Chapter 16

637 18 6
                                    

Skye's POV

"Skye. Wake up."

Naalimpungatan ako ng ginising ako ni Miguel. Nakaidlip din pala ako dahil sa sobrang traffic simula ng pag-alis namin ng school. I checked my watch. 6pm na din pala ng hapon. Tumingin ako sa paligid at nakita ko nasa parking lot kami ng isang Supermarket na hindi ko alam kung saan.

Tinigan ko muna kung may text ba sa akin si Christian dahil baka tapos na ang practice nila. At meron ngang isa galing sakanya at kinagulat ko ang laman ng mensahe niya.

Fr: Christian

I'm jealous. Can't help it. Sorry. :(

Hindi ko nireplyan dahil di ko alam ang sasabihin ko. Eto na ba ang confirmation na inaantay ko? Pero tumikhim si Miguel kaya naagaw ang atensyon ko at binalik na ang phone ko sa bag.

"Seriously Miguel. Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Maggrocery. Cmon let's go." Aya niya sa akin sabay labas ng sasakyan at pinagbuksan ako sa kabilang pintuan.

"Gusto mo lang maggrocery sa malayo pa? Ang daming mall sa paligid condo mo!" Pagalit kong sabi sakanya. Pero isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

Pumasok kami ng grocery at kumuha ng push cart. Habang nagiikot kami sa loob ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Dati naman namin 'tong ginagawa pero ngayon parang iba sa pakiramdam ko. Naramdaman niya ang pagkagulat ko pero hinigpitan lang niya lalo ang pagkakahawak sa akin.

"B-bakit ba dito pa tayo naggrocery? Nasan ba talaga tayo?" Pagaagaw ko atensyon niya dahil namimili siya ng chips.

"Antipolo?" Patanong niya pang sagot ng hindi tumitingin sa akin sabay lagay ng 3 Pringles at 3 Lays sa push cart.

"So anong meron sa grocery na 'to na wala sa ibang grocery malapit sayo?" Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya pasimple kong tinaggal kaya napatingin siya sa akin sabay lipat ng tingin sa kamay naming dalawa.

"Bakit mo tinanggal? Di na ba pwede?" Tanong niya sa akin na kinagulat ko pero agad din naman akong nakabawi.

"P-pwede naman. Ano ka ba. Hindi mo kasi ako pinapansin. Kanina pa ako nagtatanong." Sagot ko sakanya sabay ako ng humawak sa kamay niya. Tiningnan niya muna ako saglit sabay kuha nalang ng kahit anong chips na madaanan namin sa section na 'to.

"Teka lang puro chips kinukuha mo. Kumuha muna tayo ng mga pangsoup mo or noodles." Sabi ko sakanya dahil wala narin siyang stock ng mga lulutuin doon sa condo niya.

Natapos na kaming maggrocery pero hindi niya pa rin ako kinikibo. Samantalang kaninang umaga napakasaya niya pang kausap at nangyayamot pa siya pero ngayon parang ang lalim na ng iniisip niya.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko dahil parang paakyat lalo ang dinadaanan namin at madilim na talaga sa labas.

"Mamaya na. Nagmamadali ka ba?" Parang naiinis niyang sagot sa akin.

"Kanina pa ako nagtatanong pero wala kang sinagot ni isa. Tapos bigla kang tatahimik dyan. Miguel what's wrong?" Nauubos na pasensya ko sakanya. Wag niya ako daanin sa mood swings niya.

"We're here." Pagkasabi niya pa lang ay napansin kong na huminto kami at tinignan ko ang paligid.

"Over looking? Ang ganda naman dito kitang kita ang city lights." Nakkatuwa lang makita ang mga iba't ibang ilaw mula sa itaas. Ang lamig pa ng hangin na nakakarefresh sa pakiramdam.

Binuksan na niya ang sasakyan niya at kumuha ng beer in can sa likod at umupo sa harap ng kanyang sasakyan.

So dinala niya ako dito para lang magmoment siya sa bangin? May pinagdadaanan ba siya? Hindi na ako nakatiis at lumabas na din ng sasakyan niya. Bago ko siya lapitan ay huminga muna ako ng malalim mukhang kailangan kong habaan ang pasensya ko ngayon.

The Possessive OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon