"Madalas na Minsan"

395 2 0
                                    


"Surprise!" Malakas naming sigaw pagkabukas ni Arman ng pintuan ng kanilang kwarto. Agad namang pinatugtog ni Arnel ang kanyang gitara habang hawak-hawak ko naman ang maliit na cake na may naka sinding kandila at sabay-sabay kaming kumanta ng "Happy Birthday" song. Kasama ko noon sina Mike, Jonathan, Bonie, Japat, Xenon, Reny, Joshua at Gina.

"Wow! Salamat! Nag-abala pa talaga kayo!" Tugon ni Arman na halatang tuwang-tuwa naman ng makita kami. "Aba'y syempre kaya dapat malasing mo kami!" Bulalas ni Bonie. "Oo pare dapat uuwi kami ng lasing mamaya!" Dagdag naman ni Xenon saka sabay kaming nagsipagtawanan.

Bukod sa amin ay may mga nauna ng mga bisita si Arman, ang iba ay nakauwi na habang may isang babaeng naiwan na agad kong napansin, nakaupo ito sa may kama ni Arman habang kausap ang isang lalaki.

"Teka, isang selfie nga muna!" Wika ni Gina sabay taas ng selfie stick na kanyang dala. "Game!" Agad namang sigaw ni Joshua na agad lumapit sa gitna katabi ni Arman at ang iba pa, syempre dahil hawak ko ang cake ako na nasa pikagitna na para bang ako ang may kaarawan.

Nagsisiksikan kami sa isang maliit na kwarto nila Arman kasama ang iba pa nyang kasamahan sa kwarto iyon. May konting handaan, masasarap na pulutan at syempre hinding-hindi mawawala ang kantahan. Nagkataon namang walang pasok kinabukasan kaya't walang problemang mag walwalan ng buong magdamagan.

Habang abala na ang iba naming mga kaibigan sa kwentuhan, kantahan at inuman, nagkaroon ako ng pagkakataong makausap at makamusta si Arman. "Musta ka na pala? Tumatanda ka na talaga Arman!" Biro ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kaliwang balikat.

Napatingin sya sa akin sabay tawa bago nagsalita. "Aba'y kalabaw lang ang tumatanda hindi ang tao!" Sagot pa nya saka sabay kaming nagtawanan na para bang kami lang ang nagkakaintindihan. "Balak ko sanang mag bakasyon sa susunod na taon kaya lang wala pang sapat na ipon." Malungkot nyang tugon.

Napa buntong-hininga na lamang ako dahil alam ko kung ano ang nararamdaman ng aking kaibigan. Kahit nga ako ay hindi makauwi kahit gustong-guto ko na ring maka bakasyon sa Pilipinas. Sino ba naman ang ayaw makita at makasama ang pamilya? "Sino na naman ba yang dinala mong babae? Mukhang maganda ah!" Pa simple kong tanong sa kanya habang abalang kumakanta ang babaeng tinutukoy ko.

Napahalakhak na naman ng malakas si Arman sa tanong ko dahil alam nya kung ano ang ibig kong sabihin. Matagal na kaming magkaibigan kaya't kilala na namin ang isa't-isa lalo na pagdating sa mga kalokohan.

"Ah! Si Rita, bago kong kaibigan! Nakilala ko sya sa isang Mall noong nakaraang linggo ng mamili ako ng mga ipapadalang gamit sa Pinas." Pag kwento pa nya sabay tingin sa balikbayang box na nasa tabi ng kanyang kama. Halos mapuno na ito ng mga pasalubong.

Tulad ko, si Rita ay hiwalay din sa kanyang asawa at may isang anak ngunit kahit may edad na ito lumulutang parin ang angking ganda. Mahaba ang buhok, maputi at katamtaman ang pangangatawan at halatang masayahing tao.

"Iba ka! Ang tindi mo talaga pagdating sa mga babae, lakas maka Aga Muhlach. Basta ang mahalaga ay h'wag mong kalimutan ang pamilya mo sa Pinas at lalong h'wag mo akong tularan." Tugon ko pa sa kanya na may kasamang pag-alala.

May asawa at may dalawang anak na si Arman. Halos pitong taon na rin itong nagtatrabaho bilang waiter sa isang kilalang hotel dito sa ibang bansa. Mabait at responsableng ama si Arman sa kanyang pamilya.

"Maniwala ka, kaibigan ko lang talaga si Rita! Mas matino naman ako kesa sayo!" Pag depensa nya sa sarili. "Aba nagsalita ang magaling!" Agad na pag kontra ko sabay tawa ng malakas.

"Alam mo kaarawan ko ngayon kaya't dapat magsaya nalang tayo sa minsanang pagtitipon natin." Pag-iba nya ng usapan sabay hithit ng yosi. "Kampay! Kampay!" Sigaw pa nya. "Kampay!" Bulalas naman Xenon na halatang may amats na at sabay muli naming itinaas ang basong hawak naming may lamang alak.

"Aba Japat dinadaya mo yata kami ah! Kanina ka pa drawing ng drawing dyan! Hindi ka na imiinom ah!" Pagrereklamo pa ni Jonathan sabay tingin sa ginagawa ng kaibigan. "Chill ka lang bro dinu-drawing ko lang kayo at syempre ang birthday boy!" Tugon pa nya.

Madaling araw na kaming natapos mag inuman, kwentuhan at kantahan. Dahil sa ako'y lasing na minabuti kong doon na lamang magpalipas ng umaga sa bahay nila Arman habang ang iba naming mga kaibigan ay nakauwi na. Mabuti nalang at may isang bakanteng kama kaya't doon na nya ako pinatulog.

Paggising ko sa umaga'y bigla akong naalimpungatan ng makita kong hubo't hubad ang aking katawan at may katabi pa akong babaeng mahimbing na natutulog sa aking kaliwang bisig. Mabilis akong napatayo sabay dampot ng mga damit kong nahulog sa sahig at dali-dali ko itong sinuot.

Mabuti nalang at hindi sya nagising at hindi nabulabog ang mga taong natutulog sa sobrang lakas ng pagkabalikwas ko. Nang matapos akong magbihis ay dahan-dahan akong lumapit sa kama at muli kong tiningnan kung sino ang babaeng katabi ko sa pagtulog.

Laking gulat ko ng makita ko ang kanyang mukha. "WTF! Si Rita? Paano nangyari?" Paulit-ulit na sigaw ng aking isipan na hindi makapaniwala. Pilit ko mang inaalala ang mga nangyayari kagabi ngunit madalas hindi talaga natin maiiwasan na minsan may mga bagay tayo na nagawa kahit na hindi dapat. Hindi man ako mapakali ngunit huli na ang lahat.

-The End-

Short Story - Maikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon