong itatabi sa aking pagtulog. And for the record alam kong wala pa siyang pinagbibigyan ng ganyan. He drive silently papunta sa kanyang condo which is okay lang din para sa akin dahil unti unti ng nagsisink in sa akin ang mga sinabi ni Christian. Pero inaanaylze ko muna bago ko ipasok sa aking isipan ng biglang tumunog ang phone ko.

*Ding!

Fr: Christian

Wala kaming prof! :(

Natawa ako sa text niya. Sayang naman. Dapat pala sinagad na namin ang oras na magkasama kami. Kaya nireplyan ko siya agad.

To: Christian

Too bad! May next time pa naman e. :)

Sent!

Wala pang isang minuto ng tumunog ulit ang aking cellphone. Sinilip ko kung siya ba ang nagreply. At siya nga! Bihira sa isang lalaki ang magreply ng mabilis ha. Kahit si Miguel ay halos isang oras bago ako replyan pero siya halos isang minuto lang.

Fr: Christian

Dinner later remember? :(

Napansin ko na nasa basement na pala kami ng condo ni Miguel, parang ang bilis ng byahe namin ngayon. O sadyang preoccupied lang ang pagiisip ko ngayon. Habang tinatanggal ko ang seatbelt ay bigla siyang nagsalita.

"Himala ata nahihilig sa pagtetext? Minsanan lang kita makita magtext ah." Sabi niya at mabilis umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"Well I guess texting is fun after all." I laughed habang sumakay kami sa elevator. Iniisip kong mabuti kung ano irereply ko. Sabi kasi ni Candice magpakipot daw muna ako. Paano ako magpapakipot kung nakahain na lahat sa akin at susunggaban ko nalang hindi ba? Natatawa ako sa iniisip ko ngayon kaya napailing nalang ako. Derederecho lang ako naglakad papasok ng condo ni Migz habang nagttype at pinipindot ang back space para sa message ko para kay Christian. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko ng bigla nalang akong buhatin ni Miguel at ihagis sa kanyang sofa bed sa sala! Napatili ako at nabitawan ko tuloy yung phone ko.

"Migz! Ano ba!" Sabi ko habang tumatawa dahil kinikiliti niya ako. Okay sometimes he's a guy but more often he still acts as a boy.

"Finally! You acknowledge my presence!" Hindi niya pa ring ako tinitigilan.

"Oo naman! Please stop ayoko na!" Naiiyak na ako kakatawa. Buti naman napagdesisyunan na niya akong tigilan.

Tsaka ako umupo at inayos ang buhok ko pati na din ang damit ko. Buti nalang hindi ako nagskirt kung hindi umangat na talaga yun hanggang hita ko.

"Seriously Miguel? Hindi na tayo bata para sa ganyang biruan." Derecho kong sabi sakanya pero hindi niya lang ako pinansin at tumayo para buksan ang tv.

"So porket nakikipagdate ka na sa iba hindi ko na pwede gawin ang mga bagay na ginagawa ko sayo dati?" Pabalang niyang sabi habang nagindian sit sa harapan ko at tinitigan ako.

The Possessive OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon