Chapter 10

769 19 3
                                    

SKYE'S POV

Alarm!

6:30am

Damn!

Parang kakapikit ko pa lang kanina tapos nagalarm na agad. Hindi
ako agad makabangon dahil feeling ko kulang na kulang pa ako sa tulog,
kung hindi lang mahalaga ang first subject ko ngayon ay hindi ko ito
papasukan. I decided to get up bago pa ako traydurin ng mata ko at
tuluyang makatulog ulit. I decided to have a quick bath dahil for sure
papagalitan nanaman ako ni Daddy dahil late nanaman akong nagising.
Nang patapos na akong maligo ay tsaka ko lang naalala na hindi ko pala
nauwi ang kotse ko kagabi, naiwan ko yun sa bar dahil sa pagkaladkad
sa akin ni Miguel, mukhang malalate talaga ako dahil kailangan kong
magtaxi ngayong araw. I chose to wear black leggings, black and white
pullover and match it with a dollshoes. I checked myself in a full
length mirror, I smiled, hindi rin pala masama magtry ng ibang style
atleast comfortable pa rin ako sa suot ko ngayon. Nang mukhang
kuntento na ako sa aking itsura ay nagmamadali na akong bumaba.

Habang naglalakad ako patungo sa dining area ay may narinig akong
katawanan si Daddy na siyang ipinagtaka ko dahil hindi naman siya
tumatanggap ng bisita lalo na't ganito kaaga. Unless nalang kung
importante ito, at masyado pa atang masaya ang aura niya ngayon.
Mukhang hindi naman niya siguro napansin na wala ang sasakyan ko sa
garahe.

Nang palapit na ako sa lamesa ay tsaka ko lang napansin kung sino ang
kasama niyang kumakain. Himala ata at nagising 'to ng maaga? As far as
I know, He's not a morning person. Agad akong humalik kay Daddy at
binati siya ng goodmorning. At agad din akong umupo sa lamesa ng hindi
siya pinapansin.

"Ako ba wala rin kiss dyan?" Nakangisi niyang sabi sa akin.

"What brought you here Miguel? The last time I checked ayaw mo ng
breakfast." Tingin ko ng masama sakanya.

"Well, I guess breakfast will be my favorite frow now on, lalo na't
kung ikaw lang din agad ang makikita ko." Panunuya niya sa akin at
tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.

Tumikhim si Dad kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. "Don't be so
rude Skye. Nagmagandang loob na nga si Miguel na sunduin ka dahil
iniwan mo daw ang sasakyan mo sa bar kagabi." Sabi niya sa akin habang
nagbabasa ng dyaryo at lalaking kaharap ko ngayon ay halos ngiting aso
na nakaharap sa akin.

"It was his fault Dad kaya naiwan ko ang sasakyan ko. Bigla bigla
nalang siyang darating doon at papauwiin ako agad." Derderecho kung
sabi tsaka ko lang narealize ang mga binitawan kong salita.

"Akala ko ba kasama mo si Miguel kagabi? Kaya nga kita pinayagan dyan
sa lakad mong 'yan dahil kasama siya hindi ba?" Sabi ni Dad sa akin
kaya kinabahan na ako. Ayaw niyang umaalis ako ng hindi kasama si
Miguel. At kapag nalaman niya for sure maggrounded ako nito. Napakagat
labi nalang ako sabay yuko.

"Yes tito, magkasama nga kami kagabi, sumama na kasi pakiramdam ko
kaya nagaya na agad akong umuwi at hinatid ko nalang siya gamit yung
sasakyan ko." Sagot niya kay Daddy pero sa akin siya nakatingin. 'Yung
tingin na parang nanunuot sa akin kaluluwa.

"Ah Dad kasi dumerecho ako kila Candice doon na ako nagpalit ng damit
tapos nagkita nalang kami doon sa bar ni Miguel." Paliwanag ko sakanya
habang titig na titig pa din sa akin sa Migz. I know he will not
easily let go of this topic.

"Wala ka namang ibang kasamang lalaki hindi ba?" Tanong ni Daddy na
siyang nakapagpakaba sa akin. Geez, my palms are sweating. Ayoko
talaga ng ganitong interrogations. Tinignan ko ulit si Migz this time,
wearing his freakin' smirk na parang natutuwa pa siyang nakikita akong
tinatanong ng ganito.

"Actually tito wala po. Hindi ko naman po hahayaan na may ibang
lumapit sakanya lalo na't na sa akin siya." Singit niya kay Daddy pero
parang may laman ang kanyang naturang sagot. Hindi ko alam pero parang
iba ang dating sa akin nun.

"Good. You better watch her all time Miguel, alam mo naman 'tong
batang 'to. You better go now. Malalate na kayo."Thank god he finally
dismissed Us. Me. The topic.

I said my goodbye to Dad at habang palabas na kami ng bahay ay nakita
ko na ang sasakyan ko na kakapark pa lang sa garahe. "Pinakuha ko na
sa driver niyo. Pero sa akin ka pa din sasabay." Sabay hatak niya sa
aking kamay at pinasakay na ako sa kotse niya. Wala na akong nagawa
kung hindi ang magpatianod nalang.

Buong byahe wala kaming imikan hanggang sa makarating sa parking lot
ng school. Palabas na sana ako ng pinto ng bigla niya akoh hinawakan.
"Hey, are we okay?" Malambing niyang sabi sa akin. "Ofcourse Migz,
thank you nga pala at hindi mo ko sinumbong kay Daddy." Nakangiti kong
sabi sakanya. He's my bestfriend after all. Alam kong hindi niya ako
ilalaglag.

"Oo naman. Ikaw pa. Malakas ka sakin e. Tara na nga at ihahatid na
kita." Nakangiti niyang sabi.

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Which is
normal na para sa akin. Lahat naman ng babae dito sa school ay
nahuhumaling sa kanya, he has everything what a girl wants. Yun nga
lang masyado siyang playboy. Pero parang wala lang 'yun sa mga babae
dito magiging thankful pa nga sila na kahit isang araw ay maging
girlfriend sila nito. Naalala ko noon, isang beses lang siyang
nagkagirlfriend sa buong buhay niya, tumagal sila nun akala ko nga sa
wakas magiging steady na siya sa isang babae pero hindi ko alam kung
bakit sila naghiwalay, hindi naman siya nagkwento basta isang araw
lumapit siya sa akin at niyakap ako sabay sabi niya break na sila.
Hindi man lang siya umiyak o nagemo man lang tapos kinabukasan normal
na siya ulit. Hindi rin naman na ako nagtanong pa dahil wala din
siyang balak pagusapan yun.

"Huy! Kanina ka pa walang kibo dyaan. Ano nanaman ba iniisip mo?"
Lapit niya sa mukha niya sa akin na siyang kinailang ko. Hindi naman
ako naiilang sakanya dati pero simula ng- ayoko ng isipin pa.

"Wala no. Sige na, dito na ako. Pumasok ka na." Pagtutulak ko sakanya.

"Sigurado ka? Sabay tayo maglunch mamaya. Dadaanan kita." Sabay alis
at nagHi sa mga babaeng nadadaanan niya. 'Playboy talaga'

Papasok na ako sa room ng may nakita akong pinagkakaguluhan sila
Candice sa may upuan ko banda. "Hi Can! Anong meron?" Lapit ko
sakanya. Habang siya naman ay nakangiti na parang kinikilig. "OMG!
Ikaw na may mahabang buhok!" Kinikilig niyang sabi sa akin habang may
tinuturo sa likod niya.

Tinignan ko naman ang tinuturo niya at may nakita akong isang super
laking pink teddy bear na may hawak na puso at nakalagay na "I'm
Sorry" tsaka isang box ng heart shaped chocolates. 'Kanino kaya galing
'to?' Tanong ko sa akin isip. Pero habang dadamputin ko pa lang yung
card ay narinig ko ng nagtilian ang mga classmate ko sa likod. Saktong
paglingon ko ay nakita ko siya na may hawak na bulaklak habang
nakangiti ng sobrang tamis sa akin. 'Yung ngiti na nakapagpatunaw ng
aking puso. 'Yung ngiting nais mong makita sa araw-araw.

"Hi." And I knew right at that moment. May nararamdaman ako para sa taong 'to.

--

AN:

Dahil walang pasok kaya ako nakapagupdate! :)

Happy 4k! Silent readers. Vote. Comment please? :) Thank You! <3

The Possessive OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon