Charter 5
~°~
Matuling lumipas ang araw. Nagpatuloy ang magandang relasyon nila ni Henry.
Nakakatanggap pa rin siya ng nga prank letters pero binabalewala na lang niya. Kung hindi naman duwag ang gumagawa no'n sa kanya edi sana nagpakilala na ito. At isa pa, hanggang pananakot lang naman.
Wala pa namang nangyayaring masama.
~°~
"Madame, mukhang hindi 'ata tinatablan ng pananakot niyo ang babaeng iyon." Wika ng lalaki sa nakatalikod na babae. Humithit muna ito ng sigarilyo. Bumuga ito ng usok bago nagsalita.
"Umpisa pa lang 'yan ng mga plano ko. Hayaan na muna natin siyang magpakasaya." Sabi nito at muling dinala sa bibig ang sigarilyo.
"Eh, Madame. Ano bang ginawa ng babaeng iyon para magalit kayo ng sobra sa kanya?" Hinarap niya ito. Pinukol niya ito ng masamang tingin.
"Gusto mo bang putulin ko 'yang matabil na dila mo?" Napataas ang kabilang sulok ng labi nito. "I'm willing to. Binabayaran ko kayo para sundin ang mga inuutos ko hindi para magtanong ng kung ano ano."
"Pasensya na Madame."
"Maghintay lang kayo. Dahil simula pa lang 'to. Dahil kapag itinuloy ko na, wala bang atrasan." Sabi nito tsaka humalakhak.
~°~
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Diana kay Ella.
"Basta." At piniringan pa siya nito.
"Baka madapa ako niyan ah."
"Baliw, hawak naman kita eh." Ilang sandali pa silang naglakad. Pinaupo siya nito sa may upuan.
"Hindi mo bang aalisin ang piring ko?" Walang sumagot. "Hoy Louella. Hindi ka na nakakatuwa. Nasaan ka na ba?" Wala pa ring sumagot. Maya maya'y may humawak sa kanya.
"Ella, ikaw na ba 'yan?" Wala pa ring sumagot. Dahan dahang inalis ng humawak sa kanya ang piring sa kanyang mga mata.Tumambad sa kanya ang malawak na garden ng school nila. Sari-saring bulaklak ang nakapaligid sa kanya. May kulay pula at puting lobo din na hugis puso.
Nakaupo siya sa gitna kung saan may lamesa at may upuan din sa harap niya. Nakita niyang may nakapatong na bulaklak sa ibabaw ng mesa.
"Happy monthsary, mahal ko!" Masayang bati ni Henry. Natulala siya.
Nagustuhan mo ba? Huwag mong sabihing hindi dahil pinaghirapan ko 'to. Kahit ganito lang, simple. Hehe." Kinuha nito ang bulaklak at ibinigay sa kanya. Natatawa siyang pinisil ang ilong nito."Oo naman."
Isang buwan na pala ang lumipas mula no'ng maging sila. Parang kailan lang kase. Wala siyang masabi. Basta masayang-masaya siya. Wala na siyang mahihiling pa. Henry is the sweetest guy she ever met. Mabait, maalaga, mapagmahal.
"Talaga?" Pukaw nito sa pag-iisip niya.
"Sobra." Niyakap niya ito.
Lumapit si Michael na may dalang cake.
"Salamat pare." Sabi nito at tinapik pa ang balikat ni Michael.
"Salamat ka diyan. May bayad 'yan." Natatawang sabi nito.
"Loko."
"Biro lang." Nakitawa na rin siya. "Basta best man ako sa kasal niyo ayos na." Kinidatan siya nito.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETED]
RomanceDiana dreamed of only one thing, to be with, and marry the man she loves the most. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. An unexpected tragedy happened that would cause them to be separated. Does her dream still have a chance to come true or it will...