Chapter 16~•~
WALANG TIGIL sa ginagawa si Diana kahit pa nananakit na ang kanyang pulsuhan. Pilit pa rin niyang pinaluluwang ang pagkakatali ng mga kamay niya. Pero sadya talagang mahigpit ang pagkakagapos nito at mahihirapan siyang kalagan ito.
Mabuti na lang at wala na siyang piring sa mga mata kaya malaya niyang mabistahan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan niya.
Isa lang ang pintuan nito na nasa bandang likod niya. Wala kahit isang bintana at tanging mga maliliit na butas lang ang makikita. Sigurado siyang isa itong lumang bodega.
Iginala niya ang paningin sa paligid, umaasang may makikita siyang ibang daanan maliban sa pintuan ngunit laking pagkadismaya niya nang wala talaga siyang makita.
She close her eyes and silently prayed. Ipinagdarasal niya na sana mahanap siya ni Henry.
Nanatili siyang nakapikit.
She never imagined that this will happen in her precious wedding day. Bakit siya pa? Ano ba ang naging kasalanan niya't ganito ang nangyayari sa kanya? All she wants is to be happy, masama ba iyon? Masama ba ang maging masaya? Maging masaya sa piling ng mga taong pinakamamahal niya?
Suddenly, that incident happened two years ago pop up on her mind. May kinalaman ba 'yon sa nangyayari ngayon?
Pero bakit? At sino?
Sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang atraso sa kung sino man. Bakit parang sukdulan na yata ang pagkamuhi nito sa kanya?
Napapitlag siya nang bumukas ang pinto.
"Pakawalan n'yo na ako, please." Aniya sa pag-aakalang isa lang sa mga bantay ang pumasok.
"Kumusta ka na, Diana?" Lalo siyang nagulat nang marinig ang boses ng kung sinumang pumasok. Hindi siya maaaring magkamali!
Wala sa sariling napalingon siya dito .Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ito.
"Ella." Nabuhayan naman siya ng pag-asa. Nandito ba ito para iligtas siya? Nasundan ba nito ang mga kumuha sa kanya? "Paano ka nakapunta dito? Ang mga bantay, paano mo nalusutan?" Sunod sunod niyang tanong.
Hindi siya nito sinagot bagkus ngumisi ito ng nakakatakot. Kakaibang kaba ang bumundol sa dibdib niya.
"Ella, bakit nakatayo ka lang diyan?" Naglakad naman ito papunta sa harapan niya. "Kalagan mo na ako. Kailangan natin makatakas. Delikado dito."
Tiniggan lang siya nito saka ngumisi. Ngising ngayon lang niya nakita sa kaibigan. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas saka inilapit ang mukha sa kanya.
"Do you really think na nandito ako para iligtas ka?" Nagimbal siya sa tanong nito.
"N-nagbibiro ka l-lang, hindi ba?" Kahit nanginginig na siya ay pilit pa ring kinakalma ang sarili. "Hurry up, Ella. Baka may pumasok pa at makita ka."
"No." Lumungkot ang ekspresyon ng mukha nito. Binitawan niya ang baba niya saka ito naglakad at pinaikutan siya. Inilapit nito ang mukha sa tainga niya at bumulong. "Dito ka mamamatay."
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETED]
RomanceDiana dreamed of only one thing, to be with, and marry the man she loves the most. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. An unexpected tragedy happened that would cause them to be separated. Does her dream still have a chance to come true or it will...