Long Distance Relationship

35 2 0
                                    

Long Distance Relationship
By: Krainexx

Magkarelasyon nga tayong dalawa,
Ngunit hindi naman kita nakakasama,
Kailangan lamang natin ng tiwala,
Upang relasyon ay hindi masira.

Mahal kong nasa malayo,
Ako ay iyong-iyo,
Ikaw lamang ang mamahalin ko,
Kahit magunaw man ang mundo.

Mahal kong nasa malayo,
Alagaan mo ang sarili mo,
At protektahan ito,
Dahil bubuo ka pa ng pamilya kasama ako.

Pinapangako ko sa iyo,
Na ikaw lang at ako,
Mamahalin kita ng buong-buo,
Kahit magunaw man ang mundo.

Poems and PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon