Chapter 3

4.4K 92 9
                                    

Melissa

The days went fast so easily. Heto na ang araw na ayaw kong dumating. I was siting on the couch while he was busy getting her things and putting in on the service car outside. Hindi ko namamalayang, pumapatak na pala ang luha ko habang tinitignan ko siya. Hindi ko aakalaing mangyayari sa amin 'to. Sa tagal na naming mag-asawa, it never crosses my mind na  darating ang araw na ito.

I know na possibleng mangyari ang ganito, but I can help it. Hindi ko inaasahang ngayon na ito, ni hindi ko naihanda ng mabuti ang sarili ko.

Nang may umupo siya sa tabi ko, alam kong siya yun pero mas pinili kong yumuko para maitago ang luhaan kong mukha.

"Stop crying, Hon. I can't leave this house and especially you kung ganyan ka. My heart is breaking whenever I see you cry." malungkot na sabi niya habang hawak niya ang baba ko at iniangat nito para magpantay ang mga mukha namin.

"How can I stop crying, Hon? Paano ako mabubuhay ng malayo ka sa akin?" umiiyak na bigkas ko sa kanya.

"You can do it, Hon. Maikli lang ang dalawang taon, hindi mo mamamalayan yan. I will call you more often, at pag may pagkakataon. Uuwi ako dito, kaya don't be sad." sabi nito habang haplos-haplos nito ang mukha ko at hinalikan ako sa aking noo.

Niyakap ko siya ng mahigpit at mahinang umiyak. Mas lalo pang humigpit ang yakap ko ng marinig ko ang busina ng service car na gagamitin nila paalis.

"I shall go, Hon, naghihintay na sila sa akin. As much as I wanted to be here with you, hindi ma-aari dahil alam mong ito na ang trabaho ko simula palang." sabi nito habang hinahaplos niya ang buhok ko at inilayo ang katawan ko sa katawan niya para mahaplos nito ang umiiyak kong mukha.

Pinahid niya ang mga luhang naglalandas sa mukha ko at dahan-dahan niya akong hinalikan mula sa noo ko hanggang sa labi. Tinugon at ninamnam ko ang huling halik na iginanagawad sa akin ng aking asawa. Dahil alam kong magmula mamayang gabi ay hindi ko na muna siya makakasama.

Ilang minuto din ang itinagal ng halik namin bago kami kumalas sa isa't-isa. Kahit na may luha pa sa mga mata ko, pinilit kong ngumiti para makita niyang ayos na ako. Nakita ko din siyang ngumiti at hinila ako patayo.

Inihatid ko siya hanggang sa may balcony ng bahay namin. bago pa man siya bumaba ng hagdan, humarap muna siya sa akin at hinalikan ako sa huling pagkakataon.

"Take care of yourself while I'm not around, Hon. Always lock the door lalo na pag gabi. I will call you more often. Mag-iingat ka sa trabaho mo, don't make yourself tired, okay?" bilin nito habang nakayakap siya sa akin at nakatingala naman ako sa kanya habang tumatango.

"I will, Hon. Ikaw din, mag-iingat ka sa pupuntahan niyo. Hihintayin ko lagi ang tawag mo."

"I love you, Melissa." buong pagmamagal na bigkas niya bago siya kumalas sa yakap ko at dinampian ng masuyong halik ang labi ko.

"I love you too, Hon."

Masakit sa akin ang makita siyang dahan-dahang bumababa sa hagdan ng bahay namin. Bago pa man siya pumasok sa sasakyang naghihintay sa kanya. Lumingon muna siya at kumaway sa akin.

"I love you so much and take care,Hon." he mouthed,bago siya tuluyang pumasok ng sasakyan.

Pinagmamasdan ko ang papalayong sasakyan na ginamit ng asawa ko.Pinilit kong maging matatag pero hindi ko kinaya. Bumuhos agad ang nag-uunahang luha sa aking nga mata. Napaupo ako sa upuan sa may gilid ng balcony at tulalang tumitig sa kaealan habang umiiyak.

"I will be alone from now on. How can I survive without you, Loiue?" mahinang bigkas ko habang umiiyak at iniisip ang asawa ko. 

Unang pag-alis nang asawa ko at hindi ko kinakaya. Nasanay akong nasa tabi ko siya lagi, kaya parang ang hirap isiping umalis na siya at matagal pa ang balik niya.

Nagtagal pa ako sa balkonahe, bago ko naisipang pumasok sa bahay at dumiretso sa kuwarto namin. Dumiretso ako sa kama at pabalang na humiga habang hindi ko pa din mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha.

Paano ba namang hindi ako maiiyak kung bawat sulok ng bahay namin ay ala-ala niya ang nakikita ko? Hinila ko ang unan na ginagamit ng asawa ko at inamoy ito bago niyakap. Konting minuto palang mula nang umalis aiya pero para na akong mamamatay sa pagkamiss ko sa kanya.

"I love you so much, Hon. Ilang minuto palang pero miss na miss na kita. Pipilitin kong makasurvive habang wala ka, promise ko yan." bigkas ko na para bang kausap ko lang siya sa tabi ko.

Dahil sa sobrang pag-iyak ko, hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako.

Forevermore [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon