Chapter 12

506 7 0
                                    

Skye's POV

After we said our Hi's to each other and stared for God knows how long I feel relaxed. At some point akala ko may awkwardness sa pagitan namin pero wala naman. And I thank God na okay naman siya at hindi naman siya napuruhan sa nangyari ng gabing yun though may pasa siya sa kanyang bibig pero hindi naman ganun masyadong kahalata. Tinutulak na ako ni Candice palapit sakanya pero nahihiya pa ako kahit papaano kaya dinadaan ko na lang sa ngiti. Pero siya na mismo ang lumapit at nagapproach sa akin.

"Hmm about last night-" I immediately cut him off. Ayoko ng pagusapan pa yun.

"Let's move on. Tapos na rin naman na e." I managed to smile. Gusto ko sanang sabihin na 'Let's forget it' kaso ako mismo sa sarili ko hindi makalimutan ang halik na yun. It was liked a drug has been shot through my system.

"Yeah I guess. So how about lunch later? Merienda and Dinner as well?" He asked me shyly and I just find me it cute.

"Hey easy." laughed.

"Gusto ko lang kasi makabawi sayo." He managed to give me his million dollar smile.

"You don't have to. Pero sige. Later." I managed to answer dahil ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala lahat ng classmate ko sa amin. At medyo nahiya na ako doon. Buti nalang dumating na din ang professor namin kaya umalis na din siya at umupo na kami sa designated seats namin.

"Ikaw na talaga!" Pangaasar ni Can sa akin.

"Alam ko na ang feeling mo Can. Eto pala pakiramdam ng mabigyan bear and roses. Yung mabigyan ng effort." I simply said habang naktitig lang sa bear at roses na nasa harapan ko. Lagi kasing may gumagawa ng ganito Candice pero wala naman siyang sinasagot sa mga manliligaw niya. Hanggang ngayon ata umaasa pa rin siya kay Miguel. Though hindi naman niya sinasabi sa akin pero nararamdaman ko naman.

"Kilig feeling no? Pero ang weird lang dahil sobrang ganda mo at halos ng lalaki napapatingin sayo kapag naglalakad ka pero ngayon lang may nagtangka magbigay sayo ng ganyan." Sabi niya habang nakapangalumbaba at mukhang iniisip ang mga sinabi niya.

"Anong weird dun? Ah basta! He's so sweet." Hindi ko pinansin dahil busy ako sa pagsusulat.

"Pero Skye alam mo naman di ba? Chill ka lang muna." Ayan nanaman siya. Pareho sila ni Miguel. Tingin nila padalos-dalos ako sa mga ginagawa ko which is hindi naman and if ever man ganon I will take full responsibility kung sakali man.

"I know Can. Tsaka hindi pa naman siya nanliligaw. Getting to know stage pa lang kami." Sagot ko. Tingin ko naman nasa ganun pa lang kami.

"Yeah right. Getting to know na may kiss. Ganun na pala yun ngayon." Pangaasar niya sa akin.

"Candice!" Saktong pagsigaw ko ay nagsigawan na din ang mga classmates ko dahil dinismiss kami ng maaga ng professor namin. Binigyan niya lang kami ng hand outs para basahin at may quiz daw kami next meeting. O great! College life. Napailing nalang ako habang nililigpit ang gamit ko.

"Paiwan nalang muna sa sasakyan mo okay lang?" Sabi ko dahil naalala ko na wala pala akong dalang sasakyan.

Naglakad kami patungo sa parking lot at tinext ko agad si Christian na uwian ko na at magaantay nalang ako sakanya doon.

"O una na ako. Text mo nalang ako mamaya?" Sabi ni Can habang may nginunguso sa likod ko.

Napalingon ako agad at tsaka um-oo.

Nang makalapit na siya sa akin ay agad siyang ngumiti habang humihingal.

"O bakit ka tumakbo? Hindi mo naman kailangan magmadali." Sabi ko habang natatawa.

"Ayoko lang kasing paghintayin ka e." Sabi niya habang pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang sasakyan.

"Okay lang no. Maaga kasi kaming dinismiss kaya tinext kita agad para malaman mo lang." Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at inistart na ang kanyang sasakyan.

"Buti nga tinext mo ko agad. Gusto na rin kita makasama e. Saan mo gusto kumain?" I blush. Geez.

Tinuro ko sakanya ang isang restau na 20 minute drive lang from school dahil nalaman kong may klase pa siya. Sinabi niyang hindi na daw niya papasukan dahil natake na niya yun sa States at pinaretake lang sakanya dahil hindi maccredit ang units. Pero kahit na, sayang pa din naman e.

Siya na ang nagorder para sa amin at nagcr ako para makita kung okay pa ba ang itsura ko. Ngayon lang ako naging conscious sa itsura ko. Sabagay first time ko lang din lumabas kasama ang ibang lalaki. Tsaka ko lang naalala na maglulunch pala kami dapat ni Miguel. Napakagat ako sa aking labi. Hindi bale magsosorry nalang ako sakanya mamaya. Bumalik na ako agad sa lamesa at pinaghila niya pa ako ng upuan. Gentleman. Nabalot kami ng panandaliang katahimikan ng bigla siyang tumikhim para magsalita.

"I'm an asshole. I'm not that boy next door type. I'm not perfect, but I'm trying to be a best guy to fit for you. Ever since I saw you in the bar that night, I know to myself it must've been love at first sight." Narinig kong napamura siya pero tinuloy niya pa man din. "First time kong magbigay ng bear at roses sa babae. First time kong mageffort at gumawa ng first move. It's not really my thing pero sinubukan ko dahil masyado kang mailap. Napakahirap kunin ng atensyon mo. Pero recently unti unti kong nagawa until last night I screwed it. I'm really sorry for that. Yung tinext ko sayo kagabi totoo yun, I'll try to take it slow this time if that's will make you feel comfortable. Sinasabi ko lahat ng 'to sayo dahil gusto kong magpakatotoo and I'm hoping things are good between us. Because I like you. I really do. Damn! Ang gay na ba pakinggan?" Natatawa niyang tanong habang nakahawak sakanyang batok.

Okay sobrang speechless ako sa mga sinabi niya sa akin. Ang tagal bago iprocess ng utak ko ang hirap iabsorbed. As in! Ang daming tanong sa isip ko. And the whole time na sinasabi niya yun ay nakatitig lang siya sa akin mata feeling ko nasa cloud nine ako at hanggang ngayon ay inaantay niya ang aking sagot. Sakto namang naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at nakita ko na si Miguel ang tumatawag. I ignored his call dahil mas mahalagang sagutin ko ang sinabi ng lalaki sa harapan ko ngayon.

"Okaaaay. Sobrang speechless ako sa sinabi mo. Hindi ko alam paano magrereact dahil first time lang may magconfess sa akin ng ganito. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm sorry. I don't know how to sort things out. But of course things are good between us. Sabi mo nga let's take it slow right?" I said hoping I had pick the right words.

"Yes. This time." He said while reaching my hand in the table. At first nailang ako pero medyo kumalma din ako kahit papaano. Sakto din na dumating ang pagkain namin.

Natapos agad kaming kumain at bumalik na sa school. Habang nasa byahe kami ay inexplain niya sa akin na pinsan siya ni James na schoolmate ko ng highschool. At nung gabi daw na yun ay nasa iisang bar kami na hindi ko naman matandaan. Hindi na din ako nagtaka na magpinsan sila dahil parehas naman silang goodlooking. Next is tinanong niya sa akin ang relationship namin ni Miguel, nagalangan pa nga akong pagusapan siya dahil siya ang sumuntok sakanya kagabi pero nilinaw ko sakanya na magbestfriend lang talaga kami ever since pagkabata. Habang nagpapark na siya ay agad kong nakita si Migz na nakasandal sa kanyang sasakyan na nakakunot ang noo.

Nagexcuse ako kay Christian at tinuro si Migz sa labas tumango naman siya at agad kong lumabas.

"Migz!" Tawag ko habang palapit ako sakanya at nakita ko agad ang pagtiig ng kanyang bagang. Pero hindi niya ako pinansin sa halip ay yinakap niya lang ako at hinapit ang aking bewang.

"Sorry nawala sa isip ko e. Maaga kasi kaming pinalabas." Pagdadahilan ko at pasimpleng tinatanggal ang kanyang braso sa akin dahil nakita kong palapit na si Christian sa amin pero mas lalong niya pang hinigpitan. Okay lang sana kung kami lang e. Kaso nakakahiya kay Christian! Pinagdiinan ko man ding magkaibigan lang kami tapos makikita niya kami ng ganito kalapit!

"Pasensya na. Hiniram ko muna si Skye." Nakangiting sabi ni Christian habang napunta ng titig niya sa kamay ni Miguel sa aking bewang.

"Naaah. It's fine. Sa akin pa rin naman siya babalik e." Isang ngisi ang nasilayan ko sakanyang bibig. Nangaasar pa talaga siya! Baka ano ng isipin ni Christian nito!

"Ah sige Skye. Una na ako. See you later." Pinilit kong tanggalin ang braso niya at nagtagumpay naman ako doon. Tsaka nilapitan si Christian.

"Sige. Salamat ha? See you." I managed to smile. Tinanguan lang din niya si Migz at tumalikod na sa amin. Nang makalayo na siya ay agad kong hinarap ang mapangasar niyang ngiti.

"What was that Miguel?!" Galit ako sakanya! As in!

"What? Tara sa condo ko. May utang kang lunch sa akin." He said smiling devilishly sabay akbay sa akin at pinasok ako sa kanyang sasakyan.

--

ETO NA ATA PINAKAMAHABA KONG UPDATE. :)

Comments. Votes. Thank you! :)

- JAstbeyourself

The Possessive OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon