Chapter 18

78 3 0
                                    


Chapter 18

~•~

WALANG INAKSAYANG oras at panahon sina Henry at Michael. Agad silang tumawag ng mga pulis at agad na tinungo ang address na sinabi ng matandang taxi driver.

Base na rin sa sinabi ng matanda, mahigit isang oras ang byahe hanggang doon. Inihinto nila ang kani-kanilang mga sasakyan sa 'di kalayuan mula sa kinakalawang na gate upang hindi maalarma ang mga nandoon sa loob.

Mula sa kinatatayuan nila ay tanaw nila ang isang abandonadong bodega.

Puwesto naman ang mga pulis.

Iginala ni Henry ang paningin. At dahil magtatakip-silim na ay hindi na masyadong maaninag ang paligid. Idagdag pang walang ilaw doon at malayo sa mga kabahayan ang lugar na iyon.

Tanging ang malamlam na ilaw na nagmumula sa bodega ang kanilang nakikita.

Napakunot ang noo niya nang mapansin ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa loob ng gate. Mukhang pati si Michael ay doon din nakatingin.

"That car is damn familiar." anito.

Bigla namang sumalakay ang kaba sa dibdib ni Henry nang mapadako ang paningin niya sa plate number nito.

Patakbo ngunit maingat itong lumapit sa may gate at nagkubli sa mataas na poste doon. Rinig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Michael ngunit hindi na niya pinansin. Gusto niyang makasiguro.

Napatingin ulit siya sa plate number ng kotse at halos magkadikit na ang kilay niya dahil sa pagsasalubong ng mga ito.

Ano'ng ginagawa ng kotse ni Louella dito?

"Kotse ni Louella 'yan, hindi ba?" Hindi niya namalayang nakalapit na pala si Michael sa kanya.

No. It can't be.

Sh*t. Hindi. Hindi maaari.

Pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isip ang bagay na iyon. Ayaw niyang isipin na may kinalaman ang kapatid niya sa pagkawala ni Diana at Camille, kung nandoon man sa loob ng bodega ang dalawa.

Akmang itutulak na ni Henry ang gate upang buksan nang magsalita si Michael.

"Dude, ano'ng ginagawa mo?"

"Papasok ako."

"Naman. Wala pang order ang mga pulis!"

"Ayokong maghintay dito--" Naputol ang sasabihin niya nang makarinig sila ng putok ng baril. Nanggaling ito sa loob ng bodega!

"Diana! Sh*t!"

"Henry!" Hindi na napigilan ni Michael si Henry nang mabilis itong pumasok sa loob ng gate.

Naalarma naman ang mga nagbabantay sa labas ng bodega at agad na pinaputukan si Henry. Mabilis naman siyang nakapagkubli sa isang malaking puno.

"May nakapasok!" Sigaw ng isa sa mga bantay. Nagsimula na ring makipagpalitan ng putok ang mga pulis.

"Tang*na! Mga pulis!"

You're Still The One  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon