Chapter 6

768 16 0
                                    

SKYE'S POV

I dialed Migz number ng mareceive ko agad ang text niya.

Akalain mo nga naman sa wakas naisipan din niyang magparamdam sa akin! Tapos kung hanapin ako parang ako 'tong nagtago sa kanya ng isang linggo. Talaga naman, at napakatagal niya pang sumagot. I waited patienly for him to answer pero di niya sinagot.

I tried again.

'Cmon Migz pick up your phone! I said to myself. Ano ba naman 'tong taong 'to! Magtetext tapos biglang hindi naman sas-- Finally!

"H-e-llo.."

"Hey! Buti naman naisipan mong --.."

Naputol ang pagsasalita ko ng marinig ko siyang umuubo at parang matamlay ang boses.

"Migz! Are you okay?!"

"Y-eah. Just not that okay." Sagot niya na halos di na makapagsalita ng maayos.

"Stop lying, you're not. Nasa condo ka ba? Papunta nako diyan. Wait for me."

Hindi ko na siya inaantay sumagot at umalis na agad ako ng school para icheck ang mokong na 'yun. May sakit na pala siya hindi man lang nagsabi, Nako! Makakatikim na talaga sa akin ang taong 'yun! Pailing iling kong sabi habang nagmamaneho.

Diredirecho nalang ako pagpasok sa building ng condo nila Miguel. Isa 'to sa pagmamayari ng pamilya nila kaya kilala na rin naman ako ng mga empleyado nila dito dahil lagi narin naman akong pumupunta dito.

I hit the 28th floor and went straight to his unit. Entering lock code '7593' which is name ko. Siya nagSet ng lock code na yun dahil madalas nakakalimutan niya mga password niya atleast daw kapag name ko nakatatak na sa isip niya. Hahahaha!

I went straight to his room. And found him there sleeping peacefully - Nakadapa.Nakatodo ang aircon, nakaboxer shorts lang at hindi nakakumot. Chineck ko ang temperature niya at 39•C. Great! Malamang magkakasakit talaga siya sa ganitong ginagawa niya.

Lumabas nalang ako ulit para paghandaan siya ng makakain niya at para makainom ng gamot. I checked his cabinets only to found out na puro chips ang laman. His ref puro bote ng alak! Wala man lang kahit anong makain na matino! Pero buti may stock siya ng paracetamol. Kaya I decided na magorder nalang ng makakain.

Habang inaantay ko yung pinadeliver ko, I roam my eyes around his condo. Napapangiti ako. May combination ng light pink, white at black ang paligid. May mga figurines, paintings. Pati ang kwarto niya ako nagpalagay ng kung ano-ano dun. Pero kung siya ang papipiliin, basta may kama sapat na!

Pinagaawayan kasi namin 'to dati dahil after namin gumraduate ng HS binigyan na siya ng condo ng parents niya. At gusto ko lagyan ng personal touch ko ang condo niya pero ang kondisyon ay basta dito ako titira which is hindi naman nangyari dahil -

Naputol ang pagaalala ko ng may biglang mag door bell. 'Buti naman at nandito na yung pagkain. I checked my watch. 4:15pm. Makakasama pa ko mamaya kila Candice nito basta guminhawa pakiramdam ni Migz.

Agad kong hinain ang pagkain at dinala sa kwarto niya para gisingin siya.

"Migz, wake up." Paggising ko sakanya.

"Uhhh. Uhhh..."

"'Wag mo kong ungulan dyan. Bumangon ka na at kumain." Tapik ko sakanya sapat para magising na siya ng tuluyan.

Mapungay ang kanyang mata na bumangon. At tinitigan ako sa kawalan. Marahan kong inaayos ang kanyang pagkakaupo at hinipan ang sopas na dinala ko sakanya.

Wala kaming imikan habang sinusubuan ko siya hanggang sa maubos niya na ng bigla siyang magsalita.

"Where have you been?" He stared blankly at me.

"School. Ikaw? Where have you been for the whole week?" Madiin ko din siyang tinitigan at tinaasan ng kilay.

But he ignored my question, and asked me another one.

"Who's with you?" That caught me off guard. Paano niya nalaman? Di ko alam bakit ako kinabahan gayong wala naman akong ginawang masama.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Saan ka nanggaling ha? Hindi ka man lang nagparamdam! Isang linggo! Anong gina--"

"So you've been on a date? Sa lalaking 'yun?" Pagputol niya sa pagsesermon ko sakanya.

"Paano mo nalaman?" Seriously paano niya nalaman? Di kaya may nakakita sa amin ni Christian?

"Hindi na mahalaga! Di ba sabi ko sayo layuan mo siya?!" Nabigla ako sa pagtaas ng boses niya.

"Teka! Bakit nagagalit ka nanaman? Nag-aya lang siya! At tsaka, bakit pinapakialaman mo ko ngayon? Gayong di naman ako nakikialam kapag nakikipagdate ka?!" Pagalit ko ring sabi sakanya habang kumuha ng t-shirt at hinagis sakanya.

Nagulat siya sa sinabi ko pero agad ding nakabawi.

"Gahd Skye! You barely know that guy! Once mo pa lang nakakausap! Sumama ka na agad! What if may gawin sayo 'yun?!" Mukhang okay naman na ang pakiramdam niya dahil sumasagot na siya. Pwede ko na siguro siyang iwan.

"Walang nangyare okay? I'm fine! This conversation is going nowhere! Pinuntahan na nga kita dito nagaalala ako sayo, tapos eto pa makukuha ko sayo. Nagagalit ka bigla bigla at sisigawan mo ko! Aalis nako tutal mukhang okay naman na!"

Patalikod na sana ako ng bigla niya akong hinigit paharap sakanya. At nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Hinapit ng kanang kamay niya ang bewang ko. Hinawakan ng kaliwa ang mukha ko at pinaglapat ang aming mga labi.

--

Follow me on Twitter!

@JAstbeyourself

The Possessive OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon