Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase para sa oras na iyon.
Hindi na ko nagtagal pa at lumabas na ko ng room. Wala akong pakialam kung magalit sakin ang prof. ko, and as if naman na may magagawa sya. All of them are given their time limitation to teach us.
I headed on the rooftop of this building. Umaakyat ako dito tuwing free time. Relaxing at tahimik ang atmosphere dahil ginawa itong garden at may bench na nakaharap sa field ng school. Tanaw na tanaw ko ang mga estudyante sa baba. They're like an ant in my eyes.
I wonder if God sees the people like this.
Dito rin ako laging pumupunta dahil walang masyadong tao. Kung bakit kasi sa ganitong klase ng school ako ipinasok. At kung bakit din naman kasi naniwala ako na may school na tulad sa mga nabasa kong libro ang nagsasabing kahit anong ugali mo, basta totoo ka at nagsasabi ng totoo, tatanggapin ka nila.
In this world, kahit ano pa ang ipakita mo sa kanila, ituturing ka pa rin nilang kaaway. But they do say, the less you care, the happier you will be.
Happy? It felt like a new word to my vocabulary.
Napailing ako sa naisip ko. Kailan ba ko huling naging masaya? Pwede bang maging masaya kahit mag-isa ka lang?
Happiness shouldn't come from other people. It is found within you. But will you be happy being alone?
Napapikit ako sa mga naiisip ko. Hanggang sa nagtagal, di ko na namalayang nakatulog na pala ko.
Nagising na lang ako sa ingay na nagmumula di kalayuan sa kinalalagyan ko. Hindi ako tsismosa pero kahit na sino naman siguro di maiiwasan na marinig yung pinag-uusapan nila.
Papunta na ko sa pinto pababa ng hagdan nang bigla akong napatigil dahil sa narinig ko. Sa tingin ko, di nila napansin na nandito ako kaya patuloy lang sila sa pag-uusap. Pagkatapos kong marinig lahat ng dapat kong malaman ay bumaba na ko.
Nakaka-bored ang araw na 'to. Kailan ba magiging interesting ang buhay ko? Tsk. Diretso lang akong naglalakad sa hallway papuntang room namin. Wala kong pakialam kung may mababangga ba ko dahil wala namang masyadong tao.
"Aww, shit. What did you freaking do to my dress?" sigaw ng babaeng nakabangga ko. Well, di naman talaga ako ang may kasalanan kundi sya. Kundi ba naman tatanga-tanga, natapunan sya ng kape na dala nya.
"Here. Bumili ka kung nanghihinayang ka. You can even buy the whole store if you want. Just shut up." Inabot ko sa kanya ang credit card ko. Maikli ang pasensya ko sa mahahabang usapan kaya mas makakabuti kung bayaran ko na lang ang damages. Lalagpasan ko na sya ng nakita kong ngumisi sya at pinigilan ako sa kamay.
"Do you know who I am? Sa tingin mo ba palalagpasin ko yang ginawa mo sakin?" Nakikita ko sa mga mata nya ang excitement. Nakakapagtaka man pero di ko na iyon pinansin. Ang mahalaga makaalis na ko dito dahil ang boring nya kausap.
"I think I should be the one who's asking that. Do you know who I am?" I bet hindi nya ko kilala. Kakalipat ko pa lang kaya it is so impossible for her to know me.
"No. And I'm not interested. Eto na ang credit card mo. Sayong sayo na yan. Money can't change everything you want. Kaya isaksak mo yan sa baga mo." Sabi nya sa isang mahinahon na boses. Kinuha nya ang kamay ko at inilagay dun ang credit card ko. Biglang nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang break at magsisimula na ang klase.
Mahigpit sa school na 'to kaya hindi kami pwedeng mahuli na nasa labas ng room namin unless kailangan na talaga. Kaya bago pa sya magsalita, umalis na ko sa harap nya at iniwan syang nakatayo dun. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya, pero kung ano man yun. Isa lang ang naiisip ko, may kakaiba sa kanya.
Napangisi ako. "Bad for you. I know who you are." Bulong ko habang lumalakad ako palayo sa kanya.
Papasok na ko ng classroom nang biglang sumigaw ang prof. ko. "Sierra Alondra Guadamarra! Lagi ka na lang bang male-late? Ilang ulit ko na bang sasabihin na ayoko ng may nalelate sa klase ko!" sigaw nya.
Di ko sya pinansin at dumiretso na sa upuan ko. Wala rin naman syang magagawa kung hindi ang sigawan ako dahil sawang sawa na syang disiplanihin ako. I don't care about the fucking system of this school. It sucks, actually.
Tumuloy na ko sa upuan ko nang mapansin ko na may nakaupo dito. Tiningnan ko sya ngunit nakatingin lang sya sa prof. namin at nakikinig na parang di napapansin ang titig ko sa kanya.
"Ano na namang problema, Ms. Guadamarra?" Sabi ng prof. namin dahil napansin nya sigurong kanina pa ko hindi umuupo.
"Why did you let him sit on my chair?" Sabi ko habang nakatitig sa lalaki. Napatingin sya sakin at ngumiti nang nakakaaasar. Pero di ko yun pinansin at tumingin ulit sa prof. namin.
"Umm. Mr. Cordoval. Will you move out? That is the chair of Ms. Sierra." Sabi ng prof. namin.
"Why would I? Vacant naman ang katabi kong upuan, edi dito sya. This is the school's property and we're all just student here." Hindi ko alam kung anong meron sa kanya na nakakaasar pero kumukulo ang dugo ko sa kanya. Posible pala yun no.
"Oh. Just shut up. I don't need your opinion, just move out." Pinipilit kong magpakahinahon sa kanya dahil nakakatamad magalit. At di ko sya dapat paglaanan nang oras.
"Okay." Sabi nya at pumangalumbaba habang tinititigan ako. Seriously? Wala ba syang common sense? Ano bang problema ng taong 'to? Wala na kong magagawa. I'm so tired of this. Umupo na lang ako sa tabi nya.
"Uupo din pala. Andami pang arte. Tsk." Napatingin ako sa kanya dahil sa pagkainis. Ang lakas ng loob ng taong 'to na sabihan ako ng ganon. Anong alam nya? Mas makabuti pang di ko na lang sya pansinin para tumigil din sya. Itinuon ko ang atensyon ko sa harap
"Sierra, uy Sierra." Mapapagod ka rin.
"Sierra. Sierra.Sierra." Magsasawa ka din.
"Sierra." Lumingon ako sa kanya dahil ayaw nya talagang tumigil. Bigla naman syang ngumiti na parang nagpipigil ng tawa. Tinitigan ko lang sya. Anong nakakatawa? Tss.
"Tsk."
"Nakakatawa talaga ang mukha mo nung lumingon ka. Hahaha." Sabi nya habang pinupunasan ang luha sa mata nya. Tinitigan ko lang sya. I don't get him.
"Okay. Class Dismiss." Pagkasabing pagkasabi ng prof. namin nun ay lumabas na ko. Buong period na walang ginawa ang Cordoval na ito kundi asarin ako. Well, he doesn't need to do anything to pissed me. He just needs to breathe.
Stressed na stressed ako sa buong period na yon kaya pumunta ako sa lugar kung saan walang masyadong pumupunta, sa pinakalikod ng school. Buti na lang tinigilan na ako nung Cordoval na yun at di na ko sinundan.
Nakarinig ako ng parang mga ungol. The eff? Hanggang dito ba naman? Kailan ba matatahimik ang buhay ko? Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa lugar na lagi kong pinupuntahan. Pero habang papalapit ako, lalong lumilinaw ang tunog. Nakita ko ang dalawang lalaki, pamilyar sakin ang mukha nung isa. Napalingon sya sakin at sinuntok nang malakas ang kaaway nya, dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Pagkatapos ay lumapit sya sakin.
Hindi ako natatakot sa pwede nyang gawin sakin. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Tinitigan ko lang sya at ganun din sya sakin. Lumapit sya hanggang mga ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Ngumisi lang sya at pagkatapos ay naglakad palayo. Another crazy man? The hell, anong problema nila.
Tiningnan ko sya habang umaalis at pagkatapos ay lumipat ang tingin ko sa lalaking nakahiga. Napa-buntong hininga na lang ako.
BINABASA MO ANG
Breaking That Cold Heart
RomantizmShe's colder than ice. She doesn't care of who she was talking at. She never want to show her feelings to anyone. She doesn't care even if you're the most precious thing in this world. If you're thinking that she have a reason. You're wrong. Being a...