Chapter 9

3.9K 83 6
                                    

Melissa

Nagising ako sa haplos ng taong nasa tabi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ako at tumambad sa akin ang puting kisame at kapaligiran. Nang maalala ko ang nangyari ay mabilis akong napaupo sa kama. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Lloyd sa kamay at umiiling.

"You need to take a rest, Melissa. You passed out and sleep for almost two days now." Napamaang ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingin dito ng nagtatanong.

"Nasaan ang asawa ko?" Nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko ng maalala ko ang mukha ng mahal kong asawa.

"Maayos na ang lahat, naghihintay na siya sa 'yo sa bahay niyo." Masarap sanang pakinggan ang sinabi nito. Kaso ang isiping nasa kabaong na siya pag nagkita kami ulit ay sobrang sakit na sa puso ko at mahirap tanggapin.

"Iniwan niya ako and it's all my fault." umiiyak na sabi ko at hindi mapigilang sisihin ang aking sarili.

"It's not your fault, Melissa.
It's mine, kung hindi sana kita nilapitan noon. Hindi sana tayo aabot sa ganito." Nakayukong sabi nito at hindi makatingin sa akin.

"Gusto ko ng umuwi. I want to be with my husband now." seryosong sabi ko at pinunasan ang luhang lumalandas sa pisngi ko.

"Okay, just wait here and I'll talk to your Doctor." mabilis na sabi nito at agad ng tumayo para makalabas ng pinto.

Naiwan akong mag-isa at umiiyak nanaman. Kahit pilitin kong huwag lumuha ay 'di ko kayang magawa. Kusa itong bumabagsak pag naaalala ko ang asawa ko at kagaguhan nagawa ko sa kanya.

Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari. If I didn't cheat on him and wait him until he comes home. Hindi sana siya mawawala sa buhay ko ngayon. At sana masaya kami ngayon at hindi ako naghihinagpis.

Pagbalik ni Lloyd, wala na siyang makitang luha sa mga mata ko. Nakatulala nalang ako na para bang sobrang lalim ng aking iniisip. Nang magyaya na itong umalis dahil naayos na daw nito ang bill ko at pinayagan na kami ng doctor. Dahan-dahan akong tumayo sa kama at hindi na ito hinintay pa. Nauna na akong lumabas ng kuwarto at naglakad papalabas ng hospital. Naramdaman ko naman na nasa likod ko lamang siya at nakasunod.

Huminto ako sa bukana ng hospital at tahimik na sumulyap dito para magtanong.

"Where's your car?" walang emosyong tanong ko. Hindi ito nagsalita baglus inilabas niya ang isang susi at may pinindot dito. Napatingin ako sa kotseng nasa di kalayuan dahil tumunog ito.

Naglakad na kami papunta sa sasakyan. Nilagay niya muna sa compartment ang gamit ko bago niya ako pinagbuksan. Agad akong sumakay at tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Nang makapasok na din ito, agad na kaming umalis at umuwi.

Nang makarating kami sa bahay, agad akong bumaba at dahan-dahang naglalakad papalapit sa kabaong ng aking asawa. Hindi ko mapigilang hindi nanaman maiyak pagkakita sa litratong nakapatong sa ibabaw ng kabaong ng asawa ko. Nakatawa ito, naalala ko pa kung kailan ko nakunan ang litratong 'yan. Malungkot akong napabuntong-hininga at hinaplos agad ang himlayan ng aking mahal na asawa.

Niyakap ko ang kabaong ng asawa ko na para bang yakap-yakap ko din siya. Hindi ko alintana ang mga taong nakatingin sa akin. Ang importante lang naman sa akin ay mayakap ko ang asawa ko. Umiiyak ako at hindi ko na napigilang humagulgol.

"I-m so-rry, Hon. I'm really sorry, kasalanan ko ang la-hat. Sana ako na-lang ang nan-diyan at hin-di ikaw."  sisi ko sa sarili ko habang umiiyak. Naramdaman ko ang mga kamay na humahagod sa likod ko. Hindi ko napigilang lingunin ito dahil hindi ko ito kilala. May hawak itong maliit na box at marahang iniabot sa akin. Nagtataka man ay inabot ko ito at at inaya itong umupo sa malapit na upuan. Nakita ko naman sa di kalayuan si Lloyd, malungkot siyang nakangiti sa akin.

"Naiwan 'yan ng asawa mo sa inupahan niyang kuwarto sa amin. Sa dalawang linggo na paninirahan niya sa amin, kapansin-pansin ang halos oras-oras niyang pag-inom. Madalas din itong umalis at bumabalik ng halos hindi na makalakad." Mas lalo  akong napaiyak sa naririnig ko. "Noong nakaraang linggo, nagulat talaga ako ng makita ko na puro pasa ang mukha niya at halatang nakipag-away. Gusto sana namin siyang kausapin kasama si Papa kaso lagi pong nakakandado sa loob ang kuwaryo niya. Sinubukan din namin siyang katukin pero hinahagisan niya lamang ng bote ng alak ang pintuan kaya wala kaming magawa." Pagpapatuloy ng babaeng kaharap ko. Tumingin ako sa asawa ko at sa box na hawak-hawak ko ngayon. Marahan ko itong hinaplos at niyakap dahil ito ang mga gamit ng asawa ko bago ito namatay. Napatingin ako sa babaeng kausap ko ng magsalita ulit ito.

"Napansin namin ang hindi nito paglabas maghapon kaya nag-alala si Papa. Pinuntahan niya ito at sinubukang katukin, kaso walang sumasagot. Nagtaka si Papa kaya tinawag niya ang katiwala namin at nagpatulong na buksan ang pinto. Nang mabuksan namin, nagulat kami sa nakita namin. Nakahiga siya sa kama na nanghihina at puro dugo ang kanyang bibig. Dinala agad namin siya sa hospital kaso huli na kami." Hindi nakaligtas sa akin ang luhang lumandas sa pisngi ng babaeng kausap ko. Hindi ko matanggap na ganito ang sinapit ng asawa ko. Sana hinanap k9 din siya sa mga paupahang bahay o kaya naman sa mga hotel. Nagfocus lang kasi ako sa mga bar na lagi niyang pinupuntahan.  Mas lalo ko namang sinisi ang sarili ko.

"At bago siya mawalan ng hininga sa sasakyan, may huling mensahe siya na pinapasabi para sa inyo." Nagulat ako sa sinabi niya dahil may mensahe siya para sa akin. Umiiyak akong hinintay ang susunod pa nitong sasabihin. At napahagulgol na naman ako ng sobra ng marinig ko ang nais iparating ng asawa ko.

"Mahal na mahal ka daw po niya. Hanggang sa kamatayan." Huling sabi nito at niyakap niya ako. Iyak ako ng iyak sa nalaman ko. Kahit na anong ginawa ko sa kanya, mahal na mahal niya pa rin ako. Kumalas na ito ng yakap at nagpaalam na aalis. Napatango nalang ako dahil hindi ko pa kayang magsalita sa ngayon.

Tinignan ko ang box na hawak ko at binuksan ito. Tumambad sa akin ang wallet niya, susi, at iba pang mga personal na gamit. Naagaw ng pansin ko ang litrato naming dalawa sa isang puno habang nakatayo kami at magkayakap. Agad ko itong kinuha at pinagmasadan ang mukha ng asawa sa litrato.

Umiiyak lang ako at wala ni isang salita ang namumutawi sa bibig ko. Nanginginig ang kamay ko dahil sa sobrang pag-iyak at sakit na nataramdaman ko. Nabitawan ko ang litrato at nahulog, nagtaka ako dahil may nakasulat sa likod nito. Donampot ko ito at binasa ang nasa likuran. Napahagulgol ako at napayuko ako sa mga salitang nakalagay sa litrato. Masakit sa akin dahil kahit niloko ko siya, hindi nawala ang pagmamahal niya sa akin.

"I love you, Melissa, forever... Till I die." Mahinang basa ko ulit at hindi ko na kinaya ang sakit. Tuluyan na naman akong nawalan ng malay at dahan-dahang bumagsak sa sahig.

Forevermore [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon