Wala naman akong ginagawa,
Nandito lang ako nakatulala,
Bakit ang tulog ko'y kulang?
Ang isip ko'y naguguluhan.Sa paglipas ng panahon,
Pangarap ko'y nababaon,
Akala ko madali lang ang lahat,
Ngunit ito pala'y napakahirap.Kailangan pa bang lumuha?
Para lang pangarap ay makuha,
Kailangan pa bang magdusa?
Hindi pa ba sapat ang aking mga ginawa?Nakatanaw ako sa malayo,
Umaasang ang sagot ay makikita ko,
Ngunit sumasakit na ang aking mata,
Ang sagot ay hindi parin makita-kita.Sa ngayon ako'y gulong-gulo,
Ang isip ko'y litong-lito,
Sana dumating ang isang umaga,
Na ang kasagutan ay nasa harapan ko na.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula
PoetryPilit kong isinusulat Mga katagang hindi maisiwalat Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas. Sa bawat letrang magkarugtong, Ay ang mga salitang patanung. Di ko alam kung mabibigyang halaga, Ang bawat bi...