Epilogue

6K 114 7
                                    

Melissa

Walang araw na hindi ako umiinom ng alak. Umaga, tanghali, at gabi walang palya 'yan. I don't even eat, I'd prefer the whiskey or liquors as my meal. Nakasalampak ako sa sahig sa may gilid ng kama ko habang nakaunan ang ulo ko sa kama. Nanghihina na ako pero hindi ito pumigil sa akin para uminom.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kuwarto at tumambad sa akin ang malungkot na mukha ni Lloyd. I ignore him and drink with the bottle of whiskey in my hand.

"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo, Melissa! You're a total mess, look at yourself! Halos hindi ka na makatayo." galit na sabi niya at inagaw ang bote ng alak sa kamay ko. Dahil wala akong lakas, madali niya lang itong nagawa.

"Wala kang pakialam! Just leave! I don't want you here!" sigaw ko at pilit na kinukuha ang alak sa kanya pero hindi ko nagawa.

"I always care, Melissa. I can help you to move on. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Nasasaktan din ako," seryosong sabi niya at lumuhod sa harap ko. Hinaplos niya ang mukha ko pero iniiwas ko lang ito at mapait na napangiti.

"Just go, Lloyd! You can ne-ver he-lp me. Ginusto ko 'to. Just leave me alone!" sigaw ko at itinulak siya. Nakita kong umiling ito sa akin at hinawakan ang balikat ko. Pinatayo niya ako at pinaupo sa kama.

Tinignan ko siya ng nagmamakaawa at hindi ko napigilang hindi umiyak. Kahit sa ilang buwan ang nakalipas, hindi pa rin maalis-alis ang sobrang sakit dito sa puso ko.

"Just go, Lloyd. I don't need you, I want to be with him. Ayoko na sa buhay ko..." umiiyak na sabi ko at napayuko. "...andito pa din 'yong sakit." Turo ko sa puso ko at sinuntok ito. "Ayaw maalis at mas lalo pa itong tumitindi habang tumatagal. Masa-kit na ma-sa-kit na at hindi ko na kaya pa."

Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi na pinakawalan pa. Ilang araw na akong nanghihina pero wala akong pakialam. My life is a mess and I want to end it now. Kaso hindi ko kayang kitilin ang sarili kong buhay. Napahagulgol ako at pilit na pinapatatag ang loob ko.

Kusa akong kumalas at tinulak siya. Kahit sobrang nanghihina na ako, hindi ko hinayaang makita niya ito. Pilit ko siyang tinulak-tulak hanggang sa makarating ito sa pinto ng kuwarto at tuluyang mapalabas.

Nang mapalabas ko siya, agad kong nilock ang pinto at inabot ang alak sa mesa na pinaglapagan ni Lloyd kanina. Naririnig ko ang pagkatok niya at pagtawag ng pangalan ko. Hindi ko ito pinansin pa at hinayaan ko nalang ito. Muli nanaman akonh nagpakalunod sa sistema ng alak na siyang tumutulong sa akin sa panandalian kong pagkalimot.

Author's POV

Marami pang araw ang lumipas, pero hindi nagbago si Melissa sa araw-araw na pag-inom niya. Halos hindi na ito kumakain. Dumating na ito sa punto na hindi na ito makatayo ng dahil sa panghihina niya.

She can't even move his fingers nor move her feets. Makikita mo sa mukha niya ang pagbabago ng pangangatawan nito. Mula sa balingkinitan nitong katawan hanggang sa maging payat na ito ng tuluyan.

Nakahiga ito sa kanyang kama at nakapikit dahil kahit ang pagmulat ay hindi na rin nito kayang gawin. May pumatak na isang butil ng luha sa kanyang mga mata. Marahang bumuka ang bibig niya na para bang may sinasabi, pero wala namang tinig na lumalabas mula dito.

"Mag-ki-ki-ta na ta-yo, Hon. I lo-ve you, hang-gang ka-ma-ta-yan." nahihirapang bigkas nito at muling tumulo ang luha niya kasabay ng tuluyang pagtigil ng pagtibok ng puso nito.

Nang malaman ni Lloyd ang pagkawala ng babaeng minamahal niya. Nagluksa ito at hindi maiwasang hindi ito iyakan. Ito ang unang babaeng minahal niya ng sobra. At nahirapan itong tanggapin ang pagkawala ni Melissa. At ngayon ay nasa kuwarto siya ng babae at inaayos ang gamit na naiwan niya. Gusto niya na bago niya lisanin ang lugar ay malinis na ito.

Habang nililinisan niya ito, napadako ang mata niya sa gilid ng kama. Nakita niya ang puting papel na nakatupi sa gilid ng unan nito. Agad niyang kinuha ang papel at napatulala ng makitang sulat kamay ito ng babaeng pinakamamahal niya.

Lloyd,

Thank you for everything. Kahit pinagtatabuyan kita, hindi mo ako iniwan. Lagi kang andiyan para sa akin. I'm sorry dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na inilaan mo sa para sa akin. Mahal na mahal ko siya at alam mo 'yon. Find the girl who can love you better than I am. Pag nawala ako, huwag kang malulungkot. Just think that I'm happy now with the one I trully love. Do take care of my flower shop na napabayaan ko nitong nakaraang buwan. Love it as I love them.
Thank you, Lloyd, thank you so much.

Melissa

Nang mabasa niya ang sulat, hindi niya napigilan ang hindi umiyak dahil sa nabasa. Nagmadali siyang ayusin ang lahat at pumunta na sa libing.

Nakatayo siya medyo malayo sa kung saan nililibing ito. Iilan lang ang taong pumunta, mga malapit lang sa puso niya. Napangiti ito ng malungkot ng pagmasdan ang pagtabon ng lupa sa hukay. Katabi na nito ngayon ang asawa niya. Nakaalis na ang lahat ng tao ng lumapit siya dito at kinausap ang natabunang hukay. Nagpapaalam at nagsasabi ng sakit na naramdaman nito. Isang oras din ang nakalipas ng mapagpasyahan nitong umalis sa lugar.

Tumayo na siya at nagsimulang humakbang papalayo. Hindi pa man ito nakakalayo, napalingon uli ito at napangiti dahil sa naglalaro sa isip nito.

Nakikinita nito ang pagkakatayo ni Melissa sa harap ng asawa nitong tahimik lang na nakatayo din sa harapan nito. Nang ngumiti ang lalake kay Melissa at iniabot ang kamay nito. Napatakbo agad si Melissa sa asawa niya at nakangiting yumakap dito at buong pagsuyong hinalikan sa mga labi.

Makikita mo sa kanila na masaya sila sa muli nilang pagkikita. Nakikinita din niya ang masayang pagyayakapan ng mag-asawa at walang humpay na ngiti sa mga labi nila.

Nakangiti nalang itong umiling at tuluyan ng umalis sa himalayan ng mag-asawang hanggang sa huli ay pinatunayan na ang pagmamahalan ay kayang dalhin hanggang sa kabilang buhay.

The End

Forevermore [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon