OPTION

39 2 0
                                    

Option"

Ang hirap ng sitwasyon kung isa ka lang option
Yung hindi ka pwedeng mag demand sa kanyang atensyon
Hindi ka pwedeng magalit kung di sya nagpaparamdam? May kayo ba? Pero yun din ay di mo alam.

"Option" tawag sa mga taong takbuhan kung no choice na,
Kung kailan mo lang kailangan ng kausap, saka lang sila naaalala,
Di ka nag aalala, kasi nga may option ka.
At wala silang magagawa, kasi option lang sila.

Minsanan din akong naging isa sa kanila
Naging dakilang option at nagpakatanga.
Saka lang sya nagpaparamdam kapag kailangan nya ako,
At ako bilang option ay palaging andun para sumalo.

Kamusta pagiging option?
Ayun ok naman sya sa una.
Masaya. Ahhm.. Oo masaya..
Masaya kasi kahit papano alam mong may label kayong dalawa,
Masaya kasi kahit papano, napalapit ako sa kanya.
Pero sa una lang yun!
Sa una lang masaya kasi sa huli nakakapagod na.
Sa una lang ang saya kasi sa huli mararamdaman mo din na sobra na.
Kung pagod na, tigil na!
Tigil na hanggang kaya mo pa.
Kasi sa bandang huli, sa sobrang pagod pati ang pagtigil ay di mo na magawa.

Okay lang maging option, kung sa tingin mo dun ka sasaya
Pero huwag naman paabutin sa punto na nakakalimutan mo na ang 'yong halaga
Huwag ka magmamalimos ng atensyon nya,
Atensyong alam mo na matagal na nyang ibinigay sa iba.

Dahil mahal mo sya, natatanggap mong maging option.
Option pag nababagot sya at kailangan nya ng kausap.
Option pag nag'away sila ng shota nya.
Option kapag may ipapagawa sayo at tinatamad sya.
Option! Sasabihin mo at least nasa option ka nya.
Yun na nga eh! Option ka lang nya.!
Lalapitan ka lang kapag naisipan nya or may kailangan sya.

Anu pa ba pinaglalaban mo?
Na baka magbago ang pagtingin nya sayo?
Na baka masuklian nya ang pagmamahal mo?
Bes. Ipapaalala ko lang sayo.
OPTION ka lang nya, at di yun magbabago.

Spoken Word Poetry
2k18
By: Jharvin R. Rafol

*Spoken Poetry*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon