UY ANG CUTE NYA

49 1 0
                                    

"Uy ang cute nya"

Ni Margarette A de Guzman

Oo ang cute nya
Di ko nga alam na mag kakagusto ako sa kanya
Pero bigla akong natahimik ng marinig ko sayo ang mga katagang
"mahal ko na sya"
Oo masakit pero sige ipapaubaya ko na sya
Ikaw lang kasi yung kaibigan kong di ako iniwang mag isa
Kaya sige okay lang kahit ang totoo masakit talaga
Mahal mo eh wala na kong magagawa

"Gusto nya rin ako"
Dugtong mong nakakagulat
Na para bang mali ata ang iyong naiulat
Pero wala tama pala ang lahat
Ako lang pala ang umaasa at tapat

Masakit na mahal ka ng mahal ko
Masakit din na kaibigan ko pang ang nag mahal sa mahal ko

Pero wala naman akong magagawa
Kung mahal nyo na ang isat isa
Alam ko naman na di mo din sinadya
Na mahalin ang taong nabaliw ako ng sobra

Pero di parin mawala sa isip ko ang mga tanong na
Paano kung ipag laban ko sya?
Paano kung ako nalang sana?
Paano kung di ko nalang sya nakilala?
Sana di nalang ako nasasaktan tulad nitong aking nararamdaman na di ko naman inakala

Mahal kita pero mahal ko din sya
Sobrang mapag laro talaga ang tadhana
Yung tipong mahal ng kaibigan ko yung taong minamahal ko ng sobra
Pero kagaya ng sinabi ko sa una
Mahal nya din ang kaibigan ko at sa maikling salita mahal nila ang isat isa

*Masaya ako kahit malungkot talaga*
Masaya kasi ang kaibigan ko ay nakatagpo ng taong mag papahalaga sa kanya.
Malungkot kasi sa dinami daming tao ako pa ang kailangang mag paraya.

*Spoken Poetry*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon