Chapter 8

3.9K 77 5
                                    

Melissa

Nanginginig ang buong katawan ko habang papalapit kami ng papalapit sa hospital kung nasaan ang asawa ko.  Hindi ako naniniwalang patay na siya, nagsisinungaling lang ang kausap ko kanina.

"Hindi pa siya patay, she's lying." mahinang sambit ko habang umiiling-iling. "How could they say that he's dead? I know and I can feel it that he's alive. Di ba Lloyd?" tanong ko dito at humarap sa kanya. Nakita ko ang pagbalatay ng lungkot sa mukha niya habang diretsong nakatingin sa kalsada at pahapyaw na sumulyap sa akin.

"I know he's alive, Lloyd, nararamdaman ko 'yon. Naniniwala ka naman sa akin diba?" tanong ko dito. Nanatili lang itong tahimik na nagmamaneho at minsang sumusulyap sa akin.

Kinakabahan, nanginginig, ninenerbiyos, halo-halo na ang nararamdaman ko pero pilit kong iwinawaksi ang sinabi ng babaeng nakausap ko kanina.

Tahimik na akong nakadungaw sa labas ng bintana habang hindi ko maiwasang hindi pumatak ang luha ko.

"Panno kung totoo ang sinabi nito? Makakaya ko ba?" 'yan ang katanungang gumugulo sa isip ko ngayon. Paano nga ba? Ang isipin ko palang na wala na siya ay sobrang sakit na para sa akin.

Nang huminto ang sasakyan sa harapan ng hospital. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Parang ayaw kong lumabas at pumasok sa loob niyan. Naramdaman ko ang kamay na pumatong sa balikat ko.

"Are you okay?" alanganing tanong niya sa akin na ikinailing ko lamang.

"I don't know what to feel. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Alam kong buhay siya..." huminto ako sa pagsasalita at tumingin sa entrada ng hospital. "...pero paano kung totoo ang sinasabi ng nakausap ko kanina, Lloyd?" hindi ko na napigilang hindi mapaiyak. "Paano ko tatanggapin kung totoo man iyon? Paano?" nahihirapang tanong ko at hindi ko na napigilang mapahikbi.

"Andito lang ako sa tabi mo, kahit na anong mangyari. Be strong, Melissa. Br strong," Hagod nito sa likod ko at niyakap sandali bago kumalas at naunang lumabas. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinauupuan ko hanggang sa bumukas ito.

"We need to confirm if it's him or not, Melissa. Kailangan na nating pumasok." malungkot na sabi nito at iniumang ang kamay nito sa akin.

Tinignan ko lamang ito dahil nagdadalawang isip pa akong pumasok.

"If it's not him, bakit gamit niya ang telepono ng asawa ko? Bakit kilala niya ang asawa ko? Bakit alam nito ang pangalan ko? Bakit?" mahinang sambit ko at naluluha pa ding tumingin kay Lloyd na para bang sa kanya ako humihingi ng kasagutan.

"Kailangan na nating pumasok sa loob para kompirmahin kung siyanga 'yon, Melissa. At hindi ko kayang sagutin ang mga katanungan mo dahil ako din mismo ay hindi din alam ang isasagot sa 'yo." sabi nito at binawi ang kamay na nakalahad sa harap ko at niluwangan nalang ang pinto ng kotse.

Tumingin ulit ako sa entrada ng hospital bago huminga ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit nanginginig ang katawan ko sa kaba ay nairaos kong itayo ang sarili ko. Nanginginig man ako, pinilit kong ihakbang ang mga paa ko patungo sa hospital.

Malapit na kami sa may nurse station ng mas lalong nanginig ang katawan ko dahilan ng pagbigay ng tuhod ko. Agad naman akong nahawakan ni Lloyd at hindi na muling binitawan pa. Nang tuluyan na kaming makalapit, agad nagtanong si Lloyd sa nurse. Dahil napansin nitong wala akong balak na magsalita.

"Miss, pwede ba naming malaman kung saan namin makikita si Mr. Louie Mondragon II?" Kinakabahan ako sa isasagot ng nutse kaya hindi ko maiwasang mapapikit.

"Wait for a while, Sir. Are you his relative?" tanong niti at tinype sa computer ang pangalan nito.

"I'm a friend and this is his wife." Halos hindi ko na marinig ang usapan nila dahil sa sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso.

"Binaba na po siya sa morgue about twenty minutes ago, Sir. Straight niyo nalang po ang daan dito." sabay turo niya sa isang hallway sa kaliwa. "Tapos baba lang po kayo sandali ng hagdan then lumiko po kayo sa..." Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nito ng napatayo ako bigla at hinampas ang table sa harapan ng nurse. Napatingin ang nurse sa akin ng gulat at makikita mo din ang paglatakot nito sa akin.

"Sino kayo sa tingin niyo na ilagay ang asawa ko sa morgue!" sigaw ko na nagpatulala sa nurse. Lumapit kaagad sa akin si Lloyd at pinapakalma ako. Pero tinabig ko lang siya at sumigaw ulit.

"He's not dead! Buhay ang asawa ko!Naiintindihan mo! Gusto kong ilipat niyo siya dito sa taas! Ngayon na!" Utos ko dito at tinulak pa ito ng maabot ko ang balikat nito.

"Calm down, Melissa. Please, hindi 'yan makakatulong sa 'yo." I cut him off.

"Calm down? Are you freaking kidding me, Lloyd? This girl..." turo ko sa nurse, "...is telling us that Louie is in that fucking morgue, for Christ sake! Tapos calm down!" nag-uumpisa ng mag-unahanan ang luha ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pakawalan. Mas lalo akong napahagulgol.

"Please, Lloyd, tell me that she is lying. Please," humahagulgol kong pakiusap dito.

"Ssshhh, I know it's hard to accept but it's the truth, Melissa. Wala na ang asawa mo." malungkot na sabi niya at hindi ako pinakawalan sa mga yakap nito. Nagpupumiglas ako habang sumisigaw. I even punch him everywhere pero hindi niya pa rin ako pinakawalan. Hanggang sa nanghihina na akong napahinto sa pagpupumiglas ko at tahimik nalang na umiiyak.

Ilang minuto pa akong tahimik na umiiyak sa dibdib nito bago ako nagsalita.

"I want to see my hus-band, Lloyd. I need to see him." Halata mo sa boses ko ang panginginig nito. Naramdaman ko ang pagtango nito at dahan-dahang pagkalas niya sa pagkakayakap niya sa akin. Inangat nito ang mukha ko na hilam sa luha at pinunasan ito. Kaso kahit anong punas nito ay hindi nito maampat ang dire-diretsong pagdaloy ng luha ko.

"Okay, just promise me one thing." Tumango ako kahit hindi ko naman alam kung ano 'yon. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makita ang asawa ko.

"Stay calm as possible, can you do that?" Tumingin siya sa akin ng malungkot at ng makita niyang tumamgo ako ay iginoya niya ako sa tapat ng table para magtanong ulit sa babae.

"Sorry for that, Miss, after the stairs? Saan kami didiretso?" Narinig ko ang paghingi nkiya ng paumanhin sa nurse bago siya nagtanong.

"I understand, Sir. Pagkababa niyo po sa hagdan ay lumiko po kayo sa kaliwa niyo. Third door po," sagot nito

Agad nagpasalamat si Lloyd sa babae at iginiya na ako papunta sa kong nasaan ang asawa ko.

Nasa tapat na kami ng pinto ng morgue. Halos himatayin ako ng pinihit na ni Lloyd ang seradura at bumukas ito. Pagkapasok namin, agad na tumambad sa akin ang higaan na may lamang tao kaso nababalutan ito ng puting kumot. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Wala na akong ibang makita kung hindi ang kama lang na nasa malapit sa amin. Nanginginig ang tuhod kong naglakad palapit dito habang hindi maampat ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko.

Nang nasa tabi na ako ng higaan, hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi. Pero mas nangibabawa sa loob ko ang malamang hibdi ang asawa ko ang nakahiga sa higaang ito. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at hinawakan ang kumot sa taas ng ulohan nito. Kahit wala akong lakas ng loob na ibaba ang kumot ay onti-onti ko itong nagawa.

Nang tumambad sa akin ang mukha ng asawa kong nakapikit at nakahiga sa higaang ito. Hindi ko naiwasang matulala habang umiiyak ng sobra. Hindi ko na maampat ang paghikbi at paghagulgol ko dahil hindi ako makapaniwalang siya ang nakahiga sa kamang ito.

"Lou-ie," humahagulgol kong sambit at dahan-dahang hinahaplos  ang malamig niya ng mukha. "No Lou-ie... No..." Huling nasabi ko bago ako nawalan ng malay.

Forevermore [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon