Chapter 4

4.2K 84 28
                                    

Melissa

Days, months have passed. Pag kasama mo siya ang bilis ng araw pero pag magkalayo kayo, ang tagal lumipas ng araw. It's been ten months since umalis siya.

Bored na bored akong nakaupo sa mesa ng botique ko. When my phone beeped, napangiti ako at agad ko itong nilabas mula sa bag ko.

"Hey, wanna join me for lunch?"

Napangiti ako ng malapad ng mabasa ko ang mensahe galing kay  Lloyd. Agad akong nagtipa sa selpon ko para replayan ito.

"Sure, sunduin mo ako dito sa botique. I'm really bored right now."

Wala pang ilang segundo ng magreply agad siya ng okay. Sinimulan kong ayusin ang mesa ko bago ko inayos ang sarili ko pagkatapos.

I met Lloyd because of my regular client na laging umoorder sa akin. He was friendly and caring. After we met, lagi niya na akong dinadalaw dito sa botique at minsan sa bahay.

I know this is wrong, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog sa iba. We've been seeing each other for almost a month now. And I'm really happy when I'm with him. I don't know if this is a rebel side of me dahil magdadalawang buwan ng hindi tumatawag ang asawa ko sa akin.

Pumupunta ako lagi sa head quarters nila dito para makausap ko sana siya. Pero laging on field daw ang asawa ko kaya hindi ko siya makausap. Nag-aalala ako noong una hanggang sa makaramdam na ako ng galit sa ginagawa niya sa akin.

Sometimes, I felt like he was aware that I always call. I don't know kung iniignore niya lang ako at sinasadya niyang huwag akong tawagan. Hindi ko alam dahil wala ako sa katayuan niya sa ngayon. Two months of waiting and I feel like I'm tired and exhausted. Nakakasawa din ang umasa. Until now, wala pa din siyang tawag sa akin.

Nabalik ako sa huwisyo ko ng may humalik sa kanang pisngi ko. Napangiti ako at hinampas siya ng mahina sa braso niya.

"Naughty, Lloyd. Nananantsing ka na ha." natatawang sabi ko dito na ikinakibit niya lang ng balikat.

"I'm here for almost five minutes. Tinatawag kita but you seem so occupied. So, in order for you to notice me. Kiniss kita." Tumayo siya ng tuwid at umupo sa upuan sa harap ng mesa ko.

"Oo na po, wala na akong sinabi. Let's go?" aya ko at kinuha na 'yong bag ko sa may gilid.

"Buti nga sa pisngi lang kita kiniss eh." Bubulong-bulong na sambit nito sa mahinang boses kaya natawa ako. Ang hina nga ng pagkakasabi niya pero tamang-tama lang na maririnig ko ito.

"So, thankful pa pala ako?" nakangising tanong ko at nagpatiuna ng lumabas. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya at pagtalbo niya para pagbuksan ako ng pinto.

"After you, my gorgeous lady." nakangiting sabi nito at yumukod pa sa harap ko.

"Ohh... thank you so much, my King." umiiling na sagot ko bago pumasok sa loob. Nakita ko pa ang pagsilay ng ngiti niya bago siya umikot at pumasok sa driver side.

Pagkapasok niya, tinanong niya kung saan ko gustong kumain. Napaisip ako at napangiti ng may mabuong plano sa isip ko.

"Let's go to my place, ipagluluto kita." suhestiyon ko na ikinagulat nito at napapreno bigla kaya nainis ako dahil muntik na akong mapasibsob sa dashboard.

"What the! Lloyd be carefull! Kung ayaw mo sa suhestiyon ko then it's fine with me. My God! muntik na akong masubsob dahil sa ginawa mo." inis na bulalas ko at humarap dito na masama ang tingin.

"I'm sorry, my lady. It's the first time na nagsuggest ka sa bahay niyo tayo kakain. And I'm shock when I heard na ipagluluto mo ako." tulala pa ding sabi nito at igonilid ang sasakyan na kinalululanan namin dahil binubusinahan na kami ng mga nasa likod naming sasakyan.

"My God, Lloyd, 'yon lang ang ikinagulat mo. Muntikmo na ak9ng isubsob diyan sa dashboard mo?" naiiling na sambit ko at umayos na ng upo.

"I've met so many girls before I met you. Pero ni isa sa kanila hindi nagsuggest na ipagluto ko. Even my ex-fiancee," malungkot na saad nito. Napansin ko ang paglungkot ng mata niya ng mabanggot niya ang ex niya kaya iniba ko nalang ang topic namin.

"Is that so? I'm not like them, Lloyd. Daan muna tayo sa supermarket to buy some of the ingredients para sa lulutuin ko." Nakangiti na itong tumango sa akin at pinaandar na ulit ang sasakyan papuntang mall.

Nang makapamili na kami, agad na kaming pumunta sa bahay. Ilang minuto lang ang biyahe namin ng nada harap na kami ng bahay. Pinagbuksan niya muna ako bago niya kinuha ang pinamili namin sa compartment ng sasakyan niya.

Nauna na akong maglakad paakyat ng bahay para buksan ang pinto. Sumandal ako sa hamba ng pinto habang hinihintay siyang makaakyat at makapasok.

Sa ilang beses niya ng pagpunta dito, alam niya na kung saan niya ilalapag ang pinamili namin. Pinaupo ko na siya sa sala at binuksan ang tv para may mapanood siya. But he prefer to be in the kitchen. Para daw mapanood niya kung paano ako magluto. Hinayaan ko nalang ito sa gusto niya.

Nakasunod siya sa akin habang papasok na ako sa loob ng kusina. Tinanong niya sa akin kung ano ang puwede niyang maitulong. So, I let him peel the potatoes. Natatawa nga ako dahil ultimo pagbalat ng patatas ay hindi nito alam.

Tawanan kaming dalawa habang tinuturuan ko siyang magbalat. And he was so dedicated to lern how to peel. Nang makita kong alam na niya kung paano, iniwan ko na siya at pumunta sa sink ng lababo para hugasan ang karne.

Nang matapos na naming iprepare ang lahat. Tumabi siya sa akin habang pinagmamasdan akong nagluluto. Hindi ko maiwasang ngumiti ng maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko.

"I'm lucky to have you in my life." bulong nito sa tenga ko na nakapagpalawak ng ngiti ko.

Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa 'kin. Masaya ako ngayon dahil sa pinaparamdam niyang pagmamahal. At itetreasure ko ito hanggang sa makakaya ko. Maybe life gives us reason sa lahat ng nangyayaring pangyayari sa buhay natin. Masaya man ito o malungkot. Hindi ko muna iisipin kung babalik pa ba siya sa akin o tuluyan niya na akong kinalimutan.

Forevermore [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon