Chapter 11

56 2 0
                                    


Chapter 11

~°~


Pinahid nuya ang kanyang mga luha at tumayo. "Si Henry kaya. Kumusta na kaya siya?" bulong niya sa sarili. "May asawa na kaya ito." Kinapa pa niya ang dibdib. Mahal na mahal parin niya ito. Pero hindi pa siya handang magpakita sa kanila.

~~ "Hindi ka pa ba magpapakita sa pamilya mo, Diana?" tanong ni Nana Bising sa kanya.

Kausap niya ito sa cellphone. Habang nasa Maynila siya ay nakacheck in muna siya sa isang hotel. Kahit papaano may ipon naman siyang pera galing sa ibinibigay ng mag asawa noon. Nakabili rin siya ng cellphone niya.

"Hindi pa yata ako handa, 'nay." Sagot niya. Napabuntung hininga siya.

"Ikaw ang bahala anak pero sana magpakita ka na. Alam kong nangungulila pa rin sila sa pag aakalang patay ka na."

"Sige po 'nay. Magpapakita po ako sa kanila." At tinapos na niya ang kanilang pag uusap.

Alam nyang hindi pa rin nakamove on sa pagkawala nya ang mga magulang. At pati kay Henry. Bakas sa mukha nito ang labis na pangungulila sa knya. Nkita nyaa ito ng minsang nagpunta sya sa bahay nila. Naglilinis ito noon ng knyang kotse. Nkita rin nya si Louella. Mukhang masaya ito. Ito lng yata ang nakamove on.

~~~Ilang araw din ang pinalipas nya bago nagdesisyong magpakita sa mga magulang nya. Nag alangan pa syang pumasok sa gate. Nakabukas kasi ito. Nakalimutan siguro nilang isara. Pagdating nya sa may pinto ay kumatok sya. Pagbukas ng pinto. Ang yaya Belen nya ang nabungaran nya. Nagulat ito ng makita sya.

"Yaya!!" Masayang bati nya. Napakurap naman ang matanda. Kinusot pa ang mga mata. "Yaya ako to, si Diana."

"Diana, ikaw nga ba yan anak?" Nagtataka pa ring tanong nito. "Ako nga po."

"Pero.. Hindi ba't----.."

"Buhay ako yaya. Buhay na buhay." Nakangiting sagot nya. Nag alangan pa ang matanda. Pero dahan dahan nyang pinisil ang ilong nya.

"Totoo ka nga!" Nasambit nito. "Buhay ka, Diana. Hindi ako nananaginip lng." Masayang sambit nito.

"Hindi nga yaya. Sina mommy asan ?"

"Nasa taas sila. Halika, pumasok ka na. Anong nangyari sa'yo.?"

"Mahabang istorya po."

" 'ya belen, sino yan.?" narinig nyang sinabi ng mommy nya. Ngumiti sya dito.

"Mommy!!"

"Diana.?"

"Ako nga 'my." Agad syang tumakbo at niyakap ang ina. Hindi nakakilos ang ina. Nagulat kasi ito. Natauhan lng ito ng magsalita sya. "Miss na miss ko na kayo ni daddy,mommy." Umiiyak na sabi nya. Nkita nyang pababa naman sa hagdan ang ama. Dali dali itong bumaba ng makita sya.

"Diana, anak." Lumuluhang sabi ng ina.

"Buhay ka." Kumalas sya sa pagkakayakap sa ina at lumapit sa ama.

"Daddy." Niyakap nya ito. Niyakap nya ulit ang ina. Nagyakapan silang tatlo. Nang mahimasmasan ang mga ito ay naupo sila sa may sala.

You're Still The One  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon