Maling Desisyon

8 2 0
                                    

Maling Desisyon
By: Krainexx

*****

Nung gabing sinabi mong gusto mo ako
Naniwala ako sa iyo
Lalo na itong aking puso
Dahil matagal ko ng hinintay na mahalin mo rin ako.

Pero bakit parang may kakaiba?
Mahal mo ba akong talaga?
O baka naman ako'y pinaglalaruan mo lang pala?
Mahal kita kaya sana naman huwag kang paasa.

Nalaman ko ang totoo
Ginamit mo lang pala ako
Ako'y pampalipas oras mo lang pala
Ang tanga ko kasi minahal kita.

Napagdesisyunan kong layuan ka
Upang 'di na mas mahuhulog pa
Sa patibong iyong inihanda
Kaya iiwas na akong talaga.

Pero parang 'di nakatulong ang aking desisyon
Dahil kasing lalim na ito ng balon
Habang lumilipas ang panahon
Nahihirapan na akong umahon.

Poems and PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon