Chapter 13
~*~
Matuling lumipas ang mga araw. Malapit na ring matapos ang mga preparations sa kanilang kasal. Mula sa decorations sa simbahan kung saan idaraos, sa reception, pati na rin sa mga susuotin ng mga abay. Nakapagbigay na rin sila ng mga invitations at siyempre, hindi nila nakaligtaang bigyan ang mag-asawang Bising at Poldo na kabilang sa mga ginawang ninong at ninang.Si Louella ang maid-of-honor samantalang ang bestfriend naman ni Henry na si Michael ang best man nito. Si Michael na galing pang America na lumuwas pa dito sa Pilipinas para makadalo sa kasal ng bestfriend niya.
Mula kasi nang makapagtapos sila ng kolehiyo ay kinuha na ito ng ama sa America upang ito mismo ang mamahala sa engineering firm nila doon. Pero kahit ganoon hindi naman sila nawalan ng komunikasyon. Alam nito ang mga nangyari dito. Minsan nga itong umuwi para damayan ito noong mga panahong nagluluksa pa ito sa pagkawala ni Diana.
Kasalukuyang pinagmamasdan ni Diana ang kanyang traje de boda sa kanyang kuwarto. Napangiti siya. Ilang araw na lang magiging official Mrs. Diana Manrique Licarte na siya. Napukaw ang mag-iisip niya ng may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Sumilip ang mommy niya.
"Hija, nandiyan na si Henry." Sabi nito.
Oo nga pala. Muntik na niyang makalimutan na may lakad pala sila. Magkikitakita sila nina Michael at Louella. Magdidinner sila sa labas.
"Sige, 'My. Susunod na po ako."
SA ISANG restaurant sila na pag-aari ng pinsan ni Michael sila nagkikita-kita. Pagkatapos ng batian portion ay nagtungo na sila sa mesang nakareserved para sa kanila. Agad silang umorder nang lumapit ang waiter sa kanila.
"Lalo ka palang gumaganda, Diana." Pag-uumpisa ni Michael habang hinihintay ang kanilang order. Ito pa lang kasi ang una nilang pagkikita mula nang dumating ito dito sa bansa. Tanging si Henry lang kasi ang nakakausap nito. "No wonder, patay na patay sa'yo itong bestfriend ko." Patuloy nito saka siya nginitian at kumindat kay Henry.
"Hindi naman." Tila nahihiya pang saad niya.
"Wala bang nakapagpatibok ng puso mo noong nawala ka?" Namula siya. Tumikhim naman si Henry at tingnan ng masama si Michael.
"Just kidding, dude." Napailing na lamang ito.
"Alam mo, daig mo pa ang police sa pag-iinterogate." sabi ni Henry at saka inakbayan si Diana.
Tumawa lamang ito.Maya-maya dumating na ang kanilang order. Tahimik silang kumakain. At dahil nabibingi na si Diana sa katahimikan, nagsalita siya.
"Kumusta naman ang buhay mo sa America?" tanong nito kay Michael.
"Hell." Tipid nitong sagot bago sumubo ng steak.
"Bakit naman?"
"Sa dami ba naman ang ng itatambak na trabaho sa'yo sino ba naman ang hindi maiinis? Idagdag pa ang mga babaeng sakit sa ulong habol ng habol sa iyo." Napangiti siya. Hindi pa rin pala nawala ang pagiging habulin ng mga babae nito.
"Pero ineenjoy mo naman?" singit ni Henry sa usapan. Tahimik lang namang kumakain si Louella. Parang walang pakialam sa mundo. Parang hindi nila ito kasama. Hindi ito nakikisali sa usapan. Sasagot lang kapag tinatanong.
"Of course not!" tanggi nito. "At saka may fiancée na ako."
Nagulat sila sa tinuran nito. Nagulat naman ito at parang hindi alam ang na iyon ang lumabas sa bibig nito. "Well, u-unfortunately. Hehe."Tiningnan naman ito ni Henry na parang sinasabing, 'it's-time-to-tell-us-the-story'.
Pero sa halip na magkwento, "What can you say about an arranged marriage?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETED]
RomanceDiana dreamed of only one thing, to be with, and marry the man she loves the most. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. An unexpected tragedy happened that would cause them to be separated. Does her dream still have a chance to come true or it will...