=ALA ALA=
ni Margarette A. De guzman
apat tatlo dalawa isa
pagkabilang ko ng pabalik dapat kasama na ang mga ala ala
na patuloy na bumabalik kahit masakit na
mga ala alang minsan tayoy pinasaya at binigyan ng ligaya
mga ala alang akala ko ay magiging masaya
mga ala alang tinapos mo sa mga katagang sorry hanggang dito nalang talagahindi ako mapalagay sa aking narinig
na parabang may bumagsak sa aking dibdib
tila ba gusto ko nang maglaho sa sobrang sakit
na unti unting pumapatak ang luha ko sa aking mga pisngi
na gusto kong pigilan
ngunit di ko magawa kasi ito ang aking nararamdaman
pero bakit di kita kayang sukuan
kahit na sakit lang ang iyong ipinaparamdam?Ang daming tanong na saakin ay bumabalot ng tuluyan
tulad ng mga tanong na ako ba ay iyong ipinaglaban?
kasi ako gusto ko pang lumaban
pero naisip ko na dapat paba kitang ipaglaban?
kahit pilit mo kong pinag tatabuyan?akala ko kasi ikaw na,
akala ko kasi ikaw na ang lalaking mamahalin ako ng todo
pero ayun nag kamali pala akokaya ngayon ay nakukulong ako sa magulong sitwasyon
sitwasyong ako nalang ang nag mamahal ng mag isa
ako nalang ang lumalaban ng mag isa
at iniwan mo ng luhaan sa tabi ng nag iisakaya ayoko na sanang balikan ang mga alaala
na binuo nating ng mag kasama
kasi masasaktan din naman pala ako ng di ko inaakala
katulad nitong tula na ako nalang pala ang nakaka alala.