BITUIN

11 0 0
                                    

-bituin-

Ni: Margarette A. De Guzman

gabi na't narito pa ako
naka upo't kumakanta kahit wala sa tono
pinag mamasdang maigi ang mga bituin na nasa harap ko
sadyang napakaganda ng pag kinang nito

paulit ulit akong pumaparito
dito sa lugar kung saan isang babae ay natagpuan ko
sya ay wala na ngunit eto ako
itinatanim sa utak na sya ngayon ay kasama ko
sabay naming pinag mamasdan ang bituin katulad ng nakikita ko

ngunit may isang babae na pumarito
nangungulit at nag tatanong ng pangalan ko
sya ay pinalayo ko
sabi ko"umuwi ka na't baka hinahanap kana ng pamilya mo"
pumatak ang kanyang luha at umalis na ito

araw araw na nyang ginagawa ito
hindi man lang sya napagod kahit sya na ay pinagtatabuyan ko

makalipas ang ilang buwan
naging malapit na sa kanya ang loob ko
tila ba parang may nararamdaman na ako
simula ng sinabi nya ang mga katagang "mahal kita tandaan mo"
ngunit pinairal ko ang pag ka manhid ko
kahit alam kong mali ay ginagawa ko

oo nga pala't ako ay hindi nyo pa kilala
ako nga pala ang lalaking isinumpa
na kaylangan mahanap ang pinakamagandang bituin na aking makikita
at ilang araw nalang ang natitira
pero ang bituin na iyon ay hindi ko pa nakikita

kapag mali ang aking napiling bituin ay may kaparusahan
isang kaparusahan na aking pag sisisihan

ngayon ay gabi nanaman
pinag mamasdan ulit  ang mga bituin sa aking harapan
at muli eto nanaman
ang babae na araw araw akong  sinasamahan

ngunit sa araw na ito akin ng sasabihin ang totoong nararamdaman
na ang babaeng eto ay akin ng napupusuan
sasabihin ko na rin na ako'y isang isinumpa
at kaylangang mahanap ang bituin na pinaka maganda

tila nagulat sya sa sa kanyang narinig
na para bang sya ay nag dadalawang isip
ngunit sa lahat ng iyon
kanyang napag isip
na sya ay tutulong upang makita ang pinaka magandang bituin

heto na kami't papalipad patungong langit
pumipili ng magandang bituin na sadyang nakakaakit
ako'y nakapili na at tinawag ang bathala
sinabi na ako'y sigurado na sa king nakita

ngunit ang babaeng kasama ko ay biglang nawala
natataka ako at nag tanong kay bathala
"bathala bakit ang mahal ko'y nawala?"
sinagot nya ito at sinabing
"hindi mo ba alam na ang babaeng iyon ang  pinakamagandang bituin?"
tumulo ang aking mga luha
pero ang sinabi ni bathala ay may katuloy pa
"dahit mali ang iyong napiling bituin ang babaeng iyong mamahalin ay hindi mo na makikita muli
sya ay magiging bituin habang buhay at sya ang magiging pinakamalaki at makinang
maaari mo lang syang pag masdan sa tuwing sasapit ang gabi hindi mo na sya maaaring hawakan dahil ang babaeng mahal mo ay ganap na na bituin"

bigla akong bumalik kung saan kami nakaupo bago mangyari ang lahat
ang mga luha sa mata ko ay pumapatak
dahil hindi ko man lang naisip na ang babaeng palagi kong kasama at ipinag tatabuyan
ay ang pinaka magandang bituin na aking pinag masdan

sya pala ang bituin na nag bibigay liwanag sa aking gabi tuwing ako'y nakaupo at ibinibigay ang atensyon sa langit habang hinahanap ang iba pang bituin
kahit ang bituin pala na iyon ay ang babaeng palagi kong nakakasama at nakakapiling

ngayon ay aking nalaman
na ang babae pala na aking mahal
ay mawawala na ng tuluyan
at eto ako pagmamasdan muli ang kalangitan
pagmamasdan sya sa lahat ng bituin na kikinang
at mananalangin na sana sya muli ay makita ko at maparito sa aking tabihan


-actually story to na nabasa ko sa fb and ang ganda kasi nung story ehh kaya ginawa ko to hahaha! Hope you like it💖

*Spoken Poetry*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon