Chapter 15
~•~
"NAKAHANDA na ba ang mga binayaran mong mga tauhan?" Seryosong nakatingin ang babae sa lalaking kausap.
"Handa na sila, Miss. Utos n'yo na lang ang hinihintay." Sagot naman ng lalaki.
"Good," humithit muna ito sa sigarilyong hawak bago nagpatuloy, "Kapag nagtagumpay kayo sa pagkuha sa kanya, dalhin n'yo agad dito. Susunod na lang ako. For now," she paused and smirk, "I gotta go."
"Pupunta kayo sa kasal, Miss?"
"Malamang! Makakahalata sila kapag hindi nila ako nakita doon." Kinuha nito ang baril sa drawer at inilagay sa clutch bag na dala. "This time, make sure na hindi kayo papalpak."
"Areglado, Miss."
Naglakad ang babae at tinungo ang pinto.
"It's time to attend the wedding, a very lovely wedding that will turn into a nightmare. Soon, Henry will be mine." Isang malutong na halakhak ang pinakawalan nito bago sumakay sa kanyang kotse.
THIS IS the day, Diana and Henry's wedding day. Napakaganda ng dekorasyon ng simbahan. Napapaligiran ito ng mga bulaklak, mula sa labas ng simbahan patungo sa altar. White and red rose petals are scattered in the aisle. The whole place is perfect. Everything's ready and beautifully arranged.
Kumpleto na ang lahat. Mula sa mga imbitadong mga kaibigan, mga kamag-anak of both sides, pati ang mga sponsors ay nandito na rin. Ang bride na lang ang hinihintay.
The groom is already in his position, standing in front of the altar, waiting for his lovely bride. He's so dashing and gorgeous in his white three-piece suit. Ang gwapo pa rin niyang tingnan kahit kinakabahan.
"Hey, dude. Relax." Siniko siya ni Michael na nasa tabi niya. He is his bestman. "Maya maya lang ay darating na si Diana."
"Kinakabahan ako and I can't even explain why." Aniya na totoo naman. Patingin-tingin rin siya sa bukana ng simbahan.
"Normal lang sa ikakasal 'yan."
Napatingin si Henry sa wrist watch niya. Ten minutes before eleven. Hindi ba dapat fifteen minutes bago mag-eleven ay nandito na ang bride? Eleven magsisimula ang seremonya.
"Sorry, late na ba ako? Traffic." Napatingin siya sa babaeng nagsalita at humalik sa pisngi ni Michael. Nagulat siya nang makilala ito.
"Camille?" Tumingin naman ang babae sa kanya saka ngumiti.
"Surprise?" Hindi siya nakapagsalita. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa kanilang dalawa. Nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Yeah, dude. She's the one I was talking about. She's my fiance´, Camille. I bet you still remember her."
"Congrats."
Magsasalita pa sana siya nang marinig ang malakas na boses ng wedding organizer.
Pumunta na rin si Camille sa upuan at tumabi sa ina ni Michael.
"Guys, position! On the way na ang bride!". Puwesto siya at inayos ang sarili. Nakapwesto na rin ang mga magulang ni Diana sa bukana ng simbahan. Ang mga kasali sa wedding entourage ay nakapwesto na rin.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETED]
RomanceDiana dreamed of only one thing, to be with, and marry the man she loves the most. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. An unexpected tragedy happened that would cause them to be separated. Does her dream still have a chance to come true or it will...