TWO days before he left us nag-uusap kami ni Tatay while we were both lying in his bed about his situation, convincing him to fight against his liver cancer. Ngunit halatang pinanghinaan na sya ng loob and he told to me slowly. "Di ko na kaya". Sabay hinga ng malalim.
Di ko na napiligan ang mga mamumuong luha sa aking mga mata. Ang kaba na aking nadarama because I know anytime soon mawawala na sya sa piling namin. But still I was hoping na sana may milagro, may angel that will heal him from his pain. Alam kong mahal sya ng Diyos at gagawin nya ang nararapat para sa aking mahal na ama.
I tighly hold his hand and told him. "Kayanin mo Tay, alam kung di ka pababayaan ng Panginoon, at nandito lang kami para sayo, malalagpasan mo din ang lahat ng ito". Tumango lang sya sign na nag agree sya sa mga sinasabi ko. Pero kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung gaano ka hirap ang sitwasyong pinagdadaanan nya.
That time magkatabi kaming natutulog dahil ako ang nagpapalit ng diaper "for adults" na nakatakip sa butas ng kanyang tiyan, ang labasan ng tubig at taga paypay na rin sa kanya dahil sa sobrang init ng kanyang pakiramdam hanggang sa makatulog sya ng mahimbing.
Minsan naman ay mentally blocked sya at one time pa nga noong ako ang nagpapakain sa kanya ng lugaw, tinanong ko sya kung kilala pa ba nya ako. Tumingin sya sa akin sabay sabi. "Oo naman, ikaw si Ronelo". Di ko maipaliwanag ang tuwang aking nadarama, sobrang na antig ang puso ko at least in the last moment of his life he still remembers me. Then I silently cried.
He can't stand alone, walk, eat properly, even to drink his milk and water and sleep very well. Palaging malaki ang kanyang tiyan at naninilaw ang mga mata pati kamay nya. May mga oras ding nagsasalita sya ng hindi namin naiintindihan. Lagi nyang hinahanap sa amin ang mga taong mahal nya sa buhay na wala na sa mundong ibabaw.
Nakakaawa kung sya'y iyong tingnan dahil hindi nya deserved ang ganoong sakit. Lalong hindi nya deserved ang magdusa. Wala sinuman ang gugustuhing magkaroon ng anumang sakit. Lahat tayo ay nangangarap ng malulusog na pangangatawan ngunit sadyang katawan natin ay babagsak nalang ng hindi natin namamalayan.
Kahit kami ay hindi namin inaasahan na magkakasakit si Tatay dahil alam namin sa aming mga sarili na napakalakas ng aming ama. Sirugo nga ay matagal na nyang iniinda ang sakit nya ayaw lang nyang magpapahalata. Ayaw nya siguro maging pabigat pa kaya hinahayaan na lamang nya at pinapaubaya sa itaas.
On June 17, 2009 at around 2pm ng tuluyang binawian ng buhay ang aming pinakamamahal na Tatay. Nagkakagulo kami sa bahay, I was there noong nag-aagaw buhay sya at dinig na dinig ng dalawa kong tenga ang kanyang "Huling Hininga".
Sobrang napakasakit sa pakiramdam, ang daming katanungan na naglalaro sa aking isipan, kung bakit sya pa? Sya pa na napakabait at matulungin na tao. Mapagmahal na anak, kapatid, asawa at ama. Ngunit sa kabila noon ay alam naman nating lahat na walang pinipili si kamatayan.
Hindi ko lang maimagine kung paano kami magsisimula without him. Everytime na may makikita akong nagpapaalala sa kanya sabay bumabagsak ang luha sa aking mga mata. Nanghihinayang ako dahil alam kong marami pa syang plano at pangarap sa aming pamilya. Marami pa sana kaming bondings together na gagawin. Ngunit hindi na mangyayari ang lahat ng iyon dahil wala na sya sa piling namin.
It took me years bago ko natanggap na wala na sya totally sa buhay namin. Kaya siguro panay ang dalaw nya sa aking panaginip dati, hindi sya mapakali dahil ang totoo ay hindi ko pa sya pinalaya sa piling ko. Napakalapit ko kasi sa kanya kaya siguro ganoon na lamang katagal bago ko natanggap na wala na talaga sya.
Sa ngayon tanging mga alaala na lamang ang aming pinanghahawakan at iniingatan na yaman galing sa kanya. Malungkot man dahil hindi na kumpleto ang aming pamilya, pilit parin kaming bumabangon para sa panibagong yugto na wala sya. Alam naman naming masaya na sya ngayon kasama ang ating Panginoon.
-April 25, 2020 4:21PM
BINABASA MO ANG
Short Story - Maikling Kwento
RandomMga kwentong may katotothanan at ang iba'y kathang isip lamang. :)