"Tunay na Buhay"

2.5K 3 0
                                    


BUWAN ng Desyembre taong 2014 ng makumpirma kong may hindi kanais-nais na dumapong sakit sa aking katawan na apektado ang aking kanang balakang dahilan kung saan hindi na ako makalakad dulot ng sobrang sakit at may kasamang kirot.

Biglang gumuho ang aking mundo na hindi ko alam kung paano harapin ang lahat ng pagsubok sa mga panahong iyon. Tila ba'y lalong akong nalumpo dahil sa magkahalong emosyon at takot na baka hindi na ako makabalik sa dati. Natakot na baka hindi ko na magawa ang lahat ng mga pangarap ko lalo na sa larangan ng isports.

Pansamantala akong nawala sa karerahan habang patuloy na nagpapagaling hanggang isang umaga dumating ang pagkakataong kaya ko ng ihakbang ang aking mga paa kahit na dahan-dahan. Nabuhayan ako ng lakas ng loob at patuloy na humihingi ng tulong sa itaas na sana ay tuluyan na nga akong makalakad.

Dahil bawal akong tumakbo kaya ang tubig ang aking naging kanlungan. Hindi pa man ako lubusang gumaling ngunit ibig kong ipakita sa aking sarili na hindi hadlang kung ano man ang kulang. Pilit kong nilalabanan ang bawat kirot na gumagapang sa aking kanang balakang kahit na minsa'y isipan ko'y gusto ng bumitaw.

Hanggang isang araw sinubukan kong sumali muli sa karerahan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na sa takbuhan kundi sa languyan. Lubos ang aking pasasalamat sa ating Panginoong Hesus dahil kailanman ay hindi nya ako iniwan bagkus ako'y kanyang inalalayan.

Hindi pa man talaga ako lubusang gumaling ngunit may nakikita na akong maliit na sinag ng araw na alam kong ito na ang daan patungo sa panibagong pag-asa na aking dadaanan.

Maraming salamat po sa lahat ng mga tumulong, sumuporta, nagdasal at hindi nang-iwan. Ito na po ako ngayon unti-unti na pong gumagaling ang sira kong gulong at naghahanda para sa panibagong hamon.

Short Story - Maikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon