ANG BABAE NA KAHIT KAILAN AY DI MO NAPANSIN

36 1 0
                                    

""ang babae na kahit kailan ay di mo napansin""

ni Margarette A. De Guzman

ang babaeng palaging anjan para sayo
ang babaeng anjan pag kailangan mo
dinadamayan ka kapag malungkot at sawa kana sa buhay mo
sya yung babaeng kahit kailan di sumusuko
kahit alam naman nyang masasaktan at darating din yung araw na sya ay susuko

oo sya,sya yung babae na kahit kailan di mo napansin
di mo napansin na syay palaging nandian para damayan ka
di mo napansin na sya lang yung babaeng masasandalan mo
sya lang yung babaeng nag titiyaga sayo
kahit mahirap kakayanin nya kasi may lihim syang pag tingin sayo

ngunit di nya maamin kasi alam nya na kaibigan lang ang turing mo
kasi alam nya na di sya yung tipo ng babae na magugustuhan mo
dahil sya lang yung babaeng simple pero maaasahan mo
sya lang yung babaeng kahit kailan ay di bibitaw sayo
sya lang yung babaeng kahit mahirap ay di sumusuko

hindi ko alam kung bakit ganito
kasi mas pinipili nyang maging kaibigan lang para sayo
dahil alam nya na yun lang ang paraan para mapalapit sayo

pero minsan naisip nya paano pag umamin ako
paano pag sinabi ko
paano kung isang araw mawala lahat ng to
siguro wag ko nalang ituloy ang pag amin ko
siguro sapat na na kaibigan nya lang ako

yan ang mga bumabagabag sa isip ng babaeng baliw na baliw sayo
pero sa lahat nang yan mas pinili nyang maging kaibigan mo
kasi alam nya kung saan magtatagal kayo

Ang swerte mo sa babaeng kahit di mo napapansin ang halaga
anjan parin para alagaan ka
anjan parin para may masandalan ka
anjan parin tuwing nasasaktan ka

kaya kung mapansin mo man ang halaga nya
wag mo na pakawalan baka may makakuha pang iba

*Spoken Poetry*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon