Paalis na kami ng bahay ngayon. Daily routine. Ihahatid niya ako sa flower shop na pag aari ko bago ito pumasok sa campo.
Yes, he is my hero. Siya ang sundalo ng buhay ko. Sundalong nagpoprotekta at nag aalaga sa akin. And I am proud to be his wife.
Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang hinihintay ko siya sa may sasakyan. He is busy locking the door.
Nang matapos na ito ay napangiti ito nang makitang titig na titig ako sa kanya. He mouthed I love you to me and mouthed the same words to him.
Oh! How I love this man.
Nang makalapit na ito sa gawi ko ay kinintalan niya ako ng halik sa aking labi bago ako pinagbuksan ng pinto at papasukin. Umikot ito sa driver seat at pumasok na din. Siya din lagi ang naglalagay ng seatbelt ko.
He's that sweet. At sanay na sanay na ako sa pag aalaga niya pero andoon pa din lagi ang kilig.
He kiss me. Akala ko ay panandalian lamang. Hindi ko napigilan ang sariling mangunyapit sa kanyang batok at tugunin ang kanyang mapusok na halik.
At nang maghiwalay ang aming mga labi--- he smiles at me and kiss me on my forehead.
"I love you..." he said, lovingly.
"And I love you more," I replied.
Umayos na ito ng upo at pinaandar na ang sasakyan. On our way, naalala ko na baka hindi ito makauwi. So, I ask him to make it sure. Ayokong masayang ang ihahanda ko.
"Will you be home for dinner, hon?"
He shrugged. "Depende sa mangyayari sa campo ngayong araw. Kung walang ipag uutos ang CO, surely, makakauwi ako."
"Take care of yourself always, okay? May misyon man o wala. Promise me that nothing will happen to you." Humarap ako dito at yumakap. Takot na takot ako lagi kapag nasa trabaho siya.
Being a soldier isn't that easy. Alam ko na ang kalahating katawan nito ay nasa hukay. Kahit gusto kong masanay ay napakahirap pa din. Serving our country is his top priority at iyon ang sinumpaan niya.
And I know how he love his profession. I am here to support him. Nakilala ko na siyang sundalo and tanggap ko iyo.
"Mag iingat ako palagi para sa 'yo, hon. Huwag ka masyadong mag alala dahil kayang kaya ng asawa mo ang trabaho. Saka, malakas ang kapit ko kay Lord." Kinindatan niya pa ako at mabilisang kinintalan ng halik ang aking noo.
Nanahimik na ako at nanatiling nakayakap sa kanya hanggang sa makarating na kami ng flower shop.
Hindi ko na siya pinababa pa. Humalik lang ako sa kanyang labi at bumaba na ng sasakyan. Hinintay ko muna itong makaalis at mawala sa aking paningin bago ako pumasok ng shop.
Pagpasok ko, sinalubong agad ako ng kasama ko sa shop. She's my helper for almost three years. Bago pa man kami naging mag asawa ni Louie ay pinapatakbo ko na ito. And it grew bigger and successful. Nang maging mag asawa na kami--- mas nadagdagan ang mga suki namin dahil sa mga kabaro niyang nagpapadala ng mga bulaklak sa mga asawa at nililigawan nila.
"Good morning, Ate Melissa." Masayang bati ni Rhea sa akin.
Ngumiti ako, "good morning din sa 'yo. Anong schedule natin ngayon?"
Kinuha nito ang planner at binuklat iyon.
"Ate, may meeting ka po mamaya around ten am sa may Diners with Mr. Solido. At twelve pm naman po sa Skyrise Hotel with Mr and Mrs Dela Fuente about sa kasal ng anak nila."
Tumango ako, "thank you. You can go back to your work."
Ngumiti ito sa akin at bumalik na sa kanyang ginagawa. Nag umpisa na din akong gawin ang pinakagusto kong gawin.
BINABASA MO ANG
Forevermore [Under Editing]
RomanceLouie loves his wife more than anything in this world. Kaya nang maidestino siya sa malayo ay tila bumagsak ang kanyang mundo. Hindi niya kayang iwan ang asawa niyang mag isa. Pero mas hindi pwedeng talikuran niya ang kanyang propesyon. And serving...