After a tiring day, gusto kong ibalita kay Louie ang naging mga transactions ko this day and how it went well. Lalo na ang mag asawang Meldieves for their golden anniversary.
Mahihirapan kami sa request nila pero kakayanin namin. Naawa kasi ako sa mag asawa na nag eeffort for their anniversary. Talagang pinag ipunan pa nila dahil gusto nitong mabuo ang buong pamilya nila, kahit sa araw lang na iyon. I was touched, kaya napapayag nila ako.
Medyo nagulat ako nang may yumakap sa akin mula sa aking likuran at halikan ako sa aking balikat. Kasalukuyan akong nasa terasa at nagpapahangin.
"How was my hon's day?" Malambing na tanong nito at iniharap niya ako sa kanya.
"Tiring but satisfied." I smiled at him. Inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at yumakap sa kanyang bewang. "Ikaw? How's work?"
Matagal ito bago nakasagot kaya nagtaka ako. Tumingala ako at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"They will be deploying us in Visayas." He said and I was totally shock. I never see it coming. Parang nalunok ko ang sarili kong dila. "Hon..."
Nanatili akong tahimik. Ito ang pinakauna-unahan nitong deployment sa malayong lugar. And Visayas? That's too far away from where we are.
"Is that a joke?" I asked, thinking that it was just a joke.
Nang umiling ito ay mas naging mabigat ang aking dibdib. Tila gusto kong maiyak dahil sa halo-halong emosyong nadarama ko sa mga oras na ito. I didn't know what to say.
"Ikaw lang ba?" Wala sa sariling tanong ko.
"No, hon. Nasa sampu kami," sagot nito.
"Bakit kasali ka? Hindi ba pwedeng sila na lang at maiwan ka?" Nagiging selfish na ang mga tanong ko.
"Hon..." tawag nito sa akin at malungkot na napabuntong hininga. "Ako ang senior nila. Hindi ko basta pwedeng tutulan ang utos ng pinakamataas sa akin. Two years lang iyon----"
"Two years?" bulalas ko na tinanguan niya. Napakatagal ng dalawang taon. Unang pagkaka-deploy nito sa malayong lugar at hindi ko ata kayang tanggapin na magkakahiwalay kami ng dalawang taon. "No, niloloko mo lang ako para pagtawanan ang reaction ko." Tumawa pa ako nang pagak habang umiiling.
Humigpit ang yakap nito sa akin at hinaplos nito ang aking buhok bago hinalingan ang aking noo.
"Ayaw ko mang sabihin, hon, pero totoo lahat ng sinasabi ko. I will be in Visayas in a couple of days."
"What?" Tila naging mahina ang pagsink in sa utak ko ng sinabi niya. "Couple of days?" Tumango ito. "Aalis ka na agad agad? Bakit biglaan naman?"
Lumungkot mas lalo ang mga mata nito bago tumangong muli at tila hindi nito alam kung ano ang sasabihin
He sighed again. Halatang nahihirapan din ito.
"Three to four days and yes, hon, biglaan iyon dahil sa kakulangan sa parteng iyon ng Visayas. Alam mo naman ang takbo ng trabaho ko. Being a soldier means serving the people."
And serving his country is his top priority. Pangalawa lang ako. He is right. Ito ang pinili niyang trabaho at tinanggap ko iyon. Nangako din ako na susuportahan ko siya. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako ngayon sa ipinangako ko. Masisisi ba niya ako?
"I know..." mahinang sambit ko. "I know what are your responsibilities being a soldier. At nakakalungkot lang dahik wala akong magawa." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at humarap nang muli sa baluatre ng terasa. "Hindi ako sanay, Louie. Hindi ako sanay ng mag isa. Hindi ako sanay nang wala ka. Hindi ako sanay na gumising nang hindi ikaw ang nakikita ng aking mga mata." Hindi ko na napigilang hindi umiyak. "Do I have a chpice here, hon? Wala hindi ba? All I have to do is to accept the fact that you'll be there for two years and I will be living by myself from that time being." Napatigil ako at humikbi. "Hindi ko kaya..."
Ang bigat ng aking dibdib.
" Babalik din naman ako, hon. Two years is just a spam of time. Hindi natin mamamalayang nakabalik na ulit ako. Hon, don't makr this hard for both of us. Nahihirapan din naman ako. Ang isipin pa lang na maiiwan ka mag isa dito... breaks my heart." Niyakap niya akong muli mula sa aking likuran.
Napapikit ako at humikbing muli. Iniisip ko palang na aalis na siya ilang araw mula ngayon ay para ng pinipiga ang puso ko. Paano na lang kung sa mismong araw ng pag alis niya? Hindi ko ata kakayanin.
" Gusto kong hilingin na huwag kang umalis, hon. Gusto kong dito ka lang sa tabi ko. Gusto kong magising na ikaw ang nakikita ng mga mata ko... pero alam kong hindi iyon maaari. Ayokong papiliin kita dahil masasaktan lang tayo pareho. Ayaw kong ipitin ka sa trabaho at sa akin. I know how much you love me and your job. Kaso parang hinihiwa ito... " tinuro ko ang aking dibdib at mas napahagulgol pa.
He stay silent. Niyakap niya pa ako nang mas mahigpit. All I could do is to cry even harder. Kahit sa pag iyak na ito ay mailabas ko ang sakit na nasa aking puso. Hinaplos nito ang aking buhok at hinalikan iyon. Ramdam kong nahihirapan din siya at nalulungkot.
"Being away from you means living in hell, hon. Alam mo kung gaano kita kamahal. Ang trabaho ay trabaho. Ayokong iwan ka mag isa. Ayokong hindi ako ang nakikita ng mga mata mo paggising mo. Ayokong hindi matikman ang mga luto mo sa araw araw. Pero hon... wala tayong magagawa. I swore. Nangako ako sa propesyon ko." Ramdam ko ang paghihjrap sa kanyang boses.
Naawa ako sa kanya at para na din sa sarili ko. I was being a selfish now. Bago kami kinasal ni Louie ay sundalo na siya. Nangako din akong susuportahan ko siya sa bawat misyon niya.
Bakit ngayon? Bakit pinipigilan ko siya? Bahit pinapahirapan ko siya?
Inayos ko ang aking sarili. Itinatak ko sa aking isip na dapat ay nagiging lakas niya ako hindi kahinaan. Breaking down is not helping him. Para ko na din siyang hinihila sa kalungkutang nadarama ko. And it is not what I promised to him. Dapat pinapalakas ko ang loob niya hindi pinapabigat.
I realized what I'm doing. Narealized kong mali ang ginagawa ko. I compose myself and wipe tge tears away. Susubukan kong maging matapang at matatag. Hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na din sa asawa ko.
Humarap ako dito at pilit na ngumiti. Mahirap pero kakayanin ko.
"Will you be very busy on that three days?"
He shrugged. "Don't know, hon. Maybe yes, maybe no. Depende sa mga orders sa amin." Hinaplos nito ang mukha ko at pinunasan ang mumunting luha sa aking mga mata. I can't help it. Nakakaalpas pa din kahit pinipigilan ko. "Be strong for us, hon. Nahihirapan akong ganito ka."
Niyakap ko siya nang mahigpit. "I will, hon. I will..."
"I love you..." inilayo niya ako sa kanya at sinapo ang aking magkabilaang pisngi. "Forever."
"I love you more. Forever."
Ngumiti ito at hinalikan ako sa aking labi. Halik na nagbibigay ng assurance sa akin na magiging maayos din ang lahat. Halik na nagpaparamdam ng sobrang pagmamahal niya sa akin. And a kiss that would put us in bed, as always.
.
BINABASA MO ANG
Forevermore [Under Editing]
RomanceLouie loves his wife more than anything in this world. Kaya nang maidestino siya sa malayo ay tila bumagsak ang kanyang mundo. Hindi niya kayang iwan ang asawa niyang mag isa. Pero mas hindi pwedeng talikuran niya ang kanyang propesyon. And serving...