Kung hindi ako nagkakamali naglalaro lamang sa 80-100 pesos kada araw ang bayad sa amin noon dahil mga minordeng edad pa lamang kami at nagnanais na magkapera pambili man lang sa gusto naming bilhin na pagkain bilang mga bata at pambaon na din sa skwelahan.
Kung galante naman ang may-ari ng sakahan may palibreng snacks na "Diyoy" na tinapay at may kasamang softdrinks na Coca Cola o di kaya Royal Tru Orange. At may kasama pang tanghalian na ang ulam ay "Sardinas na may sahog na Odong at may kasama pang dahon ng Malunggay". Super busog at sobrang thankful na kami dun.
Mainit lalo na kapag matirik ang sikat ng araw, sakit sa braso at likod ngunit hindi namin ininda iyon bagkus ay patuloy parin ang aming pagtatrabaho imbes na maglaro. Ang mahalag ay magkakapera kami, di bale ng mababad kami sa init.
Pagkatapos naming magtanim ng palay ay takbuhan agad papuntang dike/kanal sabay talon para linisan ang buong katawan, mukha, damit at buhok na puno ng makakapal na putik. Kasabay noon ay maglalaro na rin kami sa tubigan.
Kaway-kaway sa mga kababata ko na nakaranas nito. Mapalad tayo at nabigyan tayo ng pagkakataong maranasan ang ganitong klaseng paghahanapbuhay sa murang edad.
-January 15, 2020 11:10AM
BINABASA MO ANG
Short Story - Maikling Kwento
RandomMga kwentong may katotothanan at ang iba'y kathang isip lamang. :)