PANGALAWA

48 1 0
                                    

"Pangalawa"

Ni Margarette A. De Guzman

Pangalawa sa mga taong inuuna
Pangalawa sa mga taong binibigyan ng halaga
Pangalawa sa mga taong minamahal mo ng sobra
At pangalawa sa taong pinipilit mong mahalin kahit nasasaktan kana

Oo pangalawa ako
Minsan nga masaya at kinikilig pako
Kinikilig sa mga sweet messages mo
Kinikilig kasi ang caring mo
Oo nakakakilig
Yung tipong pag nag message ka sumasaya na ako

Ngunit may mga pagkakataong naiisip ko
Bat ako nag kakaganito?
Dapat di ko nararamdaman to
Pangalawa lang naman ako

Pangalawa sayo
Pangalawa kasi di naman talaga ako ang mahal mo
Yung mapapalihim nalang ako na may gusto ako sayo
Kasi mahirap marinig ang mga salitang sorry di ikaw ang mahal ko

May mga pag kakataong natatanong ko ang sarili ko
Bat ko pa minahal ang tulad mo?
Bat ko pa minahal ying taong di maibalik ang tulad ng nararamdaman ko
Ano bang mali sa sa muka ko?
Ano bang mali sa ugali ko?
Ano bang mali sa kilos ko?
Ano bang mali sa buong pagkatao ko?

Minsan kasi nakakapagod na ding maging pangalawa
Maging pangalawa sa lagi mong inuuna
Yung tipong sweet sya sayo
Pero di ikaw ang gusto nya

Pero alam ko naman
Na wala nang mag babago sa pagiging pangalawa ko sa buhay nya
Kasi nga ako yung taong kahit kailan man ay di magiging una sa paningin iba.

*Spoken Poetry*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon