Bakit niyo tatanggalin?

16 2 0
                                    

"Bakit niyo tatanggalin?"

Wikang ating kinagisnan
Mukhang unti-unti ng nakakalimutan?
Tapos ngayon inyong tatanggalin at kakalimutan?
Ano ba talaga ang inyong dahilan?

Ito ay ipinaglaban
Ng mga bayani ng ating bayan
Mukhang nasayang lang naman
Ang kanilang pinaghirapan

Binuwis ang kanilang buhay
Para tayo ay mapalaya
Mapalaya sa mga kamay
Ng mga dayuhang nanakop sa ating bansa.

Ano ba talaga ang gusto niyo?
Na sakupin nila tayo?
Na tayo'y maging sunod-sunuran?
Na tayo'y maging alipin ng mga dayuhan?

Maaari naman nating matutuhan
Ang lengguwahe ng mga dayuhan
Kahit sa anumang paraan
Huwag niyo lang tanggalin ang wika ng ating bayan.

Poems and PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon