Chapter 14

586 10 0
                                    

Skye's POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng pangangalay dahil sa pwesto ko. Nakatulog pala ako habang nanunuod, tinignan ko ang at tv nakita kong after credits nalang ang nagroroll sa screen. Almost 2 hours din pala ang tulog ko. Babangon na sana ako ng maramdaman ko ang mga brasong nakayakap sa akin. Tinignan ko siyang mabuti, napakapayapa talaga ng mukha habang tulog, walang bahid ng kalokohan. Mukhang hindi gagawa ng kalokohan. Kabaliktaran kapag gising siya, napailing nalang ako sa naiisip ko.

Dahan dahan kong inalis ako braso niya sa akin, at akmang tatayo na sana ng medyo gumalaw siya at hinigpitan pa lalo ang pagkakayap sa akin sabay sandal sa aking dibdib. Hinayaan ko muna siya sa ganong posisyon habang tulalang nakatingin sa kisame. Papikit na ulit sana ako ng marinig kong may tumatawag sa phone ko. Tinitigan ko lang ang ilaw na pinagmulan nun, isang ring lang tapos namatay na ulit. Di nagtagal ay naramdaman ko namang nagvibrate naman ang phone ni Miguel sa tabi ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag at nakita kong pangalan ni Daddy ang nasa screen, nagaalangan pa akong sagutin dahil hindi naman siya tumatawag basta basta kay Miguel pero sinagot ko pa din.

"Hello Dad?" Hininaan ko ang aking boses dahil baka magising ang katabi ko. Pero mukhang nabigla siya na marinig ang boses ko kaya hindi agad nakasagot.

"Skye? Hay salamat naman iha at sumagot ka!" Boses ni Nana Rosing ang narinig ko sa kabilang linya.

"Nana? Bakit may problema ba?" Tanong ko na nagpagising sa aking diwa. 

"Kanina ka pa kasi hinahanap ng Daddy mo, alam niyang hapon ang uwian mo. N-nag-aalala siya. Hindi ka kasi sumasagot sa cellphone mo." Pautal utal na sagot ni Nana sa akin. Pinikit ko nalang ang mata ko sagot niya sa akin. Alam ko namang hindi totoo na si Daddy ang naghahanap sa akin, kundi siya. Sa loob ng ilang taon, mas mahalaga sakanya ang sasabihin ng ibang tao. Napatunayan ko na yun.

"Nana. Andito lang ako sa condo ni Migz..." Sasabihin ko pa sanang nakatulog kami pero baka anong isipin ni Nana. Sa loob ng ilang taon na siya ang nagalaga sa akin at sumubaybay sa amin ni Miguel lagi siyang nakabantay sa mga kilos namin lalo na nung nagdalaga't binata na kami. Kesyo hindi na daw kami pwede magkulong sa kwarto ng kaming dalawa lang pero siguro Mother's instinct nalang din dahil siya na ang tumayong nanay sa akin.

"O, umuwi ka na. Kanina ka pa dapat andito. Sige na. Umuwi na. Magingat ka." Sabay baba ng linya. Minsan talaga strikto siya, minsan naman hindi.

Nang matapos ang paguusap namin ay tsaka lang nagsink-in sa akin na gabi at alas-osto na ng gabi! Naalala ko na may dinner nga pala kami ni Christian! Kaya dahan dahan ko ulit tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at nagtagumpay naman ako doon dahil hindi naman siya gumalaw. Agad kong kinuha ang phone ko sa kitchen counter at may nakitang 4 text galing kay Christian.

Fr: Christian

5:30pm

I realized I didn't know you're address, Can you send it to me so I can pick you up at 7? :)

6:13pm

Skye?

6:45pm

Are you ditching me tonight? Hope not :(

7:30pm

Just text me when you receive this text. Please? I won't disturb you anymore. :(

Geez! Hindi ko alam kung rereplyan ko ba siya o tatawagan! Nagpapanic ang buong sistema ko ng nabasa ko yung last text niya. It was suppose to be our first dinner date but I ruined it! I overslept! Agad kong niligpit ang gamit ko at hindi ko na ginising si Miguel, magtataxi nalang ako. Itetext ko nalang siya mamaya, uunahin ko nalang muna si Christian. Pumara ako ng taxi at sinabi ang address namin habang nasa byahe ako ay tinawagan ko na siya pero hindi siya sumasagot. Napakagat nalang ako ng labi, dahil baka nagalit siya! Sinubukan kong ulit tawagan pero ang tagal sumagot. Ibababa ko na sana ng sa huling ring ay sinagot na niya.

"Christian! Huwag ka munang magsalita. Let me explain. I'm sorry. I know this is a lame excuse, I overslept. Sorry! I hope hindi pa ako masyado late para sa dinner natin." Kabado kong sabi habang natatanaw ko na ang bahay namin. At agad nagbayad sa driver at lumabas ng taxi.

"Hey. Galit ka ba?" Papasok na sana ako ng gate ng may napansin akong sasakyan na nakapark sa labas namin at may hulma ng isang lalaking nakatayo at nakangiting nakatingin sa akin.

Literal na kumabog ang puso ko. Sa kilig. Sa kaba. Sa excitement. Hindi ko alam. Basta napahawak nalang ako sa kaliwa kong dibdib lalo na't narinig ko ang sagot niya sa akin habang direchong nakatingin sa aking mga mata.

"Nope, actually you're just in time."

--

After naming magtitigan sa labas ay niyaya ko na siyang pumasok sa loob namin. Nagulat nga ako ng maghello siya ulit kay Nana Rosing at nginitian naman siya ng matamis ni Nana. Tsaka ko lang naman na pinapapasok na pala siya kanina pa sa loob pero ayaw niya pa dahil nahihiya siya at magaantay nalang daw siya labas.

"Maliligo lang ako. I promise bibilisan ko. Give me 30 minutes?" Patanong kong sabi sakanya dahil kahit ako sa sarili ko parang imposible sa akin ang oras na yun.

"Take your time. I won't mind." Nakangiti niyang sabi tsaka na ako agad tumakbo paakyat sa kwarto.

Natapos akong maligo ng 15 minutes. Hindi ko alam paano ko nagawa yun, adrenaline rush maybe. At agad akong namili ng damit na susuutin ko. Hindi ko alam kung fine dining ba ang pupuntahan namin o simpleng restau lang pero pinili ko nalang ang isang above the knee light pink dress at tinernuhan ng white high heels. Tinaas ko rin ang buhok ko turned into messy bun at nagapply ng light make up at lipstick. Simple yet classy. Nang masigurado ko na ang itsura ko ay agad na akong bumaba at nagulat ako ng kinakausap ni Daddy si Christian. Kinabahan ako dahil ito ang unang beses na may pumuntang lalaki sa bahay namin kaya hindi ko alam ano ang magiging reaction ni Daddy.

Tumikhim ako para makuha ang atesnyon nilang dalawa. Napatingin naman sila sa akin at nakita kong hindi maganda ang timpla ng mukha ni Dad. Agad namang ngumiti si Christian sa akin kaya nginitian ko nalang din siya.

"Let's go?" Tanong sakanya at agad siyang nagpaalam sa Daddy ko.

"Hm sige po Sir iingatan ko po ang anak niyo." Hindi man lang sumagot sakanya si Dad at tumingin sa akin.

"Be home before 10. We'll talk." Iyon lang ang sinabi niya sabay talikod at pumasok na sakanyang opisina. Nahiya ako sa inarte niya kay Christian kaya tinignan ko siya na nakatingin lang sa dinaanan ni Daddy madilim ang tingin pero ng naramdaman niyang nakatitig ako sakanya ay agad din siyang ngumiti at inaya na ko palabas.

Habang nasa byahe kami ay tahimik siya at walang imik. Medyo nailang ako dahil usually siya ang nagoopen ng topic pero hindi ngayong gabi.

"Sorry talaga ha? Saan mo nga pala nalaman address ko?" Pagsisimula ko para mapagusapan kami. Ang tagal niyang bago sumagot parang ang lalim ng iniisip niya kaya tinawag ko ulit ang pangalan niya.

"Christ?" Pagkuha ko sa atensyon niya.

"Ah- yes?" Mukha ngang malalim ang iniisip niya. May kinalaman ba 'to sa paguusap nila ng Daddy ko? Huwag naman sana.

"Sabi ko saan mo nakuha address ko?" Paguulit ko.

"Ah sa mga friends mo ng highschool. Through James ofcourse, nagaalala kasi ako na hindi ka sumasagot kaya nagpakadesperado ako." Ngiti niyang sabi. Kahit paano nawawala na siya kanyang pagiisip ng malalim.

"Nakatulog kasi ako sa condo ni Migz. Nanunuod kasi kami movie e." Sabi ko habang napansin na andito pala kami sa isang Italian Restaurant. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto at pumasok kami sa loob. Agad kaming sinalubong ng isang receptionist at tinuro kami sa nakareserved na table sa bandang dulo na konti ang kumakain.

"I hope okay lang sayo ang lugar na 'to. I don't want to disappoint your Dad kaya iuuwi kita before 10." Sabi niya habang nililingon ko ang paligid. Okay naman ang ambiance ng lugar para sa akin pero kung hindi lang ako nalate baka sa ibang mas maganda pa kami pumunta.

"Yes it's fine. Kasalanan ko din naman kaya limited yung time, next time talaga aagahan ko na." Nakangiti kong sabi sakanya.

"So next time huh? You're looking forward we have a next time?" Tanong niya na nangaasar sa akin.

"Ofcourse. Kulang na nga lang ibook mo na ang araw ko kanina." Pagmamayabang kong sagot sakanya.

"I would definitely do it next time." Nakangising sabi niya. Nang biglang magvibrate ang phone ko kaya sinilip ko ito.

*Ding!

Fr: Miguel

You left. Hindi mo man lang ako ginising.

Napakunot ang noo ko ng maalalang nilayasan ko nga pala siya ng hindi man lang nagpapaalam. Rereplyan ko na sana siya ng bigla akong tanungin ni Christian kaya napaangat agad ako ng tingin pabalik sa kanya.

"Ganon talaga kayo kalapit ng bestfriend mo no? Sobrang lapit niyo sa isa't isa." Seryoso siyang nakatingin sa akin parang tinitimbang ang mga salitang binibitawan niya.

"Ah oo. Di ba nga sabi ko since diaper days namin kami na magkasama." Paliwanag ko habang nirereplyan si Miguel.

To: Miguel

Sorry. May dinner kami ni Christian. Talk to you later.

Sent!

"Parang hindi naman ganun ang tingin niya sayo."

"Anong sabi mo?" May sinabi siya pero hindi ko masyadong narinig.

"Wala ba siyang girlfriend?" Parang iritado niyang tanong. Bakit ba siya interesado kay Miguel?

"Lately wala nga e. Teka bakit siya ba pinaguusapan natin? Huwag natin pagusapan ang wala dito." Pagiiba ko ng topic at sabay pagdating ng pagkain namin.

Habang kumakain ay panay din ang kwentuhan namin pero ang kinaiinis ko ay ang puro pagvibrate ng phone ko. Sinilip ko ulit ito at nakita kong may 3 messages galing kay Miguel.

Fr: Miguel

Anong oras ka uwi?

Gusto mo bang sunduin kita?

It's almost 10. Curfew mo na. Text back Skye!

Kumukunot lalo ang noo ko sa nababasa ko. Seriously, this guy don't know what privacy means. Kapag siya naman ang nakikipagdate ay hindi ko naman siya kinukulit.

"Somethings wrong Skye? It's almost 10. Magbibill-out lang ako." Nagaalala niyang tingin sa akin.

"Wala naman. Sige magcr lang ako."

Habang nasa cr ako ay tinawagan ko si Miguel. Sa tatlong ring ay sumagot agad siya.

"Hello?" Pagsigaw niya sa kabilang linya at rinig ko ang malakas na ingay sa background kasabay ng mga humahalaklak na babae.

"Geez Miguel! Stop pestering me with your text messages! Gayong nasa bar ka din!" Pasinghal ko sakanya.

"I'm just worried okay? Bored lang din ako sa condo dahil iniwan mo ko."

"Psh. Excuses. Call you later. Pauwi na kami." Binaba ko na agad at hindi man lang inantay ang kanyang sagot.

--

Mabilis lang ang byahe namin ni Christian at nandito na kami sa labas ng gate. Inaanya ko siyang pumasok pa sa loob pero tumanggi na siya.

"Sure ka bang ayaw mo ng pumasok?" Paninigurado ko sakanya.

"Yeah. I'm glad I manage to spent aleast half of a day with you. It's enough for now." Nakangiti niyang sagot. Kahit ngiti lang niya titigan ko sa buong araw ay ayos na sa akin e.

Lalabas na sana siya para pagbubuksan na ako ang pintuan ng sasakyan ng pigilan ko siya.

"Huwag na. Ako na. Thank you for this day."

"Don't mention it." Sagot niya ng napatingin ako sa kanyang labi. Hindi ko napigilan ang sarili ko ng sunggaban siya ng isang halik. Nung una halatang nagulat siya, pero nakabawi din agad at tinugon ang aking halik.

Ilang saglit pa ay ako na ang lumayo at nararamdaman kong nagiinit ang aking mukha kaya hindi ko magawang tumingin sakanya kahit alam kong nakatingin siya sa akin.

"I-I'm sorry. Alam ko napagusapan natin na take it slow this time pero--" Pinutol na agad niya aking sasabihin.

"Don't be sorry for kissing me. Kanina ko pa gustong gawin yun sayo pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Thank God you're who did it first." Nakangisi niyang sabi.

Lumabas na din ako agad ng sasakyan niya pagkatapos kong magGoodnight dahil hiyang hiya pa din ako sa ginawa ko. Ako pa naginitiate! Nakakahiya talaga! Skye! What the hell did you just do! Hindi ko mapigilan mayamot sa sarili ko.

Pagkapasok ko agad ng bahay ay dederecho na sana ako ng aking kwarto ng nakita kong nakaupo si Daddy sa harapan ng garden habang umiinom ng kanyang kape. Kaya nilapitan ko siya agad.

"Dad." Pagtawag ko sa atensyon niya.

"You're 20 minutes late." Sabi niya kaya napatingin ako agad sa akin relo.

"Sorry. I didn't notice the time. Sige Dad matutulog na ako." Naiilang talaga ako kapag nagkakausap kami ng matagal kaya tatalikuran ko na sana siya ng magsalita pa siya.

"That boy. I don't like him. Layuan mo siya." Derecho niyang sabi kaya agad akong nagbalik tingin sakanya pero hindi niya man lang ako tinignan.

"But Dad he's-" Agad niyang pagputol sa sasabihin ko at tumayo na para harapin ako.

"A Soriano." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.

Hahabulin ko pa sana siya ng narinig kong pumasok na siya sa kanyang silid. Kaya pumasok na din ako ng sa akin. Naligo agad ako at nagpalit ng pantulog habang iniisip pa din ang sinabi ni Daddy.

Bakit ayaw niya kay Christian? Anong meron kung Soriano siya?

Patuloy kong tanong sa aking isipan ng tumunog aking phone.

*Ding!

Fr: Christian

Goodnight Skye. See you tomorrow! :)

Hindi ko alam kung rereplyan ko pa siya gayung ginugulo ako ng mga salitang binitawan ni Daddy. Kaya nilapag ko nalang sa head board ang phone ko at napagdesisyunang matulog at tanungin nalang si Daddy bukas.

--

AN:

SORRY ONE CHAPTER LANG NAPOST KO NGAYN, MAY BINABASA KASI AKONG BOOK E. *_________*

SUSULITIN KO NA PAGUUPDATE NGAYON. DAHIL KAPAG NAGSTART ANG PASUKAN BAKA HINDI KO NA MASINGIT SA SCHED KO :)))) HAPPY READINGS! LONGEST UPDATE SO FAR? XD THANK YOU SA MGA NAGBABASA <3 COMMENTS PLEASE. 

The Possessive OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon