Balik Tanaw: Pandesal

147 2 0
                                    

Nasa Grade 5-6 yata ako noon ng magkaroon ng kauna-unahang Bakery sa Barangay namin na pagmamay-ari nila Mano Momet Menil. Isa ako sa mga naglalako ng Pansesal tuwing umaga bago pumasok sa eskwelahan.

Ang laman ng isang kahon ay naglalaro sa 500-1,000 piraso depende sa dami ng lulutuin. Sa bawat 100 piraso na mabenta namin meron kaming 10 pesos na kita. Malaking bagay na iyon para sa katulad ko na gustong kumita lalo na pag nauubos namin ang aming paninda.

Alas kwarto pa lang ng umaga habulan na kami papuntang Bakery di alintana ang tahol ng mga aso at minsan pang nakipag karera sa amin. First come first serve basis kasi kaya malas ka kung kaunti lang ang madatnan mong laman ng kahon kaya minabuti namin ng mga kaibigan ko na agahan ang pagpunta para makabenta kami ng marami at kikita ng malaki.

Kasama ko palage noon si Dodong Polit at minsan si Eking, ang mga matalik kong kaibigan. At ang partner in crime ko na si Palaka na madalas kong makaaway kasi madamot at hindi kami tinutulungan. Ahahaha. At ang mortal naming kalaban na si Eloy kasi dalawang kahon palage ang pasan-pasan samantalang kami tig-iisa lamang.

Lubutin muna namin ang Sagbayan, tapos punta ng Carromata at Sta. Cruz saka balik ulit sa Sagbayan kung ubos na. Dapat hindi kami uuwi na hindi ubos kasi sayang ang aming kikitain kaya tulungan kami sa paglalako.

Minsan naman aabutan kami ng ulan sa daan lalo na pag masungit ang panahon kaya takbuhan kami sa sagingan upang kumuha ng dahon ng saging saka gawing payong. Para kaming mga basang sisiw ang mahalaga ay hindi nabasa ng ulan ang mga pandesal.

Nagagawa pa kaya ito ng mga kabataan ngayon? Nakakamiss maging bata muli at kay sarap balik-balikan ang mga nakaraan.

-January 22, 2020   11:26AM

Short Story - Maikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon