Epilogue

113 5 2
                                    

A/N: Hello! I just wanna say thank you sa lahat ng naligaw na nagbasa at sumubaybay hanggang sa huli (naks! hahaXD). Thank you dahil pinaglaanan n'yo po ng oras itong kwento ko.

So, ito na ang last part. See yah sa susunod ko pong story. Kamsahamnida!! 😘😘❤

~•~

Epilogue

~•~

"MOMMY!"

Napatingin si Diana sa apat na taong gulang na batang babae na tumawag a kanya, ang kanyang munting princesa. Pumasok ito sa kwarto kasunod ang kanyang ina.

"Naku, hindi ka na mahintay ng anak mo sa labas kaya pinuntahan ka na niya dito." anang kanyang ina.

Napangiti siya. "Ang baby ko talaga," pinanggigilan niya ang pisngi nito at lalo siyang napangiti nang humaba ang nguso nito.

"I am not a baby anymore, mommy. I'm a big girl now."

Natawa siya. "But, you're still my one and only baby." Hinalikan niya ang noo nito.

Nagulat pa siya ng hilain siya nito. "Hurry up, mommy! Daddy's waiting!"

Noon lang niya naalalang may pupuntahan nga pala sila. Natatawang nagpahila na lang siya sa kanyang anak palabas ng kwarto.

Nang makalabas sila ng bahay ay agad na binitawan ng kanyang anak ang kamay niya at patakbong lumapit sa lalaking naghihintay sa kanila, ang kanyang asawa.

"Baby, slow down!" Naiiling na lang siya nang muntik na itong matisod. Mabuti na lang at malapit na ito sa daddy niya.

"Hey, hon." Nakangiting bati ng asawa nang makalapit siya. Hinalikan siya nito sa labi. "Kanina pa naiinip itong prinsesa natin."

Napangiti siya. It's been 5 years. Limang taon ang matuling lumipas. Parang kailan lang, iyong gabing inakala niyang mawawala na ang lalaking pinakamamahal.


"H-hon? No!" Lalong napahagulhol si Diana nang ipikit ni Henry ang kanyang mga mata at nalawan na ng pwersa ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya.

Mabuti na lang at hindi nagtagal ay dumating na ang ambulansya at agad na naisugod sa pinakamalapit na hospital ang magkapatid.

You're Still The One  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon