Chapter 6: The mysterious Person

128 4 1
                                    

....
Luxery pov

"Oh! Gising ka na pala lux! Akala ko talaga may masamang nangyari sayo!" Nag-aalalang sabi ni crystal. Napansin ko ding nasa condo na kami... Ang huli kung naaalala. Inaaway ako nung isa sa mga kaklase namin.. I forget her name..

Mabilis kung kinapa ang leeg ko at napahinga ako ng malalim ng mahawakan ko ang kwentas na bigay ng parents ko sa akin. This is there only memory kaya importante talaga sa akin ang kwentas nato.

"Okay ka na ba?" Crystal asked. Kumunot naman ang noo ko.

"Huh...ano bang pinagsasabi mo diyan Crystal! Okay lang naman ako ha!" Naguguluhan kung tanong sa kanya.

"Diba nag---wait wala kang naaalala?" Nakakunot noo niyang tanong.

"Huh! Ang huli kung naaalala papunta ako sa library kasi may kukunin akong books para sa history class natin kaso hinarangan ako ng isa sa mga bully dito....tapos...kinuha nila yung necklace  kaso nakuha ko yun sa kanila saka ako dumiretso sa library tapos.... Hindi ko maalala kung pano ako napunta dito sa clinic..."

"No way....." Mahina niyang sabi pero rinig ko pa rin.

"Wait pano ako napunta dito....kasi ang huli kung naaalala nasa library ako...?"

Nilibot ko ang paningin ko. Ngayon ko lang din napansin na may ibang tao pa dito bukod sa amin! Ang mas nakakabigla ay ang mga Elemental yun.

"Crystal anong ginagawa nila dito" pabulong kung tanong sa kanya.

Napakunot ang noo ko ng mapansin kung hindi siya nakikinig sa sinasabi ko.

"HOY!"

"Ay! Palaka!" Sagot niya kaya gusto ko sanang matawa sa reaction niya. " ano ba wag ka ngang manggulat..." Mahina niyang sabi habang nakahawak sa dibdib niya.

"Ano ba kasi yang iniisip mo ha?" Tanong ko sa kanya.napailing lang siya.

"Wala"

"Are you sure?" Tumango siya. Kaya kahit nagtataka pinabayaan ko nalang.

"By the way...nahimatay ka kanina sa..." Tinignan niya ang Elemental.
"Sa library!tama sa library ka nahimatay...nasubrahan kasi ang pag-aaral mo kaya di kinaya utak at katawan mo.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Pano naman yun mangyayari. Eh ngayon nga lang ako mag-aaral kasi importante ang hahanapin sa library. As in hindi ko talaga trip ang study.kung grades ko naman ang tatanongin hindi ko alam kung bakit malalaki ang grades ko.

"We need to go" napabaling ang tingin ko sa iba naming kasama.. Andito pa rin pala sila. Kung hindi nagsalita si kevin baka makalimutan kung may iba kaming kasama.

"Sige mauna nakayo, susunod na lang ako" paalam ni crystal. tumango naman sila bago sabay-sabay lumabas pero bago yun binigyan muna ako ng masamang tingin ni serenity.

"Anong ginawa ko sa kanya?" Pabulong kung sabi

"She likes Maxwell" sagot ni crystal. Grabe ang talas talaga ng pandinig niya. Pero ano naman kung gusto niya yung Maxwell na yun. Paki ko ba sa kanila.

"Ayaw niyang may napapansing ibang babae si Maxwell kaya ang ginagawa niya ay binubully or tinatakot ang sino mang lumapit kay Maxwell babae except me Kuya ang turing ko kay maxwell kaya excepted ako." Sabi ni crystal. Kumunot naman ang noo ko pano naman kaya niya nalaman ang iniisip ko.

"Crystal.."

"Hmmm...."

"Mind reader ka rin ba?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi nababasa niya abg mga iniisip ko. Mabuti na yung sure.baka di ako makatago ng sekreto sa kanya.

Natawa siya" No! Of course not. Obvious lang talaga ang iniisip mo." Sagot niya.

Ganun ba talaga ako ka obvious.

"By the way, I need to go my meeting pa kasi kami eh... Kita na lang tayo sa dorm." Paalam ni Cystal. Tinanguan ko lang siya. "Wag ka munang lalabas ha.. Pahinga ka muna." Sabi nito bago tuluyang lumabas. Tumango ulit ako.

Pagkasara ng pinto. Bumangon agad ako. Inayos ko ang nagusot kung uniform... Hello! Ang boring kaya dito... Hehehe sorry Crystal.

Dali-dali akong lumabas sa clinic. Naglakad na lang ako papuntang dorm namin. Sigurado kasing excuse na ako sa subject namin... Kaya dun nalang ako tatambay sa dorm!

Pero pansin ko lang parang uniiwan sa akin abg lahat ng estudyanteng nadadaanan ko. Ano bang problema nila? Pero mas okay na din ito kaysa ibully nila ako. Pero may iba pa ring kulang nalang patayin ako kung makatitig.

Patuloy pa rin akong naglalakad bg mapansin ko si Maxwell papunta si sa likod ng school. At dahil chismosa ako. Sinundan ko siya.  Asan kaya siya pupunta. Ang pagkakaalam ko gubat na ang likuran ng school namin.

Huminto siya sa isang puno - ay halaman pa lang pala. Kasi nakalagay pa sa paso eh. Ano kaya ang gagawin niya diyan.

Nakita ko suyang huminga ng malalalim. Tinaas niya ang nagbabaga niyang kamay. At biglang tinapon sa halaman at WOW! Bigla na lang itong nagin portal. Pumasok siya dun. Tapos bigla na lang nawala pero hindi ko alam kung guni - guni ko lang ba yon. Para kasing naging itim yung mata niya. Tapos ngumiti siya.. Yung nakakakilabot na ngiti. Hay! Nanayuan tuloy ang balahibo ko. Bumalik na lang ako sa paglalakad papuntang dorm.. Habang pauwi sa dorm namin bigla kong nakasalubong lahat ng Elemental Elements! What?! Lahat?! Pero.... Nakita ko labg si maxw -

"Aalis na kami." Maxwell coldly said.

Nagsialisan na sila.

Hinarap ko si Crystal. " kasama niyo ba si Maxwell buong umaga?" Tanong ko sa kanya.

Tumango ito. "Oo, bakit?"

"Ahh wala...."

Sino kaya yung lalaking yun?

.....

Dear, my lovely readers

     Sorry talaga sa late update. Busy po kasi ako... Sana po maintindihan niya. Pero ganun parin. The more the reader the faster my update... Gagawa at gagawa po talaga ako ng paraan. Thank you sa lahat ng naghintay.

  -GAIL-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Raven's wariorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon