BAKIT AKO TUMALIKOD

10 2 0
                                    

"BAKIT AKO TUMALIKOD"

*****

Nakita kitang may kasamang iba
Isang babaeng ubod ng ganda
Mukha kayong masaya
Nagtatawanan pa nga kayong dalawa

Mukhang masaya ka sa kaniya
Masaya ka sa iba
Kitang-kita ko sa iyong mga mata
Na gustong-gusto mo siya

Dahil sa sobrang sakit
Mata ko ay aking pinikit
Napabulaslas kung bakit?
Bakit ang sakit-sakit?

Hindi ko na kaya ang sakit na nadarama
Nung makita kitang masaya ka sa kaniya
Kaya ako ay tumalikod na
Tatalikuran na kita

Pinigilan kong magselos sa inyo
Pinigilan ang sarili ko
Inisip na magkaibigan lang kayo
Na walang namamagitan sa inyo

Pero ang hirap magbulag-bulagan
Kapag alam mo na ang katotohanan
Na talo ka na
Dahil may mahal na siyang iba

Nung tinanong mo ako
Kung bakit tumalikod ako
Lahat yan ay aking kinuwento
Dahil yan ang dahilan ba't ako tumalikod sayo

Pagod na akong makipag-unahan diyan sa puso mo
Dahil alam ko na talagang talo na ako
Dahil may iba ka ng gusto
Kaya tatalikod na ako

*****

Poems and PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon