Anong laban Ko?

3 0 0
                                    

"Anong laban ko?"
By: Krainexx

May gusto akong ipaalam sa iyo
Gusto kong malaman mo
Na ikaw ay mahal ko
Kaso nagdadalawang isip ako.

Dahil iba ang iyong gusto
May ibang tinitibok ang puso mo
Na Hindi ako ang gusto mo
Dahil iba ang mahal mo.

Miss kita
Pero may namimiss kang iba
Mahal kita
Pero 'di ako ang iyong sinisinta.

Maputi, Mayaman, Maganda
Mukhang magalang at palatawa
Yan ang mga katangian ng iyong sinisinta
Anong panlaban ko sa kaniya?

Ako'y isang simpleng tao lang naman
Hindi kagandahan
Hindi rin mayaman
Kaya wala talaga akong kalaban-laban.

Poems and PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon