Chapter 2
~°~Kanina pa tapos ang klase ni Henry. Nagtext sa kanya si Ella na hindi ito makakasabay dahil may dadaanan pa raw ito kaya naisipan niyang maglibot.
Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya isinilong muna niya ang kotse sa lilim ng isang puno na malapit sa kanilang eskwelahan. Maya maya natanaw niya ang isang babaeng tumatakbo sa ulan papunta sa waiting shed.
"Teka, si..." Hindi niya pa pala alam ang pangalan nito. Matamang tiningnan niya ito. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Kahit pala sa malayo ay maganda pa rin siya . Anang isip niya.Walang anu-ano'y nakita niyang may isang lalaki ang lumapit sa dalaga. Akala niya ay ordinaryong tao lang na naghihintay ng masasakyan pero--... nakita niya kung paano nito hinawakan ang dalaga.
"Mukhang hindi ito gagawa ng mabuti ah." Sa isip niya.Agad niyang inistart ang makina ng kotse at lumapit sa shed. Agad siyang bumaba at hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.
"Hoy!" Sigaw niya. Nakita niyang nagulat ang lalaki at nabitawan nito ang dalaga. Sinamantala niya ang pagkagulat nito at agad na sinugad at inudayan ng suntok. Nakita pa niyang umiiyak na sumiksik sa gilid ng shed ang dalaga.
"Pumasok ka na sa loob ng kotse!" Utos niya rito. Agad namang tumalima ang dalaga na takot na takot sabay pulot sa bag niyang nabitawan ng holdaper.Hindi niya namalayan na nakatayo na pala ang holdaper kaya hindi niya nailagan ang suntok nito. Agad naman siyang nakabawi at hindi ininda ang putok niyang labi.
Akmang sasaksakin siya ng holdaper ngunit nahuli niya ang kamay nito at agad pinilipit at inundayan ng sipa at mag-asawang suntok. Tulog ang holdaper.
Agad niyang itinawag sa pulis at agad naman silang nagresponde.
Nang makuha na ng mga pulis ang holdaper ay agad siyang nagtungo sa kanyang kotse. Nakita niyang nanginginig pa rin ang dalaga at nakayukong humihikbi.
"Sshhh." Pang-aalo niya. "Tahan na. Ligtas ka na." Napansin niyang basa ito. "Basa ka ah." Inabot niya ang jacket sa likod ng kotse at agad ibinalabal sa dalaga.
"Kahit maibsan kahit kaunti ang lamig." Sabi niya. Napatingin sa kanya ang dalaga at pilit na ngumiti.That's smile. Kahit alam niyang pilit lang pero bakit napakaganda pa rin niya?
Nais niyang batukan ang sarili dahil kung ano ano na ang naiisip.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"M-medyo o-okay na. S-salamat."
"Mabuti naman. Ihahatid na kita sa inyo. Saan nga pala ang address mo?"
Sinabi nito kung saan ito nakatira.Nang nasa tapat na sila ng bahay nito ay agad siyang umibis ng kotse at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Maraming salamat."
"Walang anuman. Sigurado ka bang okay ka na?"
Tumango ito. Tsaka ulit ngumiti.
"Hmm. A-ano nga ulit ang pangalan mo?" Nahihiyang tanong niya.Ngumiti na naman ito. Bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ganito ang epekto ng ngiti niya sa akin?
"Diana. Diana Manrique."
Diana. Kaygandang pangalan. Kasing ganda ng nagmamay-ari nito.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETED]
RomanceDiana dreamed of only one thing, to be with, and marry the man she loves the most. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. An unexpected tragedy happened that would cause them to be separated. Does her dream still have a chance to come true or it will...