Pasensya

10 1 0
                                    

"PASENSYA"

Pasensya kung ganito ako
Pasensya kung di ninyo ako gusto
Pasensya kung minsan tinotopak ako
Pasensya kung may mga sandali na sumusobra na ako.

Pasensya kung ako'y maingay
Dahil tahimik lang kasi ako sa bahay
Sa paaralan lang naman ako nagiging masaya
Yun bang malayang nakakatawa.

Pasensya kung may mga araw na hindi ninyo ako maintindihan,
Pasensya kung paminsan ako'y lutang sa kawalan,
Kahit ako mismo sarili ko'y di ko maunawaan,
Ako rin ay naguguluhan.

Pero mukhang nasobrahan ata
Sa ugali ko'y ayaw n'yo na
Dahil ako ay kinaiinisan n'yo na
O baka naman sa aki'y kayo ay galit na.

Huwag kayong mag-alala
Aking sarili'y babaguhin na
Huwag lamang kayong magtataka
Kung parang may kakaiba

Mukhang masama na ang aking naidudulot
Baka sa aki'y kayo'y nagtatanim na ng poot
Kaya huwag kayong mabulagta
Pag ang kaharap ninyo'y ibang tao na.

Poems and PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon