"Di naman naging tayo, pero bakit nasasaktan ako"
Ni James Aaron VicenteAng hirap talaga malagay sa sitwasyon na ganito
Yung tipong mahal nyo yung isa't-isa pero walang kayo
Sino ba kasi nagsimula nito?
Bakit pa kasi to nauso?
Andami tuloy nasasaktan at umiiyak nang todo
Ang hirap ng walang label nohYung minsan para kang tanga
Na gigising nang maaga para lang magsabi ng "goodmorning" sa kanya
Yung kahit sa simpleng tanong na "kumain ka na ba?"
Bigla bigla ka nalang sasaya
Yung tipong napapangiti ka nalang kapag nakakausap mo sya
At bigla biglang nakukumpleto ang araw mo dahil sa kanyaHindi pwedeng lumipas ang araw
Na hindi mo sya nakakausap
Sa bawat oras, minuto at segundo
Siya lagi ang hinahanap
At alam mo sa sarili mo
Na mahal mo sya
At ikaw ay nahuhulog na
Na kahit gusto mong magseryoso
Ay hindi pwede kasi natatakot ka
Natatakot ka na baka kapag umamin ka ay iba ang isagot nya
Natatakot kang marining yung salitang
"Magkaibigan lang tayo diba?"M.U. nga sabi nila
Yan yung panahon
Na hindi mo pwedeng sabihin
Na ikaw ay nasa isang relasyon
Single sya, single ka
Walang kayo pero mahal nyo ang isa't-isa
Nagseselos ka pero bawal mo sabihin
Nasasaktan ka pero bawal mo aminin
Gusto mong magtampo pero bawal mo gawin
Ganyan talaga kapag NO LABEL kung ituringSobrang gulo diba?
Nandyan yung kapag nag-iinit ka sa pagmamahal sa kanya
Sya naman yung manlalamig na lang bigla
Kung kailan napapamahal ka na sa kanya
Lalayuan ka na lang bigla
Yung nag-iisang dahilan kung bakit ka nagiging masaya
Sya din pala yung magiging dahilan
Para malungkot ka nang sobra
Masakit man isipin
Pero kailangan na lang talagang tanggapin
Na kahit saan banda mo hanapin
Wala talagang 'KAYO' na maituturingSobrang sakit
Na tatapusin nyo yung isang bagay
Na kahit kailan
Hindi nyo naman nasimulan
Mahirap layuan yung isang tao
Na kumukumpleto ng araw mo
Mahirap magpanggap na masaya ka
Kasi iba yung totoo
Totoong nasaktan ka
At yung ang naramdaman mo
Pero hindi mo pwedeng sabihin
Kasi nga walang kayo
At ang isip mo'y patuloy na gulong gulo
Kakahanap ng isang sagot
Sa tanong na bumabagabag sa isip mo
Na palagi mong tinanatanong sa sarili mo
Bakit ba ganto?
"DI NAMAN NAGING TAYO, PERO BAKIT NASASAKTAN AKO?"