Messenger

19 2 0
                                    

Messenger
by: Krainexx

Sa messenger tayo nagsimula,
Nagpalitan ng mensahe sa isa't-isa,
At ngayon hindi na mabilang kung gaano ito kahaba,
Dahil sa dami na ng napag-usapan nating dalawa.

Kapag nakikita ko ang mensahe mo,
Na nasa messenger ko,
Hindi na mapakali itong puso ko,
At bumibilis na ang pagtibok nito.

Kasing bilis ng pagkahulog ko sayo,
Na hindi alam kung papaano,
Kung papaano kita ginusto,
Nagising lang ako isang araw ikaw na ang tinitibok ng puso ko.

Minsan gusto kong isipin na gusto mo rin ako,
Dahil parang may ibig sabihin ang mensahe mo,
Pero naisip ko,
Na wala pa lang ikaw at ako.

Hindi ako ang prayoridad mo,
Wala sa akin ang atensiyon mo,
At kailanman ay walang mabubuong "tayo",
Dahil kaibigan mo lamang ako.

Minsan napapa-isip ako,
Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ko,
Mahirap ba akong mahalin?,
Bakit hindi na lang ako ang iyong piliin?


Panahon na para ako ay matauhan,

Itigil na ang katangahan,
Sa pagmamahal ko na hindi mo pinahalagahan,
Sa pagmamahal na ako ang may pasan.

Gusto kong ipaalam ang nararamdaman ko,
Mahal kita mula pa nung ika'y maka-usap ko,
Pero ititigil ko na ang kahibangang ito,
Itong nararamdaman ko para sayo.

*****

Hope you like it 😍💕

Poems and PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon