Chapter 14

60 2 0
                                    

Chapter 14

~•~

Kinabukasan, nagkayayaang magpunta sa isang bar na malapit sa pinagtatrabahuan nilang firm sina Henry at ang mga kasamahan niya pagkatapos ng trabaho. Kaarawan kasi ng isa sa mga kasama niya. Tumanggi sana siya noong una pero hindi siya tinantanan ng mga ito hanggang sa pumayag siya.

Ikakasal na daw kasi siya at baka ito na ang huling paglabas niya na binata pa bago ito maikasal kay Diana. And speaking of her, pumayag naman ito nang tawagan niya at magpaalam. Basta mag-iingat lamang daw siya.

Pagkatapos nga ng shift nila ay nagtungo sila sa nasabing bar.

At saka hindi naman siya maglalasing. Pinagbigyan niya lamang si Carlos dahil birthday nito.

Habang nag-eenjoy ang mga kasamahan niya sa pagsasayaw ay nanatili lang siya sa kanyang kinauupuan. May mga babae nga ring lapit ng lapit sa kanya at nagpapa-cute ngunit ini-snob lang niya. What for? Hindi niya sila kailangan. Sapat na ang isang Diana Manrique sa buhay niya.

Ilang sandali pa ay napadako ang tingin niya sa babaeng papasok ng bar. Kita kasi sa pwesto niya ang entrada kaya nakikita niya ang mga naglalabas-masok dito.

Is that Louella?

Tumayo siya upang masiguro kung ito nga ngunit naharangan na ito ng mga nagsasayaw kaya nawala ito sa paningin niya.

Napaupo na lang ulit siya. Totoo ba ang nakita niya o epekto lamang ito ng alak na nainom niya? Pero dalawang bote palang namana ng naiinom niya. At hindi na niya iyon dadagdagan pa. Tama na iyon sa kanya.

Nang mahawi ang ibang nagsasayaw ay nakita niya ulit ang kapatid. Nakatalikod ito sa kanya. Pero, ano ang ginagawa niya dito? Sino ang kasama niya?

Hanggang sa may makita siyang isang hindi naman katangkarang lalaki na lumapit dito. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at sumbrero at palinga-linga ito sa paligid. Imposible naman boyfriend ito ng kapatid dahil wala namang siyang alam na may boyfriend na ito. Ni hindi nga ito lumalabas para makipagdate. Kung lumalabas man ang kapatid ay iyong mga kaibigan lang nito ang kasama.

Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Maya maya'y naglakad na ang lalaki palabas ng bar pero nanatili pa rin ang kapatid doon.

Nakita niyang napasulyap si Louella sa gawi niya. Parang nagtaka pa ito nang makita siya. Agad naman siyang nagbaling ng tingin at nagkunwaring hindi niya ito nakita. Kita pa niya sa sulok ng mga mata niya ang pagkunot-noo nito.

"You're here pala, kuya." Nagulat pa si Henry nang magsalita ito. Hindi niya kasi namalayan ang paglapit nito sa kanya.

"Louella?" kunwa'y gulat na tanong niya.

"The one and only." ngumiti pa ito. "By the way, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Birthday ni Carlos, 'yong isa sa mga kasabayan ko sa firm. Nagkayayaan lang."

"Oh I see."

"Ikaw, bakit ka nandito?"

Nakita niya ang pag-iwas nito ng tingin. "Ahm.. May imi-meet sana akong old friend kaso hindi natuloy. May emergency daw sa kanila kaya hindi makakarating." Eh sino iyong lalaking kinausap nito?

"So, pauwi ka na?"

"Yamang nakita na lang din kita dito eh sasabay na akong uuwi sa 'yo, kuya."

"Mga lalaki ang kasama ko, Ella."

"Nah, so what? It's okay." taas kilay nitong sabi. Binalingan nito ang isang waiter. "One shot tequila here, please."

"Seriously? Tequila?" kinindatan lang siya nito. Wala sa sariling napailing na lang siya.

You're Still The One  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon