Chapter 10

4.4K 77 0
                                    

Melissa

Ito na ang huling araw na makakasama ko siya. Nasa lugar kami kung saan una ko siyang nakilala at minahal. Dito sa lugar na ito kami nangarap at nangako na mamahalin namin ang isa't-isa hanggang kamatayan.

Matiim akong nakatingin sa pari habang binabasbasan niya ang asawa ko. Hindi ko pinahalatang umiiyak ako, pero sadyang makulit ang luha ko at dire-diretso nanamang pumapatak habang pinagmamasdan kong tabunan ng lupa ang himlayan nito. Napaigtad nalang ako ng magpaputok ang kasamahan niyang mga sundalo bilang pagsaludo.

Nang iabot na sa akin ang watawat na sumisimbolo sa asawa ko. Hindi ko maiwasang hindi nanaman umiyak. Yinakap ko ang watawat at tahimik na uniiyak. Nauna ng umalis ang mga nakilibing, mag-isa akong naiwan dito habang nakatayo lamang at umiiyak. Inabot ako ng ilang oras bago ko napagpasyahang umuwi na.

Nang makarating ako sa bahay, agad kong inilabas ang alak at uminom na mismo sa bote niya. Umiiyak ako habang tumutungga, gusto kong mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Kasalanan ko ang lahat ng ito!" sigaw ko at tinapon ang unan sa kung saan. Nilunod ko ang sarili ko sa alak hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, mugto ang mata k9ng bumangon. Hindi na ako nag-abala pang maglinis ng katawan ko. Bumaba ako ng kusina at kumuha ng alak sa lalagyanan.

"You will be my husband from now on." Taas ko sa alak at itinuro ito habang kinakausap. Agad ko itong binuksan at uminom sa mismong botelya.

Napapikit ako sa init ng hagod ng alak sa aking lalamunan. Naglakad ako papasok sa salas kung saan makikita mo ang mga larawan naming dalawa. Lumapit ako sa larawan naming dalawa na magkayakap. Kinuha ko ito at tinignan habang naglalakad ako papalabas ng bahay. Pagdating ko sa balkonahe, agad akong umupo sa upuan at niyakap ang larawan habang umiinom sa bote ng alak.

"Kung hindi dahil sa akin, hindi ka sana mawawala. Kasalanan ko lahat ng 'to. God knows how much I love you, Louie." bulong ko, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Uminom ako ng uminom hanggang sa makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi pa rin pala kayang ibaon ng alak ang sakit na nararamdaman ko. Halos maubos ko na ang alak pero umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.

Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang hilo ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kinaya. Inubos ko anng laman ng alak at. Pagkatapos hiniga ko na sa upuan habang yakap yakap ko ang larawan naming dalawa.

"If only I could put things back. I will reverse the universe just to make you here by my side, Hon." napapapikit kong sambit habang onti-onti ng pumipikit ang mata ko. Pero bago pa man ako nakatulog, "I Love you..." huling sambit ko bago ako nakatulog.

Pagkagising ko, nagulat nalang ako ng nasa kama na ako. Ang huling naaalala ko ay nakatulog ako sa balkonahe at hindi dito. Agad kong nilibot ang paningin ko para makita kung may ibang tao, kaso wala akong makita.

Nagkibit balikat nalang ako at dahan-dahang bumangon. Kahit nahihilo pa ako, tumayo ako at pumasok sa banyo para maligo. Pagtingin ko sa oras, mag-gagabi na pala. Ganoon pala ako katagal nakatulog. Tuluyan na akong pumasok ng banyo at naligo.

Pagpasok ko ng kusina, agad na naman akong naghanap ng alak sa lalagyanan. Pero ni isa wala akong makita, aigurado naman akong may dalawa pang bote dito kagabi.

"Asan ka?" tanong ko habang halos mailabas ko na lahat ng laman ng kabinet pero wala pa din akong makita. Napatingin ako sa fridge ng may mahagip ang mata ko. Lumapit ako dito at hinablot ang post it note na nakadikit.

"Please, do take care of yourself. I cook foods for you. Nasa loob ng ref, ipainit mo nalang pag nagutom ka. As much as I wanted to wait for you to wake up. I can't, I have important things to do. Don't drink too much. I love you..."

PS: Kinuha ko pala lahat ng alak para masigurado kong hindi ka iinom.

"Tsk! Sino ka ba sa akala mo para pagbawalan mo akong uminom! Hindi ikaw ang asawa ko!" inis na sambit ko at pinunit-punit ang note tsaka itinapon nalang sa kung saan.

Ako pa din ang masusunod. Katawan ko 'to at ako lang ang magdidikta ng gagawin ko. Bumalik ako sa kuwarto at nagbihis ng pang-alis. Bibili ako ng mga alak na iinumin ko.

Nang makabihis na ako, agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at pinaharurot ito papuntang bayan. Nang mapadaan ako sa mga bar sa gilid ng kalsada, may nabuong desisyon sa utak ko. Dumiretso na ako sa grocery at kumuha ng napakaraming alak para mailagay sa bahay. Halos tatlong plastic din ng matatapang na alak ang nakuha ko. Nang mabayaran ko na, tinulungan akong magbuhat ng bagger at nilagay ito sa compartment ng sasakyan ko.

Umalis na ako sa lugar na 'yon at dumiretso na sa bar ng makita kong madilim na rin. Kakapasok ko palang ng bar, marami ng tao ang nagsasayawan. Agad akobg pumunta sa bar counter at umorder ng matapang na alak. Nang maibigay niya iti, isang lagok lang ang ginawa ko bago ulit ako umorder ng isa pa na nasundan ng marami pa.

Nang maramdaman ko ang pagkalasing ko, sumayaw ako kasama ng iilang mga lalakeng nasa bar na kanina pa nagpapapansin sa akin. Habang sumasayaw kami, iniikot ako ng isa. Paglingon ko dito, mukha ng asawa ko ang lumitaw. Napangiti ako ng dahil dito at yinakap ito ng mahigpit habang sumasayaw kami sa indak ng musika. Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ito. Pero pagkamulat ko, hindi na mukha ng asawa ko ang tumambad sa akin.

Agad ko siyang tinulak at umalis na sa lugar na 'yon. Pasuray-suray akong naglakad palabas hanggang sa makarating ako sa sasakyan ko. Nahihilo na ako pero nagawa ko pa ring umuwi at doon itinuloy ang pag-inom ng alak.

Sa araw-araw, paulit-ulit nalang ang ginagawa ko. Matutulog, iinom ng alak, gigising, pupunta sa asawa ko at paulit-ulit lang. Halos hindi na ako kumakain. Ilang beses din pumupunta si Lloyd dito kaso pinagtatabuyan ko lang lagi. Minsan nakakalusot siyang pumasok pero hindi ko siya pinapakinggan. He even break the liquors that I have in my kitchem but I don't care. As long as marami ito sa grocery, I don't mind at all kahit basagin pa man niya iyon ng pinong-pino.

Pasuray-suray akong naglalakd ngayon patungo sa asawa ko. Pagdating ko sa kinahihimlayan niya, pasalampak akong naupo sa gilid habang hawak ang bote ng alak.

"If only you are here, Hon. My life is a total mess without you. Hindi naman kita masisisi kung bakit nakahiga ka diyan. Kasalanan ko ang lahat, gusto na kitang makasama..." sambit ko at tinungga ang alak na hawak ko. Sa araw-araw, laging alak ang karamay ko. Ilang buwan na rin ang lumilipas pero andito pa din ang sakit ng dahil sa pagkawala niya.

At sa dalawang buwan na 'yan, araw-araw kong sinisisi ang sarili ko ng walang mintis. Humiga ako sa tabi ng asawa ko at hinayaang tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko.

"Wala ng halaga ang buhay ko simula ng mawala ka. I love you, Louie. I love you, till I die..." mahinang bulong ko habang umiiyak at tumutungga din ng alak sa bote. "Gusto na kitang makasama. Araw-araw kong nilulunod ang sarili ko para makalimot pero hindi ko magawa. Dahil dito..." turo ko sa puso habang umiiyak. "...ikaw lang ang andito. Ikaw lang, nagsisisi ako sa nagawa ko.  Pero anong magagawa ko, hindi ko na kaya pang ibalik ang nakaraan." malungkot na sabi ko at dire-diretsong ininom ang alak hanggang sa maubos ko.

Forevermore [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon