"Malaya"

757 2 0
                                    


HINDI ko na maipaliwanag ang sayang aking nadarama ng marinig ko ang mga katagang ito "Mabuhay sa pagdating sa Paliparan ng Ninoy Aquino International Airport!" ng aking sinasakyang eroplano dahil alam kung nasa teretoryo na ako ng bansang Pilipinas. Dali-dali kong kinuha ang bagahe kong nasa ibabaw ng aking upuan saka inayos ang sarili.

Agad kung hinanda ang mga papeles na dala ko para sa immigration check dahil wala akong hawak na pasaporte. Matapos maayos ang lahat ay agad akong lumabas ng paliparan na para bang gusto ko ng makauwi agad sa bahay naming nasa Rodriguez bayan ng Montalban.

Nag taxi na ako pauwi dahil may extra money pa naman akong allowance galing ng embahada at pabaon din ng iba kong mga kasama para sa akin. Mabuti nalang at madaling araw na kaya hindi ganun kalala ang trapik sa daan at agad akong nakarating sa bahay namin.

Aktong kakatok sana ako sa pintuan ng aming bahay ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako sa aking nakita, hindi ko alam kung iiyak ba ako o matutuwa ng makita ko ang aking asawa na noo'y mamasada na sana papuntang palengke. Nagkatitigan muna kaming dalawa at hindi agad nakapagsalita.

"Mahal ko! Nandito na ako! Nandito na ako!" Mangiyak-ngiyak ko pang banggit sabay bitaw ng hawak-hawak kong maleta saka ko sya niyakap ng mahigpit na mahigpit. "Sobrang miss na miss na kita at ang mga anak natin!" Dagdag ko pa na hindi ko na naiwasang mapahagulhol sa iyak.

"Mahal ko! Salamat sa Diyos at pinagkaloob nya sa akin ang aking mga kahilangang sana'y uuwi ka dito sa atin! Ngayon ay kasama na kita at hindi ka na pwedeng umalis pa." Aniya ng aking asawa na gumanti din ng mahigpit na yakap saka pinaghahalik halikan ang aking mukha. "Salamat sa Diyos!" Paulit-ulit pa nyang banggit hanggang sa nabulabog na namin ang aming mga anak na mahihimbing pang natutulog.

Taong 2011 ng nilisan ko ang bansang Pilipinas para sa maraming pangarap para sa aking mahal na pamilya. Ako po ay isang magulang at asawa na mas piniling manilbihan sa mga dayuhan kesa sa aking sariling pamilya. Salungat man ito sa aking puso't isipan ngunit ito lamang na naisip kong paraan upang matustusan ko ang kanilang mga pangangailangan.

Magkahalong lungkot at saya ang aking nararamdaman noong ako'y papasok na ng paliparan. "Mag-iingat ka doon mahal!" Halos hindi na banggit-banggit ng aking asawa ang mga salitang iyon dahil nilamon na sya ng kanyang emosyon. "Salamat din mahal!" Bulong ko naman sa kanya sabay yakap ng mahigpit na mahigpit dahil alam kong iyon na ang huling yakap ko sa kanya matapos ang dalawang taong kontrata.

"H'wag mong pabayaan ang ating mga anak!" Bilin ko pa na lalong nagpapabigat sa aking puso. Mabuti nalang at hindi namin kasama ang aming mga munting anghel sa mga oras na iyon dahil alam kong mas mabigat sa pakiramdam. "Mahal na mahal kita at ang mga anak natin!" Pagpapatuloy ko pa habang patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga mata.

Alam kong matapang at malakas ang aking asawa ngunit sa pagkakataon iyon ay bigla syang nanghina at napapaiyak. Muli syang yumakap sa akin ng mahigpit na mahigpit sabay halik ng paulit-ulit sa aking noo. "Mahal na mahal kita! Maghihintay kami sa iyong pagbabalik!" Mahinahong tugon nya.

Nanibago ako ng ako'y makarating sa bansang pansamantala kong tirahan. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko, kung tama bang iwan ko ang aking asawa at mga anak? Pero inisip ko nalang na para din sa kanila ang lahat ng ito at hindi lang para sa akin.

Nanilbihan ako bilang isang kasambahay sa isang prominenting pamilya na hindi ko lubos akalaing magiging empyerno pala ang aking buhay. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos walang gabing hindi ako umiiyak dahil sa masalimuot kong pinagdadaanan. Alam kong mahirap ang aking trabaho ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ako napilitang tumakas.

Short Story - Maikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon